Chapter 46
Keitlyn's POV
Wala namn talagang kaso para sa akin kung ako man ang magbayad ng lahat ng 'to. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makakain na kami dahil parehas na kaming gutom na gutom. Pero mukhang hindi iyon ayos kay Aether dahil nahihiya pa rin siya. At hindi ko maintindihan kung bakit siya ganito.
Sa panahon kasi nina Aether nauso ang gender equality kaya hindi naman na siguro bago sa kanya kung babae man ang gagastos. But Aether seems very unfavor of it. Hindi naman siguro ito ang unang pagkakataon na nilibro siya ng babae. Kanina ko pa nga siya nilibre sa McDo pero hindi naman siya nagreklamo. Siguro ay dahil second time na 'to this day at iyon ang hindi na niya masisikmura.
Pero ano pa ba ang magagawa namin? Wala rin naman siyang pera. Well, siguro mayroon, pero hindi naman 'yun tatanggapin dito. At hindi ko alam kung paano iyon ipapaintindi kay Aether. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin para lang gumaan naman kahit na papaano ang pakiramdam niya at hindi ganito na hiyang-hiya siya. Nakahanap na kami ng pwesto namin pero hindi pa rin naman ginagalaw masyado ni Aether ang kanyang pagkain. Halata na wala siyang gana. Kaya sa tingin ko ay kailangan ko na nga na mag-isip ng dapat kong sabihin kay Aether na siyang magpapagaan ng pakiramdam niya.
Hindi naman ako nangailangan ng matagal na panahon para lang makapag-isip ng mga salita na maaari kong sabihin kay Aether dahil agad rin naman akong may naisip.
"Okay, Aether, para sa ikakatahimik mo 'to. You can consider this as an utang," sabi ko at napakunot ang noo niya. Halatang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.
"What?"
"Utang mo sa akin ang lahat ng gastos natin ngayon. And you can repay me in your century," sabi ko at nagtaas baba pa ang magkabila kong kilay. Muli namang napakunot ang noo niya. Noong una ay hindi pa niya makuha ang ibig kong sabihin. Hanggang sa unti-unti rin naman na naglaho ang kunot sa noo niya nang sa wakas ay makuha niya ang ibig ko na sabihin. At doon ay napangiti siya.
"Sure," sabi ni Aether at napapalakpak pa ako. Muli ko naman na siyang niyaya sa pagkain. At sa pagkakataon na ito nga ay mayroon na siyang gana. Napangiti na lamang din ko at nagpatuloy na sa pagkain.
What I said was true. Totoong sisingilin ko siya kapag nagkaroon ulit kami ng ganitong pagkakataon na sa century naman nila kami maggagala. Imposible naman kasi na magkaroon ako ng pera ng kanilang panahon. Kaya malamang ay si Aether ang gagastos dahil siya ang taga-roon. Mukha naman wala ring kaso kay Aether at pabor pa nga siya. Tagumpay naman ako sa ginawa ko na pagpapagaan ng loob niya.
Matapos nga naming kumain ni Aether ay napagdesisyunan na rin namin ang umuwi na. At pagdating sa unit ko ay dumiretso naman na kami sa time machine ko. He invited me over pero hindi para mailibre na niya ako kundi para sa mga plano namin. Nang marating naman namin ni Aether ang kwarto niya ay dumiretso kami sa kanyang computer. Ilang sandali muna niyang pinagtuunan iyon ng pansin bago niya ako muling hinarap.
"We will inform them about the alliance," sabi ni Aether at tumango naman ako kahit pa sa totoo lang ay medyo may pag-aalinlangan ako sa plano niyang 'yon. Pero hindi ko yata kaya na hindi sabihin sa kanya ang nasa isip ko ngayon kaya sa tingin ko ay kailangan ko na magsalita.
"Okay, but...hindi ba 'yan masyadong risky?" tanong ko at mukha namang nakuha agad ni Aether ang punto ko. Mukhang inaasahan niya rin talaga na itatanong ko 'yon at aware naman siya sa katotohanan na 'yon. But since aware si Aether na risky nga ang plano niyang 'yon but the fact na itutuloy pa rin niya ay alam ko na kasunod pa siyang mga plano.
"Actually, Keitlyn, it is. It really is. But here's the plan," sabi ni Aether at umayos siya ng upo. Umayos na rin ako ng upo ko para makinig sa kanya nang mabuti. "They will be informed about the alliance. But they will not know whose behind it all," sabi ni Aether at bigla akong naguluhan.
That is sound safer pero hindi ko alam kung paano namin iyon maisasagawa. I don't know how are we able to invite students without talking to them. Paano namin maipapaliwanag sa kanila ang lahat nang mabuti. I know Aether has something running on his mind dahil hindi naman niya iyon isa-suggest kung wala siyang buong plano. And I badly want to know the whole plan dahil gagawin ko ang lahat ng kailangan kong gawin kung anuman ang sasabihin ni Aether.
"You are planning to tell me the whole plan, right?" tanong ko na agad bago pa man kami magpatuloy sa usapan dahil baka mamaya ay paasahin na naman niya ako sa mga plano at bibitinin sa pagsasabi kung kailangan naman handa na akong makinig.
"Of course, Keitlyn," natatawang sagot ni Aether dahil sa pagiging sigurista ko. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ako nagtatanong ng ganito. Pero dahil handa naman daw siya sabihin ang lahat ay sinabihan ko siya na magpatuloy na sa kanyang pagsasalita.
"You can proceed now with the plan, Aether," sabi ko at muli naman siyang nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.
"As I was saying, we will inform them without them knowing kung sino ba tayo," sabi niya at tumango ako para sabihin na magpatuloy lang siya. "We can send them letters—"
"Letters? That was so makaluma, Aether. I don't think may mga tao pa na may tiyagang magbasa ng mga ganyan," sabi ko. I'm not trying to offend Aether but that's the truth. Aether seems not to be offended and I thank God for that. But what I said was true. I don't think students will exert an effort to read letters that is too old school. They surely ignore it. But Aether seems to be still firm with his plan.
At hindi naman ako magdadalawang isip na suportahan pa. Basta ang kailangan niya lang na gawin ay ipaliwanag sa akin nang ayos ang lahat-lahat para magawa ko rin ang parte ko.