Chapter 43
Keitlyn's POV
Kung hindi sasbihin ni Aether kung anong year ang hinahanap niya ay siya lang makakahanap nu'n at hindi ko siya matutulungan. Pero kailangan naming matulungan para mapabilis ang paghahanap namin dahil wala naman kaming masyadong oras pwede kaming mag-stay rito. Nakakalimutan na yata ni Aether na nakiusap lang ako sa Tito ko na papasukin kami ngayon. And I don't think na magagawa ko ulit ang makiusap sa tito kung sakali man na magyaya nga ulit dito si Aether dahil nahihiya na rin naman ako. Okay na siguro ang isang beses na pakiusap.
Alam ko rin naman na at risk ang trabaho niya dahil nga sa hiningi kong pabor na 'to. Dahil or na malaman ng pamunuan ng Terra University ay ginawa niya na pagpapapasok sa amin na hindi naman estudyante ng eskwelahan na 'to ay maaari siyang matanggal sa trabaho. We should be thnakful na pinayagan niya. And the least we can do ay ang mag-ingat na walang sinuman ang makahalata sa amin. Sa tingin ko ay kakailanganin ko pa na tanungin si Aether para lang malaman ang year book na hinahanap niya.
"You could at least tell me which specifi year you are looking for," sabi ko at saka niya lang ako muling nilingon. At ngayon niya lang na-realize na hindi pa pala niya nasasabi sa akin ang lahat.
"Twenty-twenty three," he tells me at saka ako naghanap ng sinabi niyang taon. Ngunit habang naghahanap ako sa bookshelf na 'to ay sandali akong natigilan nang ma-realize ko na ang hinahanap niyang libro ay taon kung kailan maaari siyang nakapagtapos ng college. At tila ba bigla na lamang ulit gumulo ang lahat dahil hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya 'yong gawin gayong hindi naman na siya siguradong graduate sa eskwelahan na 'to dahil nga sa lumipat na siya sa Weigand.
Pero hindi na rin naman na ako nagtanong pa sa kanya at hinayaan na lamang siya sa kung ano ba talaga ang mga plano niya. Nagpatuloy na lamang din ako sa aking paghahanap katulad ng ginagawa ni Aether na halos hindi na ma-istorbo. Ganoon na lamang ang kagustuhan niya na makita ang year book na kanina pa namin hinahanap.
"There you are," hindi ko napigilang sambit ko nang makita ang year book na sinasabi ni Aether na gusto niyang makita. Agad ko rin namang narinig ang mga yabag ni Aether na naglalakad palapit dito sa kinaroroonan ko. I know how excited he is nang malaman niya na nahanap ko na ang kaninapa niyang hinahanap. Agad ko naman 'yong binigay sa kanya nang makalapit na nga siya sa akin. He smiles at me as I handed him the year book.
"Thank you, Keitlyn," he says. Hindi naman na kami nagsayang pa ng panahon at naglakad na kami papunta sa table para doon na lamang iyon tingnan. Iisa na lamang ang copy ng year book na 'to kaya wala na akong nakuha pa na para sa akin. Dahil si Aether naman ang may kailangan doon ay hinayaan ko na lang din sa kanya. Makiki-share na lang siguro ako sa kanya sa pagtingin dahil ayoko naman na makipag-agawan pa sa kanya para lang makita kung ano ang mayroon at nilalaman nu'n.
Nag-iwan naman din si Aether ng space kung saan pwede akong tumabi sa kanya at plano niya rin talaga na i-share sa akin ang kung anumang titingnan niyaa sa year book na 'yon.
"Curious ka ba kung sa Terra University ka ga-graduate ng college kung sakali man na mahinto na nga ang buhay natin sa Weigand?" biro ko sa kanya. Marahan naman siyang natawa at umiling.
"No. Alam ko at sigurado ako na hindi ako rito sa Terra ga-graduate kahit pa makalaya na tayo ng Weigand bago ang graduation. Dahil itutuloy ko ang plano ko na pag-aaral sa States," sabi niya at napatango-tango na lang ako nnag maalala ang plano niyang 'yon. Naalala ko ang sinabi niy noon na pangarap niyang makapag-aral sa isang computer school sa States at natutuwa naman ako dahil sa kabila ng pagkaka-purnada ng pangarap niyang 'yun, he is still holding onto it.
"Then anong titingnan mo riyan, ngayon?" tanong ko pa.
"To see familiar faces striving hard for their dreams?" sabi niya bago nagsimulang buklatin ang unang pahina ng libro na sinasabi niyang naglalaman ng familiar faces. Mabagal ang pagbuklat niya sa bawat pahina at alam ko na in-scan niya nang mabuti ang bawat nilalaman nu'n. Wala siyang pinapalagpas na detalye. Hindi ko na muna tinanong si Aeher ng kung anu-ano dahil mukha namang gusto niyang mag-focus sa mga tinitingnan niya. I will give him the time he needs dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya nagyaya rito sa library.
Nakitingin at nakibasa na lang ako sa mga page ng libro na nahihinto siya. Hanggang sa isang larawan ang mukhang nakakuha ng atensyon niya. Medyo nilapit pa nga niya 'yon sa kanya. May kalabuan ang libro dahil luma na rin. That was surely an original year book from the year 2023. Maalikabok na nga ang ilang pahina.
"This is me," sabi ni Aether at ang picture na nandoon ay kuha marahil sa isang robotics competition kung saan si Aether ang representative. "I remember this moment," sabi pa niya at nakita ko na sobrang proud siya sa achievement niyang yon. Well, he should be dahil hindi naman biro ang sumali sa ganoong klase ng competetion.
Hindi naman year 2023 ang robotics competetion na 'to pero pinapakita ang achievements ng batch na 'to through out the year kahit na hindi graduate dto si Aether ay nakasama pa rin siya sa achievements. First and second year niya lang sa Terra ang pinakita dahil nga sa sumunod na mga taon ay nag-transfer na siya. Na dapat sana ay sa States pero naging Weigand.
Mas lalo ko pang nakita kay Aether ang interes na makita ang lahat ng nasa libro. Kahit na wala naman akong kinalaman sa libro at eskwelahan na 'to ay nagkaroon na rin ako ng interes. Nagpatuloy si Aether sa pagbuklat sa bawat pahina at nagpatuloy rin naman ako sa pagtingin. Sa tuwing nagtatagal siya sa isang page ay alam ko na pamilyar sa kanya ang moment na 'yon na tila na-witness niya 'yon. At kaya siya natitigilan ay dahil inaala niya nang mabuti ang eksena na 'yon. Alam ko na nami-miss na niya ang buhay niya sa Terra University. Kahit pa last school year lang naman 'yon nangyari sa kanyang panahon.
Sigurado rin ako na hindi pa nga graduate ang mga kakilala niya na nakikita niya sa school year na 'to. Nabaling ang atensyon namin sa babaeng nasa ibabaw ng mga larawan. Narating na kasi namin ang mga estudyante na nagkamit ng mga karangalan. Nakita ko ang pagngiti ni Aether. Si Phoebe ang c*m Laude ng kanilang batch at nakita ko ang pagiging proud ni Aether para sa kanyang kaibigan.
"Well, she only achieved it dahil wala na kami ni Eros sa Terra," he boasts kahit pa halata naman sa kanya na pinagmamalaki niya sa akin si Phoebe. At hindi naman na 'yon kilangan pang sabihin ni Aether dahil alam ko naman na maging si Phoebe ay aminado na naging c*m Laude lang siya dahil wala na roon sina Aether at Eros na halatang sobrang talino. Kung hindi sila nawala sa Terra U ay sigurado ako na silang dalawa ang maglalaban sa top spot.
Nagpatuloy si Aether sa pagbukas sa buklat sa bawat pahina hanggang sa marating nami ang centerfold. At napakunot ang noo ko dahil larawan ito ng grupo ng mga estudyante. At ang background ng mga estudyante ay tila isang spacecraft. Kung hindi ako nagkakamali ay kabababa lang nila roon dahil bukas pa ang airlock nito. Tiningnan ko isa-isa ang mga estudyante roon. Bagaman mga nakangiti sila at halatang masasaya dahil tila nakaligtas sila sa isang tiyak na kapahamakan ay hindi pa rin maitatago ang takot sa kanilang mga mukha.
Hanggag sa mabaling ang tingin ko kay Phoebe na nasa pinakagitna ng mga estudyante. Halata na pilit ang ginawa niyang pagngiti at namumugto pa ang kanyang mga mata. Ngayon ko lang napansin ang title ng page na 'to at ang nakasulat ay 'The Secret of Terra University'. Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-curious dahil doon. Mukhang walang ibang nakakaalam ng sikreto na 'yon kundi ang mga estudyante na nandito sa picture. At isa na roon si Aether.
Pero hindi ko naman magawa na magtanong sa kanya dahil na rin sa naka-indicate na 'secret'. Bakit naman niya sasabihin sa akin gayong secret nga. Hindi ko naman siya nakikitaan ng curiosity kaya sigurado ako na alam nga niya ang tinutukoy rito na secret. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko na magtanong. Hindi ko rin naman siya pipilitin na magsalita. Kung hindi niya gustong sabihin sa akin at ayos lang din naman sa akin at iintindihin ko rin.
"Would you mind if I ask kung alam mo ang sikretong 'yan?" Hindi ko nagawa na diretsuhin siya ng tanong dahil nahiya na rin naman ako. Ayoko rin naman na isipin niya na wala akong pakundangan kung magtanong.
"Well...it is something...secret." Napangiti ako dahil sa naging sagot ni Aether. At doon pa lang ay alam ko nang wala nga siyang plano na sabihin sa akin. Nirerespeto niya ang sikreto ng kanilang batch at naiintindihan ko naman 'yon. That was perfectly fine with me. Hindi lang pala kasamaan ang mayroon ang eskwelahan na 'to. They were maybe the worst students, but they were also the best keeper.
Walang anumang sikreto ang lumabas mula sa Terra kaya sigurado ako na wala sa mga estudyante na 'to ang nag-expose sa kanilang sikreto. Sana ay may ganitong loyalty kami sa Weigand. Kung magiging ganito ang samahan ng bawat estudyante roon ay sigurado ako na hindi magtatagal ay matatapos din ang pagpapahirapa sa amin ng pamunuan ng Weigand at magwawakas na rin ang pagiging sunud-sunuran namin sa kanila. Sana ay dumating pa ang pagkakataon na 'yon.
Matagal-tagal din ang oras na ginugol ni Aether sa larawan na nasa centerfold dahil iniisa-isa niya nang mabuti ang bawat mukha. Alam ko na iba ang alaala na dulot sa kanya ng larawan na 'to. Mukhang bago makuhanan ang group photo na 'to ay may kung anong nngyari na hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa alaala ni Aether. At hindi naman imposibleng mangyari 'yon dahil kailan lang 'to nangyari sa kanilang panahon.
"Okay ka lang ba, Aether?" tanong ko dahil hindi na siya ulit nagbukas pa ng page. Ito na ng pinakamatagal na page na nag-stay siya. Mukha namang wala siyang plano na tumigil pa sa pagbuklat pero may kung ano na pumipigil sa kanya para ilipat na ang pahina. Kung nahihirapan siya na makita ang larawa na 'to, might as well ay ilipat na niya dahil siya lang din ang nahihirapan. Nasa kalahati pa lang kami ng libro at baka hindi na namin matapos pa kung hindi pa siya uusad. Kung anuman ang naaalala ni Aether, it something he hasn't moved on yet. Or maybe he does, pero nang makakita siya ng magpapaalala rito ay nahirapan na siyang alisin ulit 'to sa kanyang isip.
"That was the last time we saw our friend Ares," sambit niya at ramdam ko ang sakit sa boses niya. So that's explain why kung bakit ganito ang mga mata at mg ngiti ni Phoebe. Even Aether and Eros' eyes were slightly swollen. Kaya pala iba rin sa pakiramdam ang bigat ng larawan na 'to kahit pa nakangiti ang lahat ng estudyante.
Hindi naman na nagbigay pa ulit ng detalye si Aether at iyon lang talaga ang sinabi niya. Hindi na rin naman ako nagtangka pa na magtanong dahil sapat na sa akin na nagsalita si Aether kahit papaano. Hindi ko man nalaman ang buong istorya ay ayos na sa akin ang mga nalaman ko para hindi na magtanong pa sa aking isip ng maaaring dahilan kung bakit nagkakaganito si Aether sa pagtingin lang sa larawan na 'to.
Ilang sandali pa ang lumipas bago muling nakakuha ng lakas si Aether para magpatuloy sa pagbuklat ng pahina. Bumalik sa normal ang bilis at bagal ng mga buklat niya. Hanggang sa muli ay isang page na naman ang hinintuan niya. Maraming larawan ang nasa page na 'to dahil mga collage ito at usually ay mga group photo. Tiningnan ko si Aether para masundan ko kung saan siya eksakto na tumitingin para hindi na ako mahirapan pa na manghula.
At nakita ko na nakatingin siya sa isang group photo. Sa group phot na tinitingnan niya ay nakita ko agad sina Phoebe, Eros at siya. Ngnit hindi lang silang tatlo ang nakita ko. May nakita pa ako na isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad nila. Kahit na hindi ko tanungin kay Aether ay sigurado ko na si Are ang isang ito. Napangiti ako dahil sa pwesto nila sa picture.
Si Phoebe ang nasa harapan at nasa bandang likuran naman niya si Ares. Nasa magkabilang gilid naman ni Ares sina Eros at Aether. He is obviously guarding him from the boys behind him. Sa larawan pa lang na 'to ay masasabi ko nang possessive si Ares kay Phoebe. Bagay na bagay rin sila. May kakaibang charisma si Ares kahit pa mukhang kayang-kaya ka niyang saktan anumang oras niya na gustuhin. Sa gilid ni Eros ay may isa pang babae na sa tingin ko ay professor nila.
"This is Ares," sabi ni Aether nang mahalata niya na nakatitig na rin ako roon. Ang hindi niya alam ay kanina ko pa ina-analyze ang mga 'yon. Tumango-tango ako kahit pa alam ko naman na 'yon. Well, at least ngayon ay na-confirm na niya.
"And the woman?" tanong ko dahil curious din ako sa babae na 'yon.
"Beside Eros is Professor Alarcon, his mother." Hindi naman na ako nagulat pa nang sabihin ni Aether na mag-ina silang dalawa dahil kahit na papaano ay may pagkakahawig silang dalawa. "Hindi pa kami close nang mga oras na 'yan. That professor forced us to have a group photo na hindi naman namin alam kung para saan. Only to find out na para dito pala 'yon. I'm sure even Prof Alarcon didn't know na dito magagamit ang picture namin noon. For the memories. Good thing nagpapilit kami noon. Kahit pa halos magwala na si Ares that time dahil ayaw niya ng ganitong activities," natatawang sabi ni Aether. It is obvious the way he speaks na nami-miss na niya ang kanilang samahan. Nakakalungkot lang na hindi na sila muli pang makukumpleto.
Binalingan ko si Aether nang sandali siyang matahimik. At nakita ko ang pagningning ng kanyang mga mata. At alam ko na dahil iyon sa pamamasa nito. Aether is forcing himself not to cry. Marahan ko siyang tinapik sa kanyang balikat. Nilingon naman niya ako at nginitian. His smile is telling me that he's fine. And I know he is. He's just being emotional dahil naaalala niya ang maganda at masaya nilang samahan. Those good old days.
How I wish I belong to that circle. Lucky are the ones with a circle like theirs. They were solid.