Chapter 41
Keitlyn's POV
Kahit pa naka-install na ang app na tinutukoy ni Aether ay hindi pa rin naman 'yon naka-set up sa phone niya at kakailanganin pa rin niyang malagyan din ng access ang phone na 'yon. At habang ginagawa 'yon ni Aether ay nagsabi na rin ako sa kanya na maliligo na muna ako para hindi ako nakatunganga lang sa ginagawa niya. For sure din naman ay kakailanganin naming lumabas ni Aether kaya para hindi masayang ang oras ko sa pagtunganga ay maliligo na ako. Wala rin naman akong alam sa mga ginagawa niya sa phone niya. Para kung sakali na magyaya nga si Aether sa kailangan naming puntahan ay aalis na lang kami dahil nakaligo at nakapag-ayos naman na ako.
Aether agreed na maligo na muna ako. Siniguro niya rin naman sa akin na pagtapos kong maligo ay tapos na ang ginagawa niya. Actually, I do not mind kahit gaano pa niya katagal na gawin 'yan. Ayos lang naman sa akin ang maghintay sa hanggang sa matapos siya.
Tulad nga ng pinaalam ko kay Aether ay naligo na ako. Mabilis lang ang ginawa ko na pagligo dahil masyadong malamig ngayon. At tulad na nga rin ng sinabi ni Aether bago ako maligo ay nagawa niya na tapusin ang kailangan niyang tapusin. At ngayon nga ay nakahanda na siyang mangalikot na naman sa radar. Pwede naman niya sanang gawin 'yan sa computer ko pero baka magsayang lang kami ng oras sa pagse-setup dahil baka hindi rin naman mag-work dahil magkaiba na ng system ang generations namin.
"Nata-track mo ba ang Mariana Trench?" tanong ko kay Aether. Nilingon naman niya ako bago siya marahan na tumango. Kung gayon, kahit saang century kami mapunta ay nandoon ang Weigand. Tinitigan ko nang mabuti si Aether nang muli niyang binalik ang paningin niya sa kanyang cellphone. At alam ko na may mga conclusion na naglalaro sa isip niya. Sigurado ako na kahit wala pa man kaming napupuntahan ngayon ay may mga hint naman na si Aether sa mga posibilidad tungkol sa Mariana Trench. At ang determination na nakikita ko sa mga mata niya ngayon ay ang kagustuhan na makumpirma ang mga hinala niya.
At sa maikling panahon na nagkakilala kami ni Aether ay alam ko at naniniwala ako na kaya niyang patunayan ang kung anumang gusto niyang patunayan dahil hindi naman 'yan titigil hangga't wala siyang napapatunayan.
"Ano na ang plano mo?" tanong ko sa kanya at sa tanong ko pa lang na 'yon ay halata na agad na wala akong maisa-suggest sa pwede naming sunod na gawin. Wala man lang akong maitutulong kay Aether sa mga ganitog pagkakataon na nahihirapan siya na mag-isip. Siguro ay pakiramdam ni Aether na inaasa ko sa kanya ang lahat. Maaaring hindi niya pingagsisisihan ngayon pero kung magpapatuloy akong clueless sa lahat ng 'to, alam ko na sooner or later ay pagsisisihan niya na ako ang naging ka-alyansa niya.
Bigla tuloy akong napaisip na paano nga kaya kung ma-realize niya na wala naman akong naitutulong sa kanya? Hindi imposible na manghingi siya ng tulong sa iba. At kanino pa nga siya pwedeng manghingi ng tulong? Of course, sa isa pa naming kasama sa alyansa...kay Ginger. At wala naman akong magagawa roon dahil nasa iisang grupo na lang kami at iisa na rin ng pinaglalaban.
I need to be mature at kailangan kong tanggapin na mas may maitutulong si Ginger kay Aether kaysa sa akin.
"I need to go to the twentieth century," sabi ni Aether nang hindi ako binabalingan ng tingin dahil abala pa rin siya sa kanyang cellphone. Napakunot ang noo ko dahil sa kawalan ng ideasa kung ano ang plano ni Aether ngayon.
"Okay, but right now?" tanong ko at napaangat naman ng tingin sa akin si Aether. Binaba niya ang kamay niya na may hawak ng cellphone kaya ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon niya.
"It does not necessarily right now. But as much as possible, as soon as possible," sabi niya. Siguro ay iniisip niya rin tungkol sa magiging access namin. Walang time machine kaming pwedeng daanan. Hindi naman pwede ang main portal ng century na 'yon dahil kailangan namin ng access doon. At it is a special access na incentives sa mga napagtagumpayan mong mission. I did nott get special access sa last mission ko dahil ibang reward ang nakuha ko.
"Mukhang mahihirapan tayo sa part na 'yan, Aether dahil wala tayong time machine na lalabasan," sabi ko sa kanya at saglit din naman siyang napaisip. And he is thinking of a way kung paano magiging possible ang plano namin na pagpunta sa century na sinabi niya.
"I can see that, Keitlyn. Pero ma naiisip naman na akong paraan sa kung panao tayo makakapunta roon," sabi niya at hindi ko akalain na ganoon kabilis siyang makakaisip ng paraan. Habang nag-iisip kasi siya kanina ng paraan ay nag-isip din ako ngunit walang idea ang pumapasok sa isip ko.
"And what would that be?" Sana lang ay hindi kami ilagay sa kapahamakan ng idea na naisip ni Aether. Pero kung sa tingin niya ay iyon lang ang tanging paraan para makapasok kami ng twentieth century ay wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi ko naman siya pwedeng hayaan na gawin 'yon nang mag-isa. Wala na nga akong ambag sa pag-iisip ng mga plano, magiging duwag pa ako sa pagsasagawa ng mga plano na naiisip niya. Ayokong mgmukhang walang silbi sa mga mata ni Aether.
"Kailangan nating magkaroon ng isang kaibigan from that century," sabi ni Aether at mabilis ko namang nakuha ang gusto niyang mangyari. And that is less dangerous kung ikukumpara sa iniisip ko. I think that was the safest plan na maaari naming gawin.
"That can be our ally or kahit na hindi?" tanong ko pa.
"Kahit hindi muna sa pagiging ally. We need to find someone who seems nice that can invite u to come over--tulad ng ginagawa natin." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang ginawa niyang example ang pagkakaibigan namin. "Once na maging kaibigan na natin ang kung sinumang mapili natin ay pwede natin siyang kilatisin nang mabuti kung talagang mapagkakatiwalaan ba siya." Tumango ako sa plano ni Aether.
Natuwa naman ako sa sarili ko dahil hindi na niya kinailangan pa na i-detalye sa akin ang lahat dahil mabilis kong nakuha ang lahat. Ngunit isang tanong ang bigla na lang pumasok sa isip ko na sa tingin ko ay hindi ko makukuha hangga't hindi naide-detalye sa akin ni Aether ang lahat.
"I just have a question, Aether," tanong ko dahil hindi pa naman nawawala sa akin ang atensyon niya kaya minabuti ko na samantalahin ko na muna ang pagkakataon. Baka kasi kapag bumalik na naman ang atensyon niya roon ay mahirapan na naman ako na kausapin siya.
"Go ahead, Keitlyn, spill," sabi naman niya kaya hindi na rin ako nagdalawang isip pa na magtanong.
"What is this all about?" tanong ko at napakunot naman ang noo niya. Pero napabuntong hininga naman siya bago tuluyan na sumagot.
"Well, I just want to know kung accessible na ba ang Weigand sa siglo na mas mababa sa amin. Kung hindi pa, ang iniisip ko ay maaaring sa 21st century nagsimula ang Weigand," sabi ni Aether at nakuha ko naman agad ang punto niya. And I think tama lang ang plano niya na alamin ang tungkol sa bagay na 'yon.
"Does it mean na kung hindi pa rin ccessible ang Weigand sa twentieth century ay bababa naman tayo sa nineteenth?" tanong ko at marahan naman na tumango si Aether. Ngayon ay mas lalo ko nang nakuha ang plano ni Aether. At bababa kami nang bababa hanggang sa mahanap namin kung saan nagsimula ang Weigand na accessible na siya sa marine radar.
"We need to find the exact year when Mariana Trench was pinpointed," sabi pa ni Aether at napakunot ang noo ko.
"Why?" tanong ko.
"Because we need to go there," sabi ni Aether na siyang nagpakilabot sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Aether at plano na niyang puntahan ngayon ang Mariana Trench. Hindi ba niya alam na imposibe naming magawa 'yon dahil base na rinsa sinearch namin last time ay hindi biro ang lalim nu'n.
"Wait, ang gusto mo bang sabihin ay sasama tayo sa mga discoverer nu'n?" Natawa si Aether dahil sa naging tanong ko kahit pa seryoo naman ako.
"Hell no, Keitlyn. I just want to know kung anong system at mga kailangan na parts para sa submersible na kayang marating ang ganoong ka-lalim na bahagi ng karagatan," sabi ni Aether na halos makapagpalaglag sa panga ko. Alam ko na ganito talaga ang mga hilig ni Aether at sobra naman talaga ang paghanga na nararamdaman ko para sa kanya kung ganitong mga bagay ang pag-uusapan. Pero hindi ko akalain na darating siya sa ganitong punto kung saan maging ang paggawa ng submersible ay pagtutuunan niya ng pansin.
Oo nga at nakakahanga ang ganitong klase ng talino na mayroon si Aether. Pero hindi ko rin maiwasan na minsan ay makita siya bilang isang weird na tao. He looks like a freak kapag ganitong mg imbensyon ang naiisip niya. I mean hindi naman ito gawain ng mga normal na tao. This is a profession pero mukhang dahil sa talino ni Aether ay hindi na niya kakailanganin ng profession para lang makagawa nu'n. Kakaiba naman pala talaga ang talento ni Aether. He can copy one thing just by looking at it. And it doesn't matterkung gaano man ka-komplikado ang bagay na 'yon.
"You can't be serious," sabi ko na lang pero nagkibit balikat siya.
"Well, I am," sabi niya at wala na akong iba pang nagawa kundi ang mapailing dahil hindi ko talaga kaya na paniwalaan ang lahat ng 'to sa kanya. Well, kung talagang gusto ko na magtagal ang pagkakaibigan naming 'to ni Aether ay kailangan kko nang masanay sa ganitong klase ng talino na mayroon siya. I should warn myself that he can be freak sometimes. "Anyway, Keitlyn, hindi naman 'yan kailangan ngayon dahil wala rin naman pa tayong kaibigan from that century. May iba rin kasi akong plano sa ngayon," sabi niya at nakahinga naman ako nang maluwag. Ang ibig sabihin lamang nito ay maaari ko pang paghandaan ang plano ni Aether na pagtingin sa submersible na plano niyang kopyahin. Kahit pa hindi sabihin ni Aether ay sigurado ako na gagamitin niya 'yon sa kanilang panahon.
At sa pagkakataon na 'yon ay hindi ako sigurado kung masasamahan ko siya dahil hindi naman biro ang lalim ng Mariana Trench. Pero kung magpupumilit si Aether na pumunta roon ay wala na akong magagawa pa kundi ang pumayag na samahan siya dahil hindi ko naman yata kakayanin ang hayaan siya na pumunta roon nang mag-isa. Kung tutuloy man nga si Aether doon, sana lang ay pag-isipan niya nang mabuti ang magiging kapalit ng lahat ng 'to. I trust Aether so much pero hindi natin maiiwasan ang mga nakaambang panganib.
"Ano ba ang mga plano mo pa?" tanong ko na lang kay Aether para mapunta na rin sa iba ang usapan namin. The more I think about Mariana Trench, the more I become paranoid. Kung anu-ano na kasi ang tumatakbo sa isip ko at ayoko naman na mahalata 'yon ni Aether. Ayoko naman isipin niya na pinagdududahan ko ang kakayahan niya sa bagay na 'to.
"Ang plano ko sana ay i-explore ang lugar na 'to." Sandali akong natigilan dahil sa sinabi niya. He means my century? Gusto niyang maggala rito? At mukhang nanditl nga si Aether para maggala. Hindi naman siya poporma ng ganito kung wala siyang plano.
"Are you sure?" tanong ko pa dahil baka nagbibiro lang siya.
"I'm pretty sure. Masasamahan mo ba ako?" Of course, the answer is yes. Pero hindi ko na 'yon nagawa pa na sabihin kaya tumango na lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng mga kasamahan ko rito sa twenty second century sa oras na makita nila rito si Aether. Pero wala na akong pakialam. Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Mabilis na lang naman itong lusutan.