Chapter 9

1035 Words
Chapter 9 Keitlyn's POV Bigla na lamang akong napaisip sa punto ni Aether at hindi ko maipagkakaila na tama siya roon. Paano ko ngayon mapaninindigan ang sinabi kong iyon. At mas lalong paano ko maipapaliwanag sa kanya na handa akong pagkatiwalaan siya gayong ako pa mismo ang nagsabi sa kanya na hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga taga-ibang century. At baka hindi rin ako pagkatiwalaan ni Aether dahil sinabihan at pinayuhan ko rin siya na huwag na huwag pagkakatiwalaan ang taga-ibang century. Bakit ba naman kasi kinakailangan pa naming maghiwalay ng century? Pwede namang iisang century na lang kami. In that way, hindi na mahirap para sa amin ang maging magkaibigan. Pero gusto ko ring hingian ng paliwanag ang sarili ko kung bakit tila ba handa kong pagkatiwalaan si Aether kahit na alam ko naman sa aking sarili na hindi dapat. Kung ipagpapatuloy ko ang offer ko sa kanya na maging magkaibigan kami ay magmumukha akong walang isang salita. "Well, sometimes you have to break your own rules," sabi ko at tila hindi makapaniwala si Aether na tinitigan ako. Hindi ko alam kung ano ang mali sa sinabi ko ngunit nabakasan siya ng pag-aalingan. And I feel offended the way he doubted my offer. At tila ba alam ko na agad kung ano ang dahilan ng pag-aalinlangan niya. "Is this part of your scheme?" Mas lalo akong nasakatan when he voices out his thoughts. Pero hindi ko naman siya masisisi kung ganoon nga ang iniisip niya. But I want him to know that my intention is pure at wala akong plano na masama laban sa kanya. "What are you saying, Aether?" tanong ko at muli siyang ngumiti. Walang bahid ng anuman ang mga ngiti ni Aether kundi katotohanan. How can he smile like this to someone he thinks having an scheme about him? "You know, Keitlyn, you will make friends with me so I could trust you. At kapag sobra na 'yung tiwala na binibigay ko sa iyo ay saka mo ako pagpaplanuhan. I trust my friends so much. If I let you to be my friend, I will never ever doubt you again. I would not care if you'll do scheme behind my back." It will be all up to you kung pagtataksilan mo lang ako. Wala akong maisip na salita na pwede kong isagot kay Aether. Wala naman akong planong masama sa kanya pero bigla akong natakot sa sinabi niyang iyon. Hindi dahil may plano ako sa kanya, kundi dahil nakaka-pressure maging kaibigan ang katukad niya na ganoon palang klase kung magtiwala. At maswerte ang mga kaibigan niya dahil nakuha nila ang tiwala ni Aether at nagtitiwala pa rin siya sa kanila hanggang ngayon. Nakikita ko naman na hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang samahan. Mukha namang madaling makuha ang tiwala ni Aether pero ang mahirap lang gawin at ang pinaka-challeng ng pagiging kaibigan niya ay ang pag-maintain sa tiwala na iyon. And I am more than willing to not ruin his trust in me kung bibigyan man niya ako ng pagkakataon. I don't know why but when it comes to Aether, and daling lunukin ng sinabi ko noon na hinding-hindi ako magtitiwala sa mga hindi ko kasama sa century. I barely trust them, si Em nga lang ang pinagkakatiwalaan ko nang buo. Kaya hindi ko alam kung bakit willing ako na pagkatiwalaan si Aether nang buong-buo. Siguro ay dahil magkaibang-magkaiba kami ni Aether ng mindset pagdating sa pagtitiwala. Kung ako ay mahirap makuha ang tiwala, si Aether naman ay madaling magtiwala. And usually, I hate people who easily trust others. But I think Aether has a point, wala naman na tayong magagawa kung pagtrayduran tayo ng mga pinagkakatiwalaan natin. As long as ready tayo sa possibilities of betrayal. Sa totoo nga lang, kahit na sobrang makilatis ako sa mga tao na pagkakatiwalaan ko ay may pagkakataon pa rin na tinatraydor ako. Dahil kung tatraydurin ka nila, tatraydurin ka nila. Kahit pa buong buhay mong pag-aralan kung mapagkakatiwalaan sila, kapag dumating ang oras na maisipan nila na traydurin ka ay tatraydurin ka nila. "Then why don't you trust me that I could trust you?" tanong ko at napabuntong hininga si Aether dahil sa tanong ko. Do I sound so desperate to his friend? "Not that I don't trust you, Keitlyn. I've always wanted to be your friend. What I don't trust is how much it would disappoint me if ever you betray me." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. He said it as if my loyalty is something would disappoint him. "The bottom line is...you don't trust me." Wala namang pag-aalinlangan na tumango si Aether. "Yes, Keitlyn. You're not my friend anyway." Tumango-tango alo sa sinabi niya at napabuntong hininga na lamang. When it comes to trust, ayokong mamilit ng tao para lang pagkatiwalaan ako. Because I know how it feels how hard to trust especially these days. But I really want to befriended with Aether. Pwede ko naman sigurong pagtrabahuhan ang tiwala niya. But that would take much time. Walang kasiguraduhan ang oras namin sa Weigand. So I want everything instantly. Especially Aether's trust. "Just tell me what I can do to get your trust, Aether," sabi ko at halos manlambot ako nang titigan niya ako sa aking mga mata. Kay Aether lang ako nagkakaganito. Tila ba binabasa niya ako sa pamamagitan ng aking mga mata. At hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan gayong alam ko naman na mahihirapan siya na basahin ako dahil hindi pa naman kami ganoon katagal na magkakilala. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kayang-kaya niyang malaman at basahin kung anuman ang eksaktong nasa isip ko ngayon. "There's nothing you can do, Keitlyn. And I sure as hell that you understand." Muli ay hindi ako nakapagsalita dahil totoo naman talaga ang mga sinabi ni Aether. Naiintindihan ko siya at alam ko ang pinagdaraanan niya. Bagsak ang balikat na lang akong napatango na tanda ng pagsuko. Mukhang hindi ko siya makukumbinsi na pagkatiwalaan ako. At hindi ko alam kung mauulit ba ang pagkakataon na aalukin ko siya ng pagkakaibigan. Ayoko rin namang maging makulit at desperada sa paningin niya. Baka mas lalo lang niyang pagdudahan ang intentions ko sa kanya kapag kinulit ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD