Chapter 35

2588 Words
Chapter 35 Keitlyn's POV Sigurado ako na alam at ramdam ni Aether na hindi ko gusto si Ginger. Kaya hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng taga-twenty first century na maaari niyang piliin na hikayatin ay si Ginger pa ang napili niya. Hindi ko naman pwedeng isipin na nananadya siya dahil bakit naman niya 'yon gagawin. Alam niya na isa itong seryosong usapin kaya hindi siya pipili ng tao para lang sadyain na asarin ako. And the curiosity is now killing me. Ano ang mayroon kay Ginger kung bakit siya ang napili ni Aether. Wala naman nang iba pang pangalan ang binanggit si Aether kaya alam ko na sa ngayon ay si Ginger pa lang talaga ang pinagkakatiwalaan niya. Madali sanang intindihin ang lahat ng 'to kung pipiliin niya si Ginger dahil no choice na siya. Ngunit dahil first choice niya si Ginger to the point na hindi na siya nahirapan pa sa pag-iisip. He was so sure about her the way I was sure about Em. Wala nang sunod na salitang binitiwan si Aether ngunit nanatili ang mga mata niya sa akin. Hindi man lang na siya nagbigay pa ng paliwanag o dahilan man lang sa kung bakit Ginger nga ang napili niya. Gusto ko sanang itanong kung bakit ngunit hindi ko naman na magawa pa dahil baka mamaya ay ma-offend pa siya. Baka isipin niya na kinukwestiyon ko ang desisyon niyaat ayoko na isipin niya 'yon. Hangga't maaari ay gusto kong ipakita sa kanya na buo ang tiwala ko sa kanya at hindi ko siya kukwestiyonin. Makakatulong din 'yon upabg lalong ma-boost ang kumpyansa niya sa sarili. Narinig ko ang buntong hininga ni Aether kaya muling bumalik sa kanya ang atensyon ko. Ang buntong hininga na pinakawalan niyaay tila ba sinasabi niya na ‘okay fine’. And I think he's going to speak abouthis reason kung bakit si Ginger ang napili niya. He will explain as if he owes me an explanation. Siguro ay dahil nahalata niya na iyon nga ang gusto ko na sabihin sa kanya. Nahalata niya na hindi ako mapakali sa ginawa niya na pagpili kay Ginger kaya wala na siyang magagawa pa kundi ang magbigay ng paliwanag sa akin kahit hindi ko sabihin. Lihim naman akong napangiti kahit na wala pang kasiguraduhan kung talaga ngang magpapaliwanag si Aether. "You know, Keitlyn, sa lahat ng kasamahan ko, si Ginger lang 'yung may tiwala sa akin," sabi niya at ngumiti siya. " Well, sino ba naman ang magtitiwala sa kakayahan ng isang nerd? Kung si Ginger ang kakausapin ko ay sigurado ako na mahihikayat ko siya. She also has sentiments against Weigand kaya sigurado rin ako na sa oras na malaman niya na mayroon nang alyansa laban sa Weigand ay makikiisa siya," sabi ni Aether ngunit hindi ako nagsalita. Naiintindihan ko ang punto niya kaya tumango ako. Hindi na rin naman ako nagulat sa sinabi niya na may sentiments din si Ginger dahil halos sa lahat naman yata ng bagay ay may nasasabi siya. Pero sapat na sa akin na nagpaliwanag si Aether. At least kahit na paano ay alam ko ang dahilan ng pagpili niya sa kanya. At nirerespeto ko rin naman ang desisyon niya. I trust his instinct too kaya hindi na ako magrereklamo pa. I don't want to mix business with pleasure. Kung sa tingin ni Aether ay makakatulong at mapagkakatiwalaan s Ginger ay hindi na ako magsasalita pa. Nakahanda naman ako na isantabi ang sarili kong nararamdaman para sa ikatatagumpay ng alyansa na binubuo namin. "Okay, Aether. Kung 'yan ang sa tingin mong makakabuti ay wala na ring problema sa akin." Nginitian ko si Aether at sinuklian naman din niya 'yon ng ngiti. Marami pa kaming napag-usapan ni Aether hanggang sa napagpasyahan na namin na maghiwalay na muna. Aether and I also planned to avoid being too close with each other. Hindi naman kami totally na mag-iiwasan dahil kailangan pa rin namin na sumimple ng pag-uusap tungkol sa aming alyansa. Pero aarte kami bilang isang normal classmates. We will be civil and casual with each other. At hindi hamak naman na mas madaling gawin ang bagay na 'yon kaysa tuluyan na iwasan si Aether kaya nagkasundo na rin kami sa ganitong setup. Kinabukasan ay naging mas mapanuri ako sa paligid ko. Bawat estudyante na madaraanan ko ay talagang tinitingnan ko kung may potential ba siya na makasama sa isang alyansa. Looks can be deceiving, but not the aura. Minsan, madali talagang basahin ang karakas ng isang tao. 'Yung tipo na sa unang tingin mo pa lang sa kanya ay kaya mo nang masabi kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi. Nakaakyat na ako sa classroom namin ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong nakikita na maaaring mapagkatiwalaan na sa ibang century nagmula. Ngunit saka ko na muna siguro 'yan poproblemahin dahil ang kailangan ko munang gawin ay ang kausapin si Em. Siya ang una kong sasabihan dahil siya rin naman ang pinagkakatiwalaan ko. Si Aether na ang bahalang kumausap kay Ginger dahil sila naman ang close. And Aether did not tell me to talk to her dahil alam niya na hindi ko magagawa na kausapin si Ginger. Mabuti naman at alam niya ang bagay na 'yon. Wala pa si Em sa upuan niya kaya ngunit sigurado naman ako na parating na rin siya. I look at Aether's direction at nakita ko na wala pa rin siya sa upuan niya. Tulad ni Em, siguro ay paparating na rin so Aether. Bakit naman kung kailan gusto ko silang makita agad ay saka naman sila late na papasok. Unang dumating si Em. Pero hindi ko na magagawa pa na sabihin sa kanya ang tungkol sa plano namin ni Aether na alyansa dahil wala nang oras. Hindi ko maipapaliwanag sa kanya ang lahat dahil malapit na ang first class namin. Siguro ay mamayang lunch break ko na lang sasabihin sa kanya. Baka may makarinig din na iba dahil marami na kaming classmate na nandito. Mas makakabuti kung sa lahat ng oras ay nag-iingat kami. Baka kasi mamaya, todo ingat kami sa paghahanap ng mapagkakatiwalaan na member pero ang mga tsismoso at tsismosa na classmates lang pala namin ang magppaahamak sa amin. Kaya ang nararapat namin na gawin ay mag-ingat sa lahat ng oras at pagkakataon. Maging mapagmatiyag kami sa paligid at siguraduhin na walang malapit sa amin ang makakarinig ng lahat ng plano namin. Hindi ko alam kung paano ko ba dapat na simulan kay Em ang mga plano namin ni Aether. Hindi na ako magugulat kung sa simula ay tumutol siya dahil malayo na 'to sa pinag-usapan namin. Ang usapan kasi namin ni Em ay iiwasan ko na si Aether dahil maaari naming ikapahamak ang pagiging malapit sa isa't isa. Ngunit ngayon ay nakikipagtulungan pa ako sa kanya at nakabuo na agad kami ng alyansa. Ngunit kung maipapaliwanag ko naman nang ayos sa kanya ay sigurado ako na maiintindihan ni Em ang lahat. Ang kailangan ko lang isipin sa ngayon ay ang mga tamang salita na sasabihin ko sa kanya nang sa gayon ay makumbinsi ko siya. Alam ko na hindi ganoon kadali ang kumuha ng tiwala ng isang estudyante lalo na at may takot nang nararamdaman ang bawat isa sa pagsalungat sa Weigand dahil nga sa nasaksihan namin na pagpatay kay Timothy. Plus the fact that they might doubt Aether's capabilities. Aminado rin naman si Aether na mahihirapan siya sa pagkuha ng tiwala ng bawat isa dahil mukha siyang mahina dahil una siyang nakilala rito sa Weigand bilang isang nerd. Ngunit sa una lang naman kami mahihirapan dahil alam namin na hindi magtatagal ay dadami rin ang memb namin dahil makikita nila ang tunay na kakayahan ni Aether. "Hey, Keitlyn," narinig ko sambit ni Em sa pangalan ko at nakita ko na lang din na nag-snap siya sa harapan ko. I think I spaced out dahil sa dami ng iniisip ko tungkol sa alyansa namin ni Aether. Hindi dapat ako mamroblema nag ganito dahil ang kailangan kong gawin ay maging kalmado. Ayokong may sinuman ang makahalata na may niluluto kaming plano. I look at Em at nginitian siya. Pero tinaasan niya ako ng kilay at halatang nagtatakha siya sa kung bakit halos hindi na naman niya ako makausap. "Nandiyan ka na pala, Em. Hindi kita napansin na dumating," sabi ko at pinilit ko na magtunog normal. I'm still collecting myself t ayoko naman na pagdudahan ni Em ang kinikilos ko dahil baka kulitin lang niya ako na sabihin sa kanya ang problema ko. "Obviously. Mukhang malalim ang iniisip mo," sabi niya. That was a statement pero halatang nagtatanong siya sa kung ano ang iniisip ko. But of course, hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya ang lahat dahil wala kami sa isang tahimik na pwesto. "Oo. May ikukwento ako mamaya sa iyo sa cafeteria," sabi ko sa kanya at napakunot ang noo niya. I can see curiosity in his eyes pero hindi naman na siya nagtanong pa ulit. Nakuntento na siya sa sinabi kong 'yon at matiyaga na lamang niyang hihintayin ang lunch break. Ilang minuto bago magsimula ang klase namin ay dumating na si Aether. He glances at my direction pero inalis din naman agad ang tingin niya sa akin. Napansin ko n nakatingin sa kanya si Em ngunit ilang sandali lang din ay nilipat niya sa akin ang paningin niya. Tinaasan niya ako ng kilay at sa tingin ko ay nakita niya ang sandali na pagsulyap sa akin ni Aether. Napangiwi na lang ako dahil sa mga makahulugan na tingin niya sa akin. Napailing na lamang siya dahil hindi siya makapaniwala sa kung ano ag namamagitan sa amin ni Aether. Gusto ko sanang sabihin na wala namang ibig sabihin ang mga tinginan naming 'yon ngunit alam ko na magsisinungaling lang ako kapag nagsalita pa ako kaya minabuti ko na lamang ang manahimik na muna. Lumipas ang pang-umaga na klase at sunod ko na lang n namalayan ay lunch break na. Agad na tumayo si Em na tila ba nagmamadali siya. At alam ko na agad kung bakit kailangan niya na magmadali. Iyon ay dahil gusto na niyang malaman ang tungkol sa sasabihin ko sa kanya. Hindi naman ako nagkamali dahil pagtayo na pagtayo niya ay hinarap niya agad ako. Tinanguan ako ni Em na tila ba pinagmamadali na rin niya ako. But of course, hindi ako nagmadali. Normal lang ang ginawa ko na pagkilos ngunit sapat na upang mauna kami sa iba pang mga estudyante sa cafeteria dahil kailangan naming makakuha ng magandang pwesto. Nang makababa na kami ay sabay na rin kaming naglakad ni Em papunta naman na sa cafeteria. Bakanteng mesa agad sa dulo ang nakita ko. Mukhang nakita rin 'yon ni Em kaya tinanguan namin ang isa't isa dahil nagkasundo kami na doon na lamang uupo. Sabay na kami na muling humakbang papunta roon. Mabuti na lamang at wala nang ibang estudyante ang nagtangka pa na maki-share ng table sa amin kaya solo namin 'to at hindi na kailangan pa na mangamba kung may makakarinig ba sa amin o wala. Um-order na muna kami ni Em kahit pa parehas naman na kaming hindi na makapaghintay na mag-usap. Gusto na niyang malaman ang sasabihin ko. Habang ako naman ay hindi na rin makapaghintay na sabihin sa kanya ang lahat at kumbinsihin siya. Habang naghihintay ng order namin ay hinarap na agad ako ni Em at alam ko na nakapila na ang mga gusto niyang itanong sa akin. Hindi ako nagsalita dahil tingin ko ay mas mapapadali sa part ko kung sasagutin ko na lamang ang mga tanong niya kaysa mag-isip pa ako ng paraan sa kung paano sisimulan nag lahat ng 'to. "So, Keitlyn, what is this all about?" unang tanong ni Em at hindi naman ako nahirapan na humanap ng sagot dahil naisipan ko na sagutin na lamang nang diretso ang mga tanong niya. Wala rin naman na akong nakikita pa na dahilan para magpaliguy-ligoy pa. Wala rin kaming sapat na oras para mag-usap kaya wala na akong plano pa na kung saan-saan dalhin ng usapan namin na 'to. Let's get straight to the point. "It is about the alliance that Aether and I are building," sabi ko at nakita ko ang bahagyang pag-awang ng mga labi ni Em dahil sa sinabi ko. I know that she did not see that coming kaya nabigla siya. She was caught off guard kaya hindi niya agad nagawa na mag-react sa sinabi ko. Alam ko na pinoproseso pa rin ng isip niya ang sinabi kong 'yon. Hanggang sa mayamaya lang ay napakunot ang noo niya. Marahan siyag natawa dahil sa hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa akin. "You're kidding, right?" sabi ni Em pero umiling ako. Unti-unti namang nawala ang mga ngiti niya sa labi nang ma-realize at makita niya sa mga mata ko na hindi ako nagbibiro. I heard her scoff at hindi makapaniwala ako na tiningnan. "Seriously, Keitlyn? Kailan ka pa natuto na pagkatiwalaan ang hindi mo kasama sa century?" tanong ni Em. She knows I don't trust anybody except her. Pero ngayon, bukod sa kanya ay nagtitiwala na ako kay Aether. Sila nang dalawa ang pinagkakatiwalaan ko ngayon. "Pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko, Em. I can explain everything," sabi ko sa kanya. "Of course, Keitlyn. You really need to explain dahil hindi ko maintindihan ang pinapasok mong 'to. The last time I checked, your plan was to avoid Aether. Then all of a sudden, biglang may alliance na kayo?" Bigla akong napalingon sa paligid dahil baka mamaya ay napalakas ang pagkakasabing yon ni Em at may iba na nakarinig. Fortunately, malayo na ang kasunod namin na table kaya sigurado ako na walang ibang nakarinig na estudyante sa sinabing 'yon ni Em. "Marami kaming plano ni Aether, Em. At kung makikiisa ka sa amin ay sasabihin ko ang mga plano namin," sabi ko kay Em pero wala sa mukha niya ang pagsang-ayon sa plano ko. Mukhang mas mahirap pa 'to kaysa sa inaasahan ko. Not that Em doesn't trust Aether. Pero ang iniisip niya ay baka mabuko kami at mapahamak lang parehas. Ang kailangan ko na lang sigurong ipaliwanag ay kung paano magiging successful ang lahat ng 'to. "How can you be so sure na makikiisa ako riyan sa sinasabi mo na alyansa? Baka mamaya ay ikapahamak ko pa 'yan," sabi niya. Halata nga kay Em na wala siyang tiwala sa alyansa na binubuo namin at hindi ko alam kung paano siya mapapapayag. Bigla tuloy nabawasan ang pag-asa ko na makahikayat ng iba pang estudyante dahil kung ang kaibigan ko nga ay hindi ko magawa na hikayatin at pagkatiwalaan kami, paano pa kaya ang ibang tao? I would be really disappointed kung hindi ko magagawa na mapapayag si Em. Ngunit hindi naman ako nangangamba na isusumbong niya kami ni Aether sa admin. Kahit na hindi siya sumapi sa amin ay sigurado ako na magiging safe ang alliance namin dahil hindi niya kami ipapahamak. Alam niya na maaari naming ikamatay kung malalaman ng Weigand ang tungkol sa alyansa. "We need you in this alliance, Em. Alam ko na marami kang maitutulong sa amin," sabi ko sa kanya pero marahan siya na umiling. "I'm sorry, Keitlyn, pero hindi ako makikiisa. Wala akong plano na sumali sa kahit na anong alyansa. Tahimik na ang buhay ko rito sa Weigand at wala na akong dahilan para sumali pa. I was hurt dahil sa ginawang pagtanggi ni Em sa offer ko sa kanya. Pero wala naman akong magagawa. Hindi ko naman siya pwede na pilitin kung ayaw niya talaga. All I can do is to accept an respect her decision.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD