Chapter 45

1485 Words
Chapter 45 Keitlyn's POV Hindi ko sukat akalain na dahil lang sa sinabing 'yon ni Aether ay napabilis ang pagpapaalis sa amin ni Aether. I think Aether is good at provoking someone. He is also good at negotiation at hindi nalalaman ng kaharap niya na naiisahan na pala sila ni Aether. Well, para din naman sa security na 'yon ang ginawang 't ni Aether. Baka lalo silang mapasama kung ire-report pa nila sa management ang pagkakalusot namin. Baka magkaroon pa ng further investigation at mas lalo lang madami ang madadamay. Ang mahalaga sa ngayon ay hinayaan na lang niya kami na makalayo na sa campus. At siguro naman ay sapat na ang distansya namin para tuluyan na kaming makahinga nang maluwag. Narinig ko na lang din ang malakas na buntong hininga ni Aether, tanda na maging siya ay nag-alala kanina. Pero hindi naman na 'yon mahalaga dahil hindi naman nahalata ang pagkataranta na naramdaman niya kanina. Mukhang sanay na rin naman siya na makaranas ng ganoong interrogation. And I think Terra University trained him well. Sigurado ako na sa Terra siya naging ganito ka-firm. Kaya ganito na lamang ang pagmamahal niya sa dati niyang eskwelahan ay dahil ito ang humubog sa kanyang pagkatao. "Muntik na tayo ro'n," sabi ko at tumango naman si Aether. Buong akala niya rin siguro ay mare-report na kami ng lalaking 'yon. Mabuti na lamang at nagawan niya ng paraan. Mabuti na lamang t mabilis mag-isip i Aether. Swerte si Aether dahil ganito ang mga talent na mayroon siya. Well, swerte rin naman ako dahil nakikinabang din ako sa mga talento niya. Tiningnan ko si Aether at halatang malalim ang iniisip niya. "What were you thinking?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na maki-usyoso sa kung anuman ang iniisip niya. Pakiramdam ko ay gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanya kahit pa alam ko na nagmumukha na akong tsismosa minsan...o madalas. "I was just thinking kung paanong nasa list ang Weigand? Anong ibig sabihin nu'n?" Sinabi ko kay Aether na 'yan din ang kanina pang tumatakbo sa isip ko. And we just think na siguro nga ay accredited lang talaga siya ng goverment. Na kapag ivi-visit mo ang site personally ay hindi mo magagawa. Sa ganitong sitwasyon lang siguro siya nag-a-appear. Nagpatuloy na lamang kami ni Aether sa paglalakad na bitbit pa rin ang kanina pa naming iniisip. Ngunit hindi na muna kami nagpa-apekto roon dahil nakaisip si Aether ng panibagong gagawin. And he wants to visit some pasyalan here. And I am more tha willing to tour him around. Pero sa ngayon ay kailangan na muna naming kumain dahil inabot na kami ng tanghalian sa paggagala. Naghanap kami ng pinakamalapit na makakainan at nadaanan namin ang McDo. Dahil excited na rin naman si Aether na maggala ay naging mabilis lang ang ginawa namin na pagkain. Parang bta si Aether na ngayon pa lang makakagala. At hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil ako ang gagawa nito kay Aether. I don't mind kung may makakita man sa amin na kasamahan ko sa century na 'to pero as much as possible ay wala naman sana para wala na ring issue pa. Pagtapos na pagtapos nga namin na kumain ni Aether ay dumiretso agad kami sa sinasabi niya na gusto niyang puntahan. And it is ther historical place, Luneta Park. Of course, we nee to commute dahil wala namang winged bike si Aether. Bawal din naman ang angkas kaya hindi ko siya maiaangkas. Wala naman ding kaso sa akin kung mag-commute kami. Mabilis na lang din naman kasi ang biyahe kaya hindi rin magtatagal at nandoon na kami. Tulad nga ng inasahan ko ay naging mabilis ang biyahe namin. Pagdating pa lang namin ng Luneta Park ay tiningnan ko ang reaction ni Aether. And I didn't expect this kind of reaction from him. Ang buong akala ko ay matutuwa at magugustuhan niya ang maaabutan niya. Hindi ko tuloy naiwasan ang malibot ng tingin para malaman kung bakit ganito na lamang ng reaction ni Aether. But to be honest ay wala naman akong nakikita na dahilan para ma-disappoint siya nang ganito. Malinis naman ang park na 'to dahil name-maintain ito ng local government ng Maynila. "Aether, may problema ba?" Hindi ko na tuloy napigilan pa ang sarili ko na magtanong sa kanya. Dahil kahit na hindi sabihin ni Aether ay alam ko na may mali sa nakikita niya ngayon. At gusto kong malaman kung ano iyon. "Marami na pala ang photo bomber ng Rizal monument. Dati kasi ay ang Torre de Manila lang," natatawang sabi niya dahil sa disappointment. Nabaling tuloy ang attention ko sa nagtatayugan na building sa background ng monumento in Rizal. At tama siya, nagmimistulan nga silang mga photo bomber. Nakakakita na rin ako ng mga old photos ng Rizal monument from the past kung saan wala pang masyadong mga building. At mas maganda nga iyong tingnan kaysa rito na mas kapansin-pansin pa ang mga building kaysa sa mismong monumento ni Rizal. "Well, ganoon talaga, Aether. Things change. Isang pangkaraniwan na tanawin na lang 'yan sa panahon namin," sabi ko dahil iyon namang ang totoo. Kung papipiliin naman ako ay mas gugustuhin ko rin na walang ganyang klase ng photo bomber dito. Pero wala naman kasi kami sa kapanyarihan para pigilan ang mga mapeperang tao na magpatayo ng kung anu-ano. Dahil tulad na nga rin ng sinabi ko, things change. Dala na rin ng modernization ng mundo ay hindi na rin mapipigilan maging ang ganyang bagay. Ang sinasabi kasi ng mga nagpapatayo ng building diyan, ang importante raw ay napapanatili ang pagkakatayo ng monumento ni Rizal. Which is true dahil maging kalinisan sa paligid ay napapanatili rin nila. "I guess you were right. Hindi ko rin naman kayo masisisi dahil nagsimula ang pagtatayo ng kung anu-ano sa panahon namin. And yea, what matters now ay ang pananatili ng monumento ni Rizal sa orihinal nitong pwesto at maging ang kalinisan ng paligid ay nandito pa rin. I just couldn't help thinking na kung ano na ba ang magiging hitsura ng lugar na 'to sa paglipas pa ng marami at mahabang panahon. I just hope that this place--this historic place will be preserved. Just like Aether, I hope the same thing too. Sana sa pagdating pa ng panahon ay hindi tuluyang mawala ang Luneta Park. Nakakabahala rin kasi talaga kapag naiisip mo na maaaring pang mismong monumento na ni Rizal ang pagtatayuan ng matataas na gusali ng mga makapangyarihan na tao. I just hope that they will give this place an exception. For sure naman ay marami ring simpleng mamamayan ang tututol dahil libingan na ng pambansang bayani ang pinag-uusapan. Well, sana ay makabansa pa rin ang lahat ng tao sa panahon na 'yon dahil baka maging sila ay wala nang pakialam sa kasaysayan ng Pilipinas. Sandali lang ang nilagi ni namin ni Aether sa tapat ng monumento ni Rizal dahil naglakad-lakad rin kami sa paligid. Kahit na wala naman nang magandang pasyalan ay mukha namang hindi pasiya naiinip. Kaya hangga't gusto pa rin ni Aether na malakad-lakad ay ayos lang sa akin. Hindi pa rin naman ako nakakaramdam ng pagod at mukhang ganoon din naman siya. Kaya nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. Hindi man kami nakaramdam ng pagod ay nakakaramdam naman na kami ng gutom dahil na rin siguro sa kanina pa kami naglalakad. Kaya minabuti ko na muna nang yayain na ulit kumain si Aether. Pumayag naman siya agad dahil gutom na rin siya. Kanina pa kami naghahanap ng pwede naming kainan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming mahanap dahil lahat ng pinupuntahan namin ay puno na. Kaya niyaya ko na lang si Aether sa Supermarket para doon na lamang kami bumili ng makakain. Marami namang park kaming makakainan. Kahit ano na lang siguro ang bilhin namin doon na pwede na kahit panlaman lang sa tiyan at pampawala ng gutom. Pumayag din naman agad si Aether sa ganoong setup kaya nagsimula na kami sa pamimili. "I'm pretty sure na iba na ang disenyo ng mga pera dito ngayon. And I don't have those ones," sabi niya at marahan akong natawa. Kaya pala pakiramdam ko ay kanina pa siyang may pinoproblema ay dahil sa pera. "That's fine. Ako nang bahala sa lahat ng bibilhin natin ngayon," sabi ko pero halatang tutol naman siya. "Did you bring enough money?" tanong niya at umiling naman ako. Mukhang mas lalo siyang nabahala dahil hindi ako nagdala ng extra na pera. Akala niya siguro ay wala akong dala na sapat na halaga. "Then we don't afford all apf these," sabi pa niya kaya napangiwi ako. Ibabalik na sana lahat ni Aether ang mga nasa basket namin kaya nagsalita na ako. "Relax, Aether. I didn't bring enough money because every transaction now is cashless," saji ko. Natahimik naman si Aether at napaisip. Na-realize niyang bigla kung nasaang panahon siya. Natatawa kong tinapik-tapik at balikaf niya para sabihin na pwede na siyang kumalma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD