Chapter 44
Keitlyn's POV
Ilang sandali pa ang nilagi namin ni Aether sa library hanggang sa napagpasyahan na rin namin na lumabas na ng Terra U. Mabuti na lamang at mabilis lang namin nahanap ang daan palabas kaya agad kaming nakalabas ng campus. I breathe the air I wasn't know I as holding the whole time na nasa Terra kami. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang sinuman ang napahamak sa pagpasok namin ni Aether doon. Hindi kami nahuli at ganoon din ang Tito ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung nagkataon na mawawalan siya ng trabaho nang dahil sa amin.
"Sandali!" Nahinto kaming dalawa ni Aether sa paglalakad nang may marinig kaming sigaw. Hindi pa kami tuluyan na nakakalayo sa campus ng Terra. Nagkatinginan kami ni Aether at parehas naming hindi alam kung kami ba ang tinatawag ng lalaki sa likuran namin. Kaya para na rin makasigurado ay sabay namin siyang nilingon. At bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba nang makita ang isang security ng campus na nakatingin nga sa amin. It is confirm na kami nga ang tinatawag niya.
Ang buong akala ko ay ligtas na kami pero bigla na lamang lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa kaba sa pag-iisip na baka harangin niya kami. Nilingon ko si Aether at mukhang parehas kami ng iniisip. Mas lo pa akong kinabahan nang makita ko na nagsimula nang maglakad ang security palapit sa amin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapakapit sa braso ni Aether dahil sa kaba ko. Galit ang mukha ng security kaya alam ko na kagagalitan niya kami. Masyado pa palang maaga ang ginawa ko na pagsasaya kanina. Dahil ngayon, sa tingin ko ay mapapahamak kami.
"Ano po iyon?" kalmadong tanong ni Aether at sa tingin ko ay hindi naman siya natataranta. Mabuti naman kung ganoon dahil kung matataranta siya na tulad ko ay mahihirapan kami na lusutan ang bagay na 'to. Isa man lang sa amin ang maiwang nasa matinong pag-iisip.
"Face recognition ang paglabas ng Terra," sabi niya na kinabigla ko. Alam ko na nabigla rin si Aether ,pero minabuti niya na hindi ipahalata ang bagay na 'yon sa security na nasa harapan namin.
"And?" tanong ni Aether.
"Nagkulay pula kayo sa camera. Ang ibig sabihin nito ay hindi na-detect ng system ang pagpasok ninyo," sabi nito. Hindi na 'yon nakakapagtakha dahil hindi naman kami sa entrance pinadaan ng tito ko kaya imposible talaga na ma-detect 'yon ng security camera na nasa entrance ng campus.
"How is that even possible? Baka may sira lang ang security camera ninyo," sabi ni Aether and I want to give hm a clap dahil sa galing niyang umarte. In all fairness naman sa kanya, parang alam niya at napaghandaan niya ang mga dapat niyang sabihin.
"Imposible ang bagay na 'yan," sabi ng security at marahan na natawa si Aether.
"Kung gayon, kung hindi kami dumaan diyan, paano kami nakapasok? Ibig bang sabihin nito ay nagkaroon kayo ng kapabayaan?" sabi ni Aether at hindi naman nakapagsalita ang security na kaharap namin. Aether is provoking him at hindi ko naman maiwasan na maawa sa security na walang kaalam-alam at wala rin namang kasalanan. But we need to do this dahil kailangan naming makalusot.
"Hindi kami nagpabayaan sa trabaho namin," giit niya at alam naman namin 'yon. May tumulong lang naman talaga sa amin na makapasok kaya kami nakalusot. But of course, hindi naman namin 'yon pwedeng sabihin sa kanya dahil mas lalo lang kaming mapapahamak. Kahit na anong mangyari ay hinding-hindi kami aamin. Unless makakuha siya ng ebidensya na lumusot nga lang kami at tumakas para lang makapasok. Na sana ay huwag mangyari. Siguradong lagot kami ni Aether sa oras na malaman nila na takas nga lang ang naging pagpasok namin doon. At hindi lang kami ni Aether ang malalagot, kundi maging ang tito ko na tumulong sa amin.
"Then how come na nakalusot kami?" tanong pa ni Aether. Nasa tono ni Aether na hindi siya magpapatalo sa kaharap niya ngayon pero nasa mukha rin naman ng security na 'to ang paninindigan na wala silang naging kapabayaan. At kapag nagkataon ay mahihirapan kami ni Aether kapag nagpa-imbestiga na sila. Sa oras kasi na i-report niya sa pamunuan ng Terra University ang nangyari na 'to ay magpapa-imbestiga na sila. At ang una nilang pupuntahan ay ang security camera. Doon ay makikita nila na kusa kaming pinasok ng tito ko. At sigurado ako na sobra ang magiging pagka-konsensya ko kung matatanggal siya sa trabaho nang dahil sa amin. San lang ay magawan ni Aether na lusutan ang bagay na 'to. Mabilis naman siyang mag-isip kaya ipagkakatiwala ko na sa kanya ang isang 'to.
"Hindi ko rin alam. Ang mabuti pa ay umamin na lamang kayo sa ginawa ninyo bago ko pa ipa-review ang security camera." Bigla na lamang akong kinabahan sa sinabing 'yon ng lalaking 'to. Kung magkataon ay siguradong wala na kaming lusot nito. Hindi ko na alam kung ano pa ang naiisip na plano ni Aether. Pero sa tingin ko ay kailangan na lang siguro naming aminin dahil kung ipapa-review pa ang camera ay mahuhuli rin maging ang tito ko.
"Ano ba ang ginawa namin?" tanong ni Aether at mukhang naiinis na ang lalaking kaharap namin dahil sa paulit-ulit lang na takbo ng usapan namin. Alam ko na niligaw lang siya ni Aether ngunit sana ay umepekto ang plano niyang 'to.
"Tumakas kayo para makapasok," madiin na sabi ng lalaki na tila ba pinapaintindi na kay Aether ang lahat.
"Oh yea, we did," sabi ni Aether kaya napalingon ako sa kanya. Bigla akong napaisip kung tama lang ba ang ginawa niyang 'to o hindi. "We did. No need to review the security camera," sabi pa niya at mukhang naisip din niya kung ano ang nasa isip ko. Mabuti na lamang at ginawa 'yon ni Aether. At least ngayon ay hindi na namin kailangan pa na mag-alala para sa trabaho ng tito ko. He is now safe. Ang kailangan na lang naming gawin ni Aether ay hindi na idamay pa ang pangalan ng tito ko sa g**o na 'to.
The security gets his device at ngayon ay nakahanda na siya na kuhanin ang information namin. Bigla na lang akong nag-alala dahil sigurado ako na maging ng school kung saan kami nag-aaral ay itatanong niya. At hindi ko alam kung dapat ba naming sabihin ang totoo kung saan kami nag-aaral. Or pwede rin naman naming sabihin na hindi na kami nag-aaral.
"Pangalan at edad mo," sabi ng security sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.
"Keitlyn Santibañez, twenty," sagot ko naman at humarap na siya kay Aether par ito naman sana ang tanungin. Pero hindi naman na niya kailangan pa na magtanong dahil nagsalita na agad si Aether.
"Aether Alonzo, twenty." Halatang nainis ang lalaki dahil sa ginawang 'yon ni Aether at hindi ko mapigilan ang marahan na matawa. Aether is just so naughty pero alam ko naman na hindi lang siya nagpapadarag sa lalaki na 'to. Napatingin sa akin ang security dahil sa ginawa ko na pagtawa kaya agad akong nag-iwas ng tingin at sumipol. Nakita ko pa na sinamaan niya ako ng tingin and I feel about that.
"Magsyota ba kayo? Bakit dito niyo pa naisipan na mag-date?" Kahit na hindi naman ako kumakain ay halos mabilaukan ako sa tanong ng security na 'to. Ganoon na lamang din ang naging reaction ni Aether kaya bigla siyang nawala sa composure.
"No, we're not...you know, in a relationship," sabi ko. Pinilit ko na maging matino ang sagot kong 'yon pero hindi ko maiwasan ang mataranta. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na 'yon. Mabuti na lamang at hindi na ulit nagtanong pa ng tungkol doon ang lalaki at tumango-tango na lamang.
"Kung gayon ay bakit ninyo naisipan na pumasok ng campus?" tanong niya at hindi agad nakasagot si Aether. Kinakabahan ako dahil baka nang dahil sa tanong ng lalaking 'yon ay mahirapan nang magsalita si Aether. I know Aether is trying to collect himself. Mabuti na lamang at matiyagang naghihintay ang lalaki sa sagot namin. Hindi naman siya nabigo dahil mayamaya lang ay tumikhim na si Aether para sa muli niyang pagsasalita at pagsagot sa tanong ng security.
"Curious lang kami sa kung anong mayroon sa Terra. Well, who wouldn't?" sabi ni Aether at tumango-tango naman ang lalaki na tila ba sumasang-ayon sa sinabi ni Aether. Alam niya rin n iba talaga ang misteryo na mayroon ang campus na 'to.
"Kung sabagay. Hindi lang din naman kayo ang unang nahuli na tumakas papasok," sabi niya at hindi naman na kami nagulat doon. Mukhang normal na sa kanila ang ganitong sernaryo.
"Iyon naman pala, kung gayon ay pwede na ba kaming umalis? Can you let this one slide?" pakiusap ni Aether ngunit nanatiling matigas ang lalaking 'to. Mukhang mahihirapan kami ni Aether na kumbinsihin siya. At hindi namin alam kung paano siya mapapapayag na hayaan na lamang kami na makaalis na. Tutal ay hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nahuli sila.
"Hindi pwede. Kailangan pa namin kayong i-report sa admin," sabi niya at muling hinanda ang device niya. "Saan ba kayo nag-aaral?" Sa pagkakataon na 'to ay muli kaming natigilan ni Aether. Tila ba nagbara ang parehas naming lalamunan. Parehas kaming nag-iisip kung sasagutin ba namin ang tanong na 'to ng lalaki. Sinenyasan ko si Aether na siya na ang sumagot. Siya na ang bahala kung sasabihin ba niya ang tungkol sa Weigand. Ngunit halata rin kay Aether na hindi niya alam ang dapat gawin. Huminga siya nang malalim nang makapagdesisyon na siya.
"Weigand." Magta-type na sana ang lalaki sa kanyang device pero bigla siyang natigilan at nakita ko kung paanong kumunot ang noo niya.
"Weigand?" tanong ng lalaki at tumango naman si Aether. Umayos siya ng tayo at halata na handa na niya kami na pagalitan. "Pinagloloko niyo ba ako? Saan naman ninyo napulot ang Weigand na'yan?" inis na tanong niya at napangiwi kami ni Aether. Anong magagawa namin e doon naman talaga kami nag-aaral. Alangan namang magbigay kami ng pangalan ng ibang school edi lalabas naman na sinungaling kami. And I'm sure that they will contact our school right away dahil iyon ang patakaran ng bawat eskwelahan. Ang school na kasi namin ang bahala na mag-punish sa amin kapag nang-trespass kami sa ibang school.
Kaya kapag ni-report nila kami sa school na ibibigay namin ay malalaman lang nila na nagsisinungaling kami kaya mas madaragdagan lang ang kasalanan namin sa kanya. Baka mas lalo niya lang kami na pag-initan.
"Hindi ka namin niloloko, Mister. Totoong sa Weigand kami nag-aaral." Muling napakunot ang noo niya dahil pinatotohanan ko ang sinabi ni Aether.
"Maraming estudyante na akong na-report sa kani-kanilang eskwelahan kaya halos lahat ng school dito sa Pilipinas ay alam ko na. Pero ngayon ko lang narinig ang Weigand na 'yan." Muling tinawanan ni Aether ang lalaki kaya sinamaan niya ito ng tingin. Huminto naman sa pagtawa si Aether at tumikhim para sa muli niya na pagsasalita.
"Anong magagawa namin e sa doon kami nag-aaral? Mas gusto mo ba na magsinungaling pa kami," sabi ni Aether at halata na nauubusan na ng pasensya ang lalaki dahil sa sagot namin. Kaya minabuti ko na mag-isip na agad ng pwede kong sabihin. Sa pagkakaalam ko ay mayroong list ng recipient ang lahat ng report na ginagawa nila. Kaya kung ipapasa na nila ang names namin sa school ay mayroon naman list.
"Why don't you try it? Bakit hindi mo i-check ang Weigand?" sabi ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging consequences ng pagsasabi ko ng tungkol sa Weigand pero wala na akong maisip pa na ibang paraan.
"Paano kapag napatunayan ko na niloloko niyo lang ako?" tanong pa ng lalaki at hindi talaga siya naniniwala sa amin. Hindi ko naman siya masisisi dahil secret school nga ang Weigand. Wala ring kasiguraduhan kung lalabas siya sa list ng schools na pagre-reportan niya. Pero paano nga kaya kung walang Weigand na lumabas? Iisipin niya na niloloko lang namin siya. Lalo na kaming malilintikan sa isang 'to. Sigurado ako na mas lalo niya kaming pag-iinitan. Kaya dapat ay may Weigand na mag-appear sa list.
Nabanggit naman sa form namin noon na accredited ng government namin ang Weigand. Kaya umaasa ako na kasama siya sa list of schools and universities.
"Paano kapag napatunayan namin na nagsasabi kami ng totoo?" May panghahamon sa naging tono ni Aether kaya nakipagtitigan sa kanya ang lalaki at nakipagsukatan ng tingin. Walang sinuman sa kanila ang may plano na magpatalo. I could not deny na gusto ko rin ang side na 'to ni Aether. He is now far from being bullied-looking guy. I wonder how he learnt this side of his.
"Tingnan natin, mga bata..." May kumpiyansa ang lalaki na hindi kami nagsasabi ng totoo. Nagsimula na siyang mag-type sa kanyang device. Nasa pangatlong letra pa lang siya ng Weigand ay nahinto na agad siya. At tila alam ko na kung bakit. Sinilip ko ang device na hawak niya para sa kumpirmasyon ng hinala ko.
At hindi nga ako nagkakamali dahil may nag-iisang suggestion sa ibaba ng tina-type niya. And it is Weigand. Tiningnan niya ako gamit lang ang itim ng kanyang mata kaya napaayos ako ng tayo. Sumipol-sipol ako na tila wala akong ginawa. Umayos din siya ng tayo at muli kaming hinarap.
"What now? Did you see Weigand on the list?" tanong ko kahit pa alam ko naman na ang sagot. Malinaw kong nakita na nag-appear ang Weigand. And it only means na totoo ang mga sinabi sa ‘Things To Remember’. Totoong accredited siya ng government.
"Yea," sabi ng lalaki at napangisi kami ni Aether. "Pero hindi nito mababago ang katotohanan na kailangan ko kayong i-report. Magse-send na ako ng report sa school ninyo." Muling hinarap ng lalaki ang device na kanyang hawak at nakaramdam na naman ako ng kaba. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nakarating sa pamunuan ng Weigandang bagay na 'to. They will know na nakakapunta rito si Aether.
Kung nasa list ang Weigand ay hindi imposible na makarating sa kanila ang report na 'to. We need to do something.
"What did you say a while ago? Hindi ito ang unang beses na may nahuli kayong tumakas papasok ng Terra?" tanong ni Aether kaya nabaling ulit ang tingin ng lalaki sa kanya. "I wonder how the management of Terra sees your effectiveness as a security," sabi ni Aether at mukhang pino-provoke na naman niya ito para hindi na matuloy ang plano niya na pag-report sa amin.
"Anong gusto mong palabasin?"
"I'm pretty sure they are watching your performance. At kung ire-report mo pa 'to sa management ng Terra, panibagong kapalpakan na naman 'to on behalf of your names. Let's all be honest here. Walang estudyante na makakalusot kung naging maayos ang pagbabantay mo at ng iyong mga kasamahan. So if I were you, hindi ko na daragdagan pa ang kapalpakan na nakikita ng management sa inyo." Hindi nakapagsalita ang security na 'to dahil sa sinabing 'yon ni Aether. Well, Aether has a huge point. And he is stating facts only.