Chapter 53
Keitlyn's POV
Kinabukasan nga, tulad ng naging plano namin ni Aether ay hinagilap namin ang mga estudyante na siyang nakita naming nakalista sa 20th century na namumuhay noong 1951. Nahirapan lang kami sa part na ma-recognize sila dahil ibang-iba ang hitsura nila rito loob ng Weigand kung ikukumpara sa hitsura nila bago sila mapadpad rito at ang hitsura nila na 'yon ang nakalagay rito sa site. Kinailangan pa tuloy namin na ipagtanong kung sinu-sino sila.
Pakiramdam ko nga ay nagsasayang lang kami ng panahon dito dahil 'yung mga mukhang mababait, tahimik at mapagkakatiwalaan ay tila ba bigla na lamang nag-transform sa ibang tao. Malayo na sil sa hitsura nila dahil masyado na nilang na-adapt ang makabagong panahon. Kaya nahirapan na kaming magdesisyon kung mapagkakatiwalaan ba sila.
Naghati kami nina Aether at Ginger sa pagkausap sa kanila. Ako na ang bahala sa mga babae, si Aether naman ang bahala sa mga lalaki. Habang si Ginger naman na ang bahala na kumausap sa kanilang division dahil iilan lang din naman ang nandoon.
"Gabriela Romero..." sambit ko nang basahin ko ang sunod na pangalan na kailangan kong makita. Ilang pangalan na rin ang hinanap ko at lahat sila ay wala akong nakita na may potential para pagkatiwalaan. They all look trustworthy sa mga picture nila dahil na rin sa amo ng kanilang mga mukha pero napapaatras ako kapag nakikita ko na sila nang personal. Pang-ilan na rin ang Gabriela na 'to na susubukan kong kilalanin. Malapit nang magsimula ang klase namin kaya dapat na akong magmadali.
Sa tingin ko ay matatapos ang umagang 'to na wala man lang nangyayari sa nilakad kong 'to. Sana nga lamang ay may magandang balita ako na maririnig mula kina Aether at Ginger. Sana ay hindi sila nahirapan na tulad ko. Nabasa ko sa profile ni Grabriela Romero na mahilig siyang maglaro ng Tennis sa tuwing nandito siya sa Weigand. Kaya naman minabuti ko na sa tennis court na lamang ako unang maghahanap. Siguro ay doon ko na lamang siya ipagtatanong. Kung talaga namang mahilig siya na maglaro ng tennis, siguro ay kilala siya ng mga estudayante na mahilig tumambay roon.
Ngunit hindi pa man din ako tuluyan na nakakapasok sa loob ng tennis courta dahil nasa pintuan pa lang ako ay halos mahilo na ako sa sakit ng ulo ko nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa aking noo. Sa sobrang lakas nga nito ay nakaramdam na ako ng hilo kaya agad akong napakapit sa frame ng pinto para makakuha ako ng balanse.
"Hey, are you okay?" Naramdaman ko na lang ang paglapit sa akin ng isang babae at bakas sa tinig niya ang labis na pag-aalala. Nilingon ko naman siya at nakita ko ang isang hindi pamilyar na mukha. Ngunit dahil sa iniinda ko ang sakit ng noo ko dahil sa tumama na tennis ball sa akin ay hindi kko na pinag-aksayahan pa ng oras na malaman kung sino ang kaharap ko ngayon.
This girl in front of me is wearing a tennis uniform at ang pag-aalala na nakikita ko sa kanyang mukha ngayon ay nagsasabi na mayroon siyang pananagutan sa nangyari sa akin. At ngayon pa lang ay alam ko na at sigurado ako na siya ang may dahilan kung bakit masakit ang ulo ko.
"I'm sorry, nagbukol na siya," malambing na sambit ng babae at hindi naman na ako nagulat pa sa sinabi niya dahil sa lakas ba naman nu'n ay alam ko na magbubukol talaga siya. "Gusto mo ba na dalhin ka namin sa clinic?" Napanigiwi ako dahil sa sinabi niyang 'yon dahil ganoon ba ako mukhang kahina para dalhin pa sa clinic gayong natamaan lang naman ako ng tennis ball sa noo. Well, mukhang kailangan ko nga na madala sa clinic dahil hindi rin naman biro ang sakit nu'n pero hindi rin naman siguro ganoon ka-sersyoso ang naging epekto nu'n sa akin kay tinanggihan ko na lamang. I have so much thing to do kaya sa tingin ko ay magsasayang lang ako ng oras sa clinic.
Hindi ko naman siguro 'to ikamamatay.
"Hindi naman na kailangan. That's fine. Pero may tanong lang ako," sabi ko sa kanya. Kahit na halatang hindi siya kumbinsido sa hindi ko pagpapadala sa clinic ay tumango rin naman siya. Dahil naka-uniform siya ng pang-tennis ay naniniwala ako na maaaring kakilala niya si Gabriela. At kung masasagot niya sa akin at kung matuturo niya kung sino ang babaeng 'yun ay quits na kami. Just when I'm about to open my mouth to ask the question ay sabay kaming napalingon nang may tila ay tumawag sa kanya.
"Gabriela!" Nanlaki ang mga mata ko dahil kumaway sa kinaroroonan namin ang tumawag at kumaway naman sa kanya pabalik ang babae na kaharap ko. This girl who hit me is Grabriela. Kaya pala tila pamilyar ang mga mata niya dahil nakita ko na ang pictures niya sa site. Ngunit tulad ng ibang kanina ko pa nakikilala na taga-Twentieth century ay hindi ko rin siya nakilala dahil ibang-iba rin siya sa personal. Ang kinaibahang niya nga lang sa kanila ay ang personality.
This girl named Gabriela doesn't have strong personality kaya hindi mo mararamdaman na mahirap siyang pakisamahan. At sa tingin ko ay nahanap ko na ang siyang kakaibiganin ko para makakuha kami ng access na siyang magpapadaan sa amin sa kanyang time machine. Yes, I know that sometimes look can be deceiving pero mararamdaman mo naman kung kaya ka bang saktan ng isang tao. Gabriela seems very harmless. Unang tingin ko pa lang kanina sa kanya ay alam ko na hindi siya sanay na makasakit ng tao.
"Is she cool? Let's continue training," sabi ng isang estudyante ngunit tila ay coach niya at pinababalik na siya sa laro. Nakumpirma ko na isa nga siyang coach nang mabasa ko ang salitang 'coach' na naka-broid sa dibdib ng suot niyang jacket. Ngunit hindi ako laging makakakuha ng pagkakataon na makaharap siya nang mayroong dahilan kaya hindi na siya dapat makawala pa. Wala na rin kasi akong oras kaya hindi dapat masayang ang pagkakataon na 'to.
"Ouch!" Hinawakan ko ang noo ko para sana umarte na sobrang sakit nito ngunit hindi ko naman na pala kailangan pa na umarte dahil nang mahawakan ko ang bukol ko ay kumirot ito. At hindi pala biro ang laki ng bukol ko kaya pala ganito na lamang ang pag-aalala ni Gabriela. Ngunit imbis na sagutin ang tanong ng kanyang coach ay muli niya akong nilingon. At nakita niya na nasasaktan ako sa bukol sa noo ko. The pain is bearable pero dahil hindi na nga siya pwede pa na makawala sa akin ay umarte ako na hindi ko na kaya pa ang sakit.
"Sa tingin ko ay kailangan mo nang madala sa clinic," sabi niya at sa pagkakataon na 'to ay hindi na ako tumanggi pa. Kung ang pagdadala niya sa akin sa clinic ang makakapagbigay ng oras para makuha ang loob niya ay magpapadala na ako. Hindi rin kasi ako makakakuha ng bwelo rito na kilalanin siya dahil may ibang mga estudyante ang nandito rin. Tinanguan ko siya para sabihin na pumapayag na ako na dalhin niya ako sa clinic at umaasa ako na doon ay magkakaroon kami ng pagkakataon na mapag-isa.
Nang makuha na niya ang pagsang-ayon ko ay agad naman niyang nilingon ang kanyang coach para magpaalam. Kahit na halatang tutol dahil nga sa kailangan nang bumalik ni Gabriela sa training ay tumango na lamang ito. Kaya muli na akong hinarap ni Gabriela at nginitian.
"Let's go," yaya na niya sa akin kaya tinanguan ko na siya. Hindi naman niya ako kailangan pa na alalayan dahil hindi naman paa ang nadali sa akin ngunit ginawa niya pa rin. Hinayaan ko na lang siya para hindi naman niya isipin na nagpapanggap lang ako na masakit nga ang noo ko at hindi ko kaya. Well, hindi rin naman ako nagpapanggap sa part na masakit siya dahil talaga namang masakit siya. Ang pagpapanggap lang na ginagawa ko ay ang part na umaarte ako na unbearable siya.
Nang marating namin ang clinic ay saka ko lang nakita ang hitsura ko sa harapan ng salamin. At bigla akong nanlumo dahil hindi ko gusto ang hitsura ko na 'to. I look so ugly with my lump on my forehead. Nakakahiya kung may kakilala ko ang makakakita sa akin na ganito ang hitsura ko. Kaya pala ganoon na lamang kung pagtinginan ako ng mga estudyante na nadaraanan namin dahil ang sama pala talaga ng hitsura ko.
Mukhang kakailanganin ko na ilang oras mag-stay sa clinic hanggang sa lumiit na kahit papaano ang bukol sa noo ko. Hindi rin pwedeng makita ni Aether na ganito ang mukha ko dahil talagang nakakahiya. Sobrang pangit ko at baka pagtawanan niya lang ako. Siguro naman ay hindi malalaman ni Aether na nasa clinic ako. Tutal ay malapit na rin naman na magsimula ang klase. Aarte na lang din ako sa nurse na hindi ko kayang um-attend ng klase kaya kailangan ko na mag-stay pa rito sa clinic nang ilang oras hanggang sa makaya ko na nga ang sarili ko.
"What happened to her?" tanong agad ng nurse at pinaupo naman ako sa kama. She gets her first aid kit at nilapatan ako ng lunas.
"Natamaan ko siya ng tennis ball. Can I stay until she feels good?" sabi ni Gabriela kaya napatingin sa kanya ang nurse at napakunot ang noo nito.
"She's fine. Kakailangan niya lang naman mg pahinga," sabi naman ng nurse at mukhang ang nurse pa na 'to ang sisira sa plano ko. But I hope Gabriela will insist na mag-stay siya. Sana ay mapilit niya ang nurse na 'to. Mukhang gusto niya rin naman kasi na talagang mabantayan ako at sana ay may kakulitan din siya na taglay. Sana ay madala ang nurse na 'to sa pangungulit.
Ngunit wala namang dapat na ipag-aalala si Gabriela dahil kung hindi man siya payagan ng nurse at hindi niya plano na mangulit ay ako na lamang gagawa. I will pester her hanggang sa wala na nga siyang magagawa kundi ang payagan si Gabriela na mabantayan ako.
"But I was the one who hit her. I feel like I'm responsible for everything." Sa tingin ko ay wala na akong dapat pa na ikabahala dahil si Gabriela na ang bahala na mangulit sa nurse. Hindi ko nga lamang sigurado kung madadala ba sa pangungulit ang nurse na 'to dahil mukha siyang masungit. It can be better or worse. It can be better dahil mukhang madali siyang maiinis dahilan para hayaan na lamang niya si Gabriela sa gusto nitong gawin. Or it can be worse dahil baka sa sobrang sungit niya ay i-report niya kami sa admin.
"You will only have responsibility if this is something serious." All I ever did was roll my eyes mentally. Nagpatuloy naman sa pag-insist si Gabriela at nagpatuloy rin naman ang nurse sa pagmamatigas. Ngunit tulad na nga rin ng inaasahan ko ay hinayaan na lamang niya si Gabriela sa gusto nito na gawin dahil na rin sa inis sa kakulitan nito.
Maging ako man ay nakulitan sa kanya. At hindi ko inaasahan ang bagay na 'yon. Kung ako man ang nurse ay hahayaan ko na lang din siya na gawin ang gusto niya kaysa i-stress ang sarili ko na tanggihan siya gayong halata naman na walang plano na magpatalo si Gabriela.
Tinapos lang ng nurse ang pagpapahid ng kung ano sa bukol ko at umalis na rin siya. Naiwan naman ako na nakaupo sa kama at si Gabriela naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Nagbaba ako ng tingin sa kanya at tiningala naman niya ako.
"I'm really sorry. I was just pissed that time kaya napalakas ang tira ko," sabi niya kaya ngayon ay alam ko na kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman niya na guilt. Iyon ay dahil hindi naman pala siya naglalaro at mas lalong hindi normal ang lakas na ginawa niyang pagpalo sa tennis ball. Kaya pala nagtakha na rin ako kanina dahil wala namang naglalaro kanina ngunit biglang may bola na tumama sa akin. Siguro ay magsisimula pa lang sila sa training kanina.
"Ayos lang," sabi ko at nginitian ko siya. I need to be nice with her kahit may kaunting inis akong nararamdaman dahil sa ginawa niya sa noo ko.