Chapter 47
Keitlyn's POV
Hindi ko alam kung ano ang tamang salita par sabihin kay Aether 'yung thoughts ko na baka hindi mahirapan kami sa plano niya. Pero minabuti ko na manahimik na muna dahil alam ko naman na may mga sasabihin pa si Aether. At sigurado ako na tungkol pa rin iyon sa mga plano namin. At hihintayin ko na lang ang muling pagsasalita ni Aether. Alam ko rin naman na nag-iisip pa siya ng mga tamang salita para maipaliwanag sa akin nang ayos ang lahat ng nasa isip niya.
Sana nga lang ay hindi na ako mahirapan pa na i-process ang lahat ng sasabihin sa akin ni Aether dahil nakakahiya kung maging sa pagpapaliwanag ay isipin niya na sobrang pabigat ko.
"We don't need everyone this early, Keitlyn. Piling mga estudyante pa lang din naman ay iimbitahan natin sa ngayon," sabi ni Aether at tumango naman ako. Naghihintay pa rin ako na sabihin na niya sa akin kung ano ang bottom line ng lahat ng plano namin nang sa gayon ay masabi ko na rin at lahat ng thoughts--and doubts ko.
"And who are those piling estudyante na iimbitahan natin?" tanong ko at tumikhim sya. At sigurado ako na ang susunod na mga salitang sabihin niya ang mga plano na ilalatag niya kaya naman mas pinagtuunan ko pa siya ng atensyon.
"Like what you have said, Keitlyn, letters are so makaluma. Kaya imposible na pagtiyagaan pa 'yung basahin ng mga taga-twenty second up to twenty ninth century. So ang target muna nating kumbinsihin ay ang mga taga-twenty first down to seventeenth century," sabi niya na nakapagpaisip naman sa akin. Hindi ko alam kung pro's ba 'yon or cons para sa alliance na ginagawa namin.
Alam ko naman na may point siya sa plano niyang 'yon pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-doubt. Kahit naman wala akong naiisip na paraan para makahikayat kami ng member ay kaya ko pa rin naman masabi kung posible ba na mag-work ang plano o hindi. Siguro din naman na hindi mamasamain ni Aether ang mga tanong ko dahil hindi naman ibig sabihin nu'n ay pinagdududahan ko na ang kakayahan niya dahil ang gusto ko lang ay maging pulido ang lahat kaya mas makakabuti kung ngayon pa lang ay masagot na ang lahat ng magiging butas ng lahat ng 'to.
"Hindi ba parang matatagalan tayong makahikayat kung ganyang ang gagawin natin?" tanong ko at umiling naman si Aether.
"That is best thing we can do, Keitlyn. Why? Because first, medyo rebellious na ang mga estudyante sa ganoong panahon. I don't think na madali natin silang makukumbinsi. Baka pagtawanan lang nila ang panghihikayat na 'to dahil sino ba naman ang magtitiwala sa tulad ko? I know how fragile I look like kaya hindi ko rin sila masisisi kung hindi sila sasapi sa atin dahil sa pagdududa nila sa kakayahan ko." Hindi ko maitatanggi na may punto rin naman talaga si Aether. At tama siya, aminado rin naman ako na may ganyang pag-uugali sa generation namin.
"And you think those students in your century down to the lowest can be trusted?" tanong ko naman sa kanya. I know he trusts them more at hindi ko naman kinukwestiyon ang bagay na 'yon ngunit gusto ko lang malaman kung ano ang nakita niya sa mga 'yon para pagkatiwalaan nang ganito.
"They can be trusted, Keitlyn. Especially those in the lowest century. Magaling sila sa pamumuno. And the first student we must convince is Batuk," sabi ni Aether at mabilis ko namang nakuha ang punto niyang 'yon. And I think Aether was right. Tama siya sa iniisip niyang 'yon at mas lalo akong humanga sa kanya dahil nagawa niya na makapag-isip ng ganoong strategy sa kung sinu-sino ang mga dapat muna naming kumbinsihin. At tama si Aether ng napili na maging una sa listahan. Batuk will be a big help kung sakali man nga na makumbinsi namin siya.
He has been the president of student council for several years at hindi maikakaila ang galing niya sa pamumuno dahil nga sa nasa lahi na niya iyon dahil anak siya ng isang datu. Kung makukumbinsi namin siya ay sigurado ako na magiging madali para sa amin ang pagkumbinsi sa iba pang mga estudyante dahil marami rin talaga ang nainiwala sa pamumuno niya. Kapag nalaman nila na kasapi si Batuk ng alyansa na sinusubukan naming buuhin ay lalaki ang tiwala nila sa kakayahan namin.
"How can we inform Batuk about the alliance?" tanong ko pa. I know that his plan was thru letters pero gusto ko rin nalaman ang detalye.
"We will leave a letter somewhere na siguradong makikita niya. Nakapaloob sa letter ang main goal ng alliance natin. Sigurado naman ako na kaya nating sabihin kung interesado ba siya o hindi just by the look at his reaction," sabi ni Aether at tumango naman ako. Sana nga lang ay maging transparent si Batuk sa reaction niya. Pero bigla kong naisip na paano na lamang kung hindi niya pansinin ang sulat dahil iisipin niya na trip lang 'yon.
Sa mga sinasabi pa lang ngayon ni Aether ay mukhang wala siyang plano na magpakilala sa sulat. Kaya napapaisip lang ako kung seseryosohin ba ni Batuk ang sulat namin para sa kanya. What if he just threw it away? At may ibang estudyante ang makapuloy nu'n? What if bida-bida ang kung sinuman 'yon at mag-report sa admin ng Weigand? Or worse, paano na lamang kungang Weigand mismo ang makatuklas nito? Sigurado ako na ipapahanap nila kung kanino 'yon nagmula sa lahat ng camera na nandito sa buong Weigand.
"Susubukan lang naman natin. We can have unlimited tries. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin napapapayag si Batuk. If he refused us at our first try, then we will try again.Ang pinakamahalaga sa lahat ay hindi niya iyon itapon. O kung itapon man niya ay kukuhanin natindahil hindi iyon pwedeng makuha ng ibabg tao." Agad naman akong tumango dahil parehas kami ng iniisip ni Aether.
May risk pa rin ang plano namin na 'to. Ang pinagkaiba nga lang ay mas safe ito sa una naming plano na iimbitahan ang lahat ng estudyante.