Chapter 42

2008 Words
Chapter 42 Keitlyn's POV Tinitigan ko pa nang mabuti si Aether para malaman kung seryoso nga ba talaga siya at nakita ko naman na seryoso nga siya. And if this is what he wants ay nakahanda naman ako na pagbigyan siya. Ang kailangan ko na lang gawin gawin ay alamin kung ano ang mga gusto niyang puntahan o kung may specific places siya na gustong bisitahin. Nakabihis na rin naman ako at nakapag-ayos na rin ng sarili. Kapag nalaman ko na kung saan niya plano na pumunta ay pwede na rin naman kaming umalis. Pero hinintay ko na lang din muna si Aether na matapos sa kakatingin sa kanyang cellphone. Mas okay nang maghintay ako sa kanya nang ilang sandali kaysa naman maging maya't maya ang pagsulyap niya sa kanyang cellphone sa oras na nasa galaan na kami dahil hindi niya nagawa na tapusin ang kailangan niyang tapusin. Kaya ngayon pa lang ay tapusin na niya 'yon. Ilang sandali rin akong naghintay kay Aether bago siya muling nag-angat ng tingin sa akin. Nginitian niya ako at inangat ang cellphone niya na may hawak ng cellphone na tila ba sinasabi sa akin na tapos na siya sa kanyang ginagawa. Which is good dahil ngayon ay makakaalis na kami at siguurado rin naman ako na hindi na mahahati ang atensyon ni Aether. He can now have his full attention sa anumang plano niya na gawin ngayon. Nang binulsa na ni Aether ang kanyang cellphone ay saka ko siya tinanong. "So, where do you plan to go?" tanong ko sa kanya. Mukha namang hindi na siya nag-isip pa dahil may agad na siyang naisagot. "Terra University," sambit ni Aether at sandali akong hindi naka-imik. Hindi ko inaasahan na doon pala niya plano na pumunta. Wala namang problema sa akin kung gusto niya na pumunta roon, I was just surprised kahit pa hindi naman lingid sa kaalaman ko na nag-aral doon si Aether. Pero hindi ko alam kung bakit gusto pa niyang pumunta roon. Was it that sentimental? Mukhang napamahal din talaga kay Aether ang eskwelahan na 'yon dahil iyon talaga ang naisip niya na unang puntahan. Bigla na lang tuloy akong na-curious sa kung ano nga ba ang mayroon sa Terra University at ganoon na lamang ang naging epekto nito kay Aether. Sigurado rin ako na maging sina Eros at Phoebe ay nag-aral din doon. Sigurado ako na doon na rin sila nagkakila-kilala. Baka maging si Ares na sinasabi nilang boyfriend ni Phoebe ay doon din nag-aral. Kung gayon ay mahalaga at memorable nga sa kanya ang eskwelahan na 'yon. At hindi ko naman maiwasan ang matuwas dahil ako ang niyaya ni Aether na pumunta roon. Natutuwa ako dahil niyaya niya ako sa isa sa mga pinakamahalagang lugar para sa kanya. "Pwede kaya, Keitkyn?" tanong ni Aether at sandali akong napaisip. Mahigpit ang security ng Terra University pero siguro naman ay makakaisip ako ng paraan kung paano kami makakapasok. Facial recognition na kasi ang gamit nila kaya imposible na madali kaming makalusot. Bigla ko na lamang naalala ang Tito ko na nagtatrabaho sa Terra University. Sabado naman ngayon kaya hindi kinakailangan na naka-uniform ang mga estudyante kaya kung papayagan kami ng Tito ko na makapasok ay hindi na magiging problema sa amin ang hindi pagsusuot ng uniform. "Sa tingin ko ay pwede naman," sabi ko at napangiti naman si Aether. Matapos ang ilang sandali na pag-contact ko sa Tito ko ay niyaya ko na rin si Aether na pumunta na ng Terra University. At hindi naman maitatago ang excitement na nararamdaman niya. At natutuwa ako dahil nagawa ko ito para kay Aether. Kahit papaano ay nakabawi-bawi na ako sa mga naitutulong niya para sa akin. Hindi naman kasi biro ang pag-asa na naibibigay niya para sa akin. Narting namin ang Terra U at agad namang nagawan ng paraan ng Tito ko ang pagpasok namin. This is the first time na nakapasok at nakatapak ako sa eskwelahan na 'to. Hindi ko rin naman kasi kailanman tinangka na pumasok dito dahil nga sa bad reputation na mayroon ang eskwelahan n 'to. At pagpasok ko pa nga lang ay alam ko na agad kung bakit. Hindi rin maikakaila sa unang tingin pa lang ang dark aura na bumabalot dito. Mararamdaman mo agad na nasa panganib ka. Pakiramdam ko nga ngayon na anumang oras ay may mangyayari sa akin na masama. Parang mas nakakatakot pa 'to tingnan kaysa sa Weigand. Ang Weigand kasi ay very pleasing tingnan. Sobrang fresh sa paningin. Hindi tulad ng nitong Terra University na balot na balot ng kadiliman. Unang tingin mo pa lang din sa mga estudyante ay halata nang walang matinong gagawin. Kaya hindi ko alam kung bakit dito napiling mag-aral nina Aether at mga kaibigan niya. Well, kung hindi sila sa Tee=rra U nag-aral ay hindi sana sila nagkakila-kilala. Pero bonus na lang kasi 'yon e. Siguro ay hindi pa ganito ka-g**o at kasama ang image ng Terra U noong generation nila. Pero ang pagkakaalam ko kasi ay simula pa lang noon, magula na ang Terra University. Hindi ko naman magawa na magtanong kay Aether dahil baka ma-offend ko siya kaya minabuti ko na lang din ang manahimik na lamang. Ang mahalaga sa ngayon ay nagawa namin na makapasok ngayon dito. I look at Aether nang mapansin ko na tila kanina pa siya hindi nagsasalita. At nang makita ko nga siya ay hindi maitago ang pagkamangha sa kanyang mga mata habang nakatanaw sa matatayog na gusali ng dati niyang eskwelahan. Hindi ko akalain na habang ako ay nag-aalala na para sa kaligtasan ko, si Aether naman ay namamangha pa sa eskwelahan na 'to. "Aether, anong plano mo rito?" Sinubukan o na kuhanin ang atensyon niya dahil baka mamaya ay makaligtaan niya ang dahilan kung bakit siya nagyaya rito. Hindi ko naman na kasi natanong pa sa kanya kung bakit dito niya napili na pumunta. Ngunit sana nga lang ay may nakahanda siyang plano rito. Dahil kung wala ay baka hanggang mamaya pa kami tutunganga rito. Hindi naman ako nabigo na kuhanin ang atensyon niya dahil nilingon ako ni Aether. Ang problema nga lamang ay mukhan clueless siya. At du'n pa nga lang ay alam ko na agad na wala nga siyng plano rito. Napapikit na lamang ako nang mariin. "Ano ba ang mga pwede nating gawin dito, Keitlyn?" tanong niya at hindi ko maiwasan ang mapangiwi. Bakit ako ang tinatanong niya? Wala naman akog nalalaman dito sa lugar na 'to. I don't have any business here too kaya wala akong maisasagot sa kanya. "Aside from studying, hindi ko na alam nag pwedeng gawin dito," sabi ko sa kanya at hindi ko na naiwasan pa ang maging sarcastic. Mukhang napasubo ako rito. Ang buong akala ko kasi ay may nakahandang nang gagawin dito si Aether. Ngunit parang ngayon pa lang siya nag-iisip ng gagawin niya. At mukhang habang nag-iisip siya ay wala kaming ibang gagawin dito sa baba kundi ang tumunganga sa mga building. Wala naman akong maisa-suggest dahil wala naman akong alam sa lugar na 'to. Mas lalong wala akong gustong puntahan, unless magpapasama si Aether. "Can we go to the library?" Sa wakas ay may naisip na si Aether na maaari naming puntahan and sure, we can go there. Mukhang mas magandang idea 'yon dahil at least sa lugar na gusto niyang puntahan ay alam kong tahimik. Bibiihira na rin naman kasi ang mga estudyante na nagpupunta sa library sa kahit saang eskwelahan dahil na internet na ang lahat ng kailangan nilang malaman at matutuhan. Tanging mga bookworm na lang ang nandoon. 'Yung tipong hindi matatapos ang araw nila nang hindi nakakahawak ng libro. Kaya matitinong estudyante ang makakasalamuha namin doon hindi tulad rito na tila mga laging naghahanap ng g**o. The problem is that we can't ask other students kung nasaan ang library nila dahil malalaman nila na hindi kami taga-rito. At sigurado ako na malalagay lang kami ni Aether sa g**o kaya kailangan din namin na maging maingat. Kung magkataon kasi na malaman nila na nag-trespass kami rito ay tatanungin nila kung saang eskwelahan kami nag-aaral at hindi namin alam kung mare-recognize ba nila ang Weigand. Kaya wala kaming ibang choice ni Aether kundi ang hanapin ang library nang kaming dalawa lang. Well, this is better than doing nothing. At least ngayon ay may tiyak na kaming pupuntahan. Sa paghahanap namin ni Aether sa library ay sinigurado namin na hindi kami mahahalata ng sinuman na hindi kami taga-rito. Maraming pasiku-sikot sa lugar na 'to at hindi ko alam kung nasa tamang building nga ba ito. I just hope na bawat building ng Terra University ay may library. Dahil kung nagkataon na isang building lang ay sigurado ako na mahihirapan kami lalo. Dahil nga sa pasikut-sikot na kami sa hallway ay mukhang naliligaw na kami ni Aether. Ngunit ganoon pa man ay hindi kami nagpahalata sa mga estudyante na nakakasalubong namin. Maya't maya lang ang ginagawa naming sulyap ni Aether sa isa't isa na tila ba nagpapakiramdam kaming dalawa sa susunod naming hakbang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nahahanap ang library. Matagal-tagal na rin mula nang magsimula kami sa paghahanap. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin kung mayroon pa bang library sa eskwelahan na ito dahil paano na lang kung tinanggal na pala nila dahil wala naman nang estudyante ang pumupunta pa roon. Looks like library isn't their thing din naman kasi talaga. Pero paano 'yong mga school books? Saan nila 'yon itatago kung wala na silang library. Siguro naman ay mayroon pa rin naman dahil paano na lamang ang mahahalagang dokumento ng school na 'to? Kahit naman kasi makabago na ang lahat ngayon ay may mga documents pa rin na mananatiling nasa hard copy. After feels like year of looking, sa wakas ay nakita rin namin ni Aether ang library. At mas malaki ito kung ikukumpara sa iniisip ko. Mukhang wala ring idea si Aether na dito na nakapwesto ang kanilang library. Obviously, hindi ito ang pwesto nito dati dahil kung hindi ito nabago ay mabilis itong makikita ay mahahanap ni Aether lalo na at mukhang siya 'yung tipo ng estudyante na ginagawa nang buhay ang pagtambay sa library. "Finally!" Hindi ko na napigilan ang magsalita dahil pakiramdam ko ay sobrang laking achievement ang mahanap ang library na 'to. "Yes, Keitlyn, finally!" Natatawa kong nilingon si Aether nang sabihin niya rin 'yon. At napansin ko ang labis niyang pagtingala sa itaas na bahagi ng pintuan kung saan nakasulat ang ‘Library’. Kung hindi pa namin ito makilala ay ewan ko na lang din. "Shall we get in?" yaya ko sa kanya at tumango naman siya. Sabay na kaming naglakad ni Aether papasok ng library. Kung may isang bagay yata akong hahangaan tungkol sa eskwelahan na 'to, iyon ay ang kanilang library. Hindi maikakaila ang pagkaka-preserve sa isang ito. Mukhang hindi nila hinahayaan na masira ng mga estudyante ang bawat libro na nandito. Mukhang mahigpit sila sa pagpapapasok dito. Mabiti na lamang at wala ang librarian dahil nga sa sabado ngayon kaya malaya kaming nakapasok. Mangilan-ngilan lang ang mga estudyante na nandito na kapwa mga tahimik kung magbasa. Nang makapasok kami sa library ng Terra University ay mas lalo pa kaming namangha dahil sa taas nito. Parang ang hirap nang abutin ng mga nasa tuktok pero may hagdan naman na automatic kaya hind na iyon problema pa ng mga may gustong basahin na nasa itaas na bahagi ng nagtatayugan na bookshelves. "Ano ba ang gusto mong makita rito, Aether?" tanong ko para matulungan ko siyang maghanap ng kailangan niya. Old school kasi ang mga library at hindi nagpapapasok ng modernization kaya manual talaga ang paghahanap na gagawin nanin. Kahit saang eskwelahan ay ganoon ang library. "Year book," tipid na sagot niya at nagsisimula na siyang tumingin-tingin sa mga bookshelves. Hinanap namin ang aisle kung nasaan ang mga bookshelves na kailangan niya at nahirapan pa kami. Hanggang sa mahanap din namin ito at isa-isa nang tiningnan ni Aether ang bawat libro. Mukhang may specific year siya na hinahanap. Pero paano ko siya matutulungan sa kanyang paghahanap kung hindi ko naman alam ang hinahanap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD