Chapter 10

1024 Words
Chapter 10 Keitlyn's POV Kahit tila ba pinal na ang desisyon ni Aether na hindi siya makikipagkaibigan sa akin ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na maging kaibigan niya. Ngunit sa ngayon ay hindi na muna ako mangungulit sa kanya. At least by now, sa oras na maisipan niya na kailangan niya ng kaibigan inside Weigand ay alam na niya agad kung sino ang una niyang lalapitan at kung sino ang totoong willing. Ngunit bigla na lamang akong natigilan sa iniisip ko nang maalala ko si Ginger. What if the first person that will come into his mind is Ginger? That would be a double kill to me. Tinanggihan na nga niya ang offer ko, hindi pa ako ang unang pumasok sa isip niya. Pero hindi naman siguro iyon ang importante sa ngayon. Dahil as long as papasok ako sa isip niya, ayos na ako roon. Kahit pa last choice—or no choice ay tatanggapin ko na rin. Ngunit siguro sa ngayon ay daramdamin ko na muna ang disappointment. Hindi kasi biro ang pagtanggi na ginawa sa akin ni Aether. To think na lalako siya at ako pa itong babae. But that would perfectly fine with me as long as darating ang time na mapapa-oo ko siya. Ngunit hindi ko naman maitatanggi mas lalo akong pinatahimik ng disappointment na iyon. Ayoko na lang kasing magsalita dahil kung muling bubuka ang bibig ko ay baka kulitin ko na naman siya. And I just notice that Aether keeps on looking at me kaya alam ko na napansin din niya ang mas lalo ko pang pananahimik. Ang paminsan-minsan na pagsulyap sa akin ni Aether ay napadalas nang tuluyan na nga akong hindi nagsalita. Ang mabagal kong pagkain ay naging mabilis dahil wala na akong iba pang gustong gawin sa ngayon kundi ang makauwi na sa bahay. Baka kung mas magtatagal pa ako rito ay hindi ko na naman mapigilan ang pagsasalita ko at pangungulit kay Aether. Hanggang sa ilang sandali nga lang din ay tapos na nga ako sa aking pagkain. Sa sobrang bilis ko nga ay naunahan ko pa si Aether. "I'm done," I tell him at agad naman niyang tiningnan ang plato ko na ngayon ay simot na ang lahat ng pagkain na kinuha ko. Ilang sandali lang din naman ang tinigil ng tingin ni Aether sa plato ko at bumalik na siya sa kanyang pagkain na para bang wala siyang narinig. I expected him to tell me I should go pero wala siyang binitiwan na anumang salita. Hanggang sa balutin kami ng labis na katahimikan dahil wala sa amin ang nagsasalita. Ang tanging ingay na maririnig lamang dito sa loob ng kanyang silid ay ang pagtama ng kutsara't tinidor sa kanyang plato. Hindi ko naman na inulit pa ang sinabi ko dahil sigurado naman ako na narinig na niya iyon at talagang hindi lang siya nag-react. I don't why I feel this but I think Aether is playing games with me. Sigurado ako na pinakikiramdaman niya ang mga kilos ko kaya hindi pa niya pinapauwi kahit pa nagsabi na ako sa kanya na tapos na akong kumain. I waited for another couple of minute for him to say that I could now go home but no words came from his mouth. He doesn't even bother to look at my place again kahit pa magkaharap lang naman kami. Hindi ko naman siya sinabihan na uuwi na ako dahil na-realize ko na lang bigla na kung uuwi man ako o hindi ay ayos lang sa akin. I could go home now dahil ayoko nang kulitin ko na naman siya, but I could also stay dahil gusto ko pa naman talaga siyang makasama. Halos patapos na rin si Aether nang muli niya akong lingunin. At halos mawala naman ako sa aking sarili dahil lang sa tingin na iyon. Para na akong masisiraan ng bait dahil lang sa mga titig niya. And I am feeling this way dahil ang kaninang simpleng tingin ni Aether ay napuno ng intensidad. Ngunit hindi ko naman pwedeng ipahalata sa kanya na nahihirapan na ako na salubungin ang mga tingin niya. "So what now, Keitlyn? Dahil lang sa hindi ko pinagbigyan ang gusto mo na maging kaibigan ako ay mananahimik ka ng ganyan?" seryosong sabi ni Aether. And the frustration in his eyes is very evident. He is obviously doesn't like the attitude I am showing towards him matapos nga niya akong tanggihan. At hindi ko yata nagustuhan ang sinabi niya. I was trying to be quiet dahil ayoko na nga na mabuksan ang bibig ko. Pero hindi ako pwedeng manahimik sa sinabi ni Aether. He is obviously implying na uma-attitude ako ngayon sa kanya kahit pa ang totoo ay sinusubukan ko na ang manahimik. "Excuse me?" tanging nasabi ko sa kanya kahit na ngayon pa lang ay gusto ko na siyang bungangaan dahil sa sinabi niya sa akin. I will give him a chance na baka nga mali lang ako ng iniisip at nag-o-overreact lang ako. "You're having a tantrums kaya ka nagkakaganyan. I really couldn't believe how brat kids are in your generation." I can't help but scoff with what he utters. Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa pananahimik ko ay nagawa na niya ako na husgahan. At hindi lang ako ang hinusgahan niya kundi ang buong kabataan sa henerasyon namin. At ang pinaka-hindi ko matatanggap ay ang pagtawag na naman niya sa akin ng kid. At hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para lang tumigil na siya sa kakaisip na isa akong bata. Ano ba ang mali sa akin at kailangan kong baguhin para lang maturing niya na isang babae na kasing edad niya. Is there something wrong the way I act? Pwede ko naman iyong baguhin para lang pumasa sa standard niya at maituring na niyang isang matured na babae. I don't know why but everything Aether thinks and says about me really matters. His opinion seems very important to me. And I couldn't deny the fact that I am willing to compromise just so I can meet his standards. Standards for what? For being his friend, of course.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD