Chapter 11

1529 Words
Chapter 11 Keitlyn's POV Hindi ko alam kung dapat ko pa ba na sagutin ang mga paratang sa akin ni Aether o hayaan na lang siya sa kanyang mga iniisip tungkol sa akin at sa aking henerasyon. Wala naman akong obligasyon na magpaliwanag sa kanya pero gusto ng puso't isip ko na malinawan siya na kung ganoon man ang tingin niya sa henerasyon ko ay hindi niya ako dapat na idamay. Dahil unang-una naman sa lahat ay hindi ako isang pangkaraniwan na estudyante sa panahon namin. I'm a Weigand at sa tingin ko ay sapat na iyong basehan para ma-realize niya na parehas lamang kaming estudyante. He should bear in his mind that he is not one of my ancestors. Sa eskwelahan na pinapasukan ay magkasing edad lamang kami kaya kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na hindi ako isang bata kung ikukumpara sa kanya. Ilang sandali na rin ng katahimikan ang lumilipas ay nanatili pa rin akong walang imik. I look at Aether and he is obviously waiting for my words. But sorry to tell him, I'd rather keep my mouth shut kaysa makipagtalo pa sa kanya. Ito na lang siguro ang gagawin ko para hindi na mas humaba pa ang usapan dahil magtatalo lang kami. Mukha namang nahalata ni Aether na wala na akong plano pa na magsalita kaya siya naman na ngayon ang halatang may mga gustong sabihin. Kahit naman masakit ang mga sinabi ni Aether laban sa akin ay nakahanda pa rin naman akong makinig sa mga plano pa niya na sabihin sa akin. Masama man iyon o mabuti ay pakikinggan ko lahat. Ngunit halata pa rin naman kay Aether ang pagpipigil na magsalita. At kung ako ang aasahan niya na maunang magsalita ay naghihintay lang siya sa wala. Dahil wala na akong plano pa na muling magsalita hangga't hindi ko naririnig ang gusto pa niyang sabihin. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay narinig ko na nga siya na napabuntong hininga. It was a sigh of defeat and I don't know what was that for. Mayamaya lang din ay nakita ko na rin siya na tumatango-tango. Napakunot ang noo ko dahil sa mga kinikilos niya. Hindi ko mabasa ang mga galawa niya. Hindi ko pa nga talaga siya kilala. And that is the reason why I want to know him more. Gusto kong mabasa ang bawat galaw at bawat salita ni Aether. "Okay, I'm sorry about what I said, Keitlyn. That was out of my lane and I understand your silence. But I want you to know na kahit gaano katagal ka pa na manahimik dyan ay hindi na magbabago pa ang isip ko na maging kaibigan ka. My answer is no and that's final." Napangisi na lamang ako dahil sa sinabi niya kaya napakunot ang noo niya. Marahil ay nagtatakha siya kung ano ang nginingisi ko. "Give me one valid reason kung bakit hindi ang sagot mo?" I demanded and I cross my arms over my chest. Mas lalo lamang nangunot ang noo niya dahil sa pagtatakha sa kung bakit ganito na lamang ako kung mag-demand. Ngunit kahit na nagtatakha ay nakita ko ang pagsisimula sa pagbuka ng kanyang bibig. At alam ko na magsasalita siya para lamang manahimik na ako. "Hindi pa ba sapat ang sinabi ko kanina tungkol sa pagtitiwala?" Malinaw naman ang sinabi niya sa akin tungkol doon at alam ko sa sarili ko na sapat na ang dahilan na iyon para nga hindi niya ako maging kaibigan. Pero dahil may kakulitan din akong taglay ay hindi ko iyon iintindihin. Tutal ay bata naman ang tingin niya sa akin ay batang isip ang ipapakita ko sa kanya ngayon. "That's not valid," sabi ko at napairap si Aether. Patayo na sana siya sa kinatatayuan niya but I grasp his wrist kaya nahinto naman siya. "Admit it, Aether, you don't trust other weigands kahit pa kasama mo sila sa century mo. Pero nakikipagkaibigan ka sa kanila." I saw him scoff nang dahil sa sinabi ko. Marahan naman niyang binawi ang wrist niya mula sa mga palad ko na hindi ko naman akalain na hawak-hawak ko pa rin pala. Hindi ko naman pinahalata ang labis na hiyang naramdaman ko at binitiwan ko na lang siya na parang walang nangyari. "Just so you know, Keitlyn, I still don't consider them as my friend. I'm still testing them if they worth my trust," sabi ni Aether. The way he said those words is he knows that his trust is just so precious. "Then test me," sabi ko at halos manlambot na naman ako dahil sa ginagawang paninitig sa akin ni Aether ngayon. Hindi ko pa rin maintindihan ang ganitong epekto sa akin ni Aether. I am aware na hindi ito normal pero ayoko namang i-entertain dahil baka hindi ko magustuhan ang kung anumang mare-realize ko. "Test you?" Hindi makapaniwalang sambit ni Aether. Hindi ko rin naman alam kung bakit ko iyon nasabi. I sounded more desperate. Pero ano nga bang magagawa ko? Desperada naman na talaga ako. "Yes, Aether. Wala naman akong pinagkaiba sa mga kasama mo rito sa century. Lahat kami ay pwedeng traydurin ka. So it would be unfair to me kung hindi ako mabibigyan ng chance na maging kaibigan mo gayong binigyan mo sila. Ang lamang lang naman nila sa akin makakasama mo sila rito sa panahon mo anumang oras mo sila kailanganin. Samantalang ako, makakapunta lang ako ako kung pahihintulutan mo," sabi ko sa kanya at saglit namang napaisip si Aether. Sana naman sa pagkakataon na ito ay pumayag na siya at ang iniisip niya ay 'yung papabor naman sa akin. Again, Aether sighs in defeat. At bigla na lang akong nabuhayan ng loob dahil sa gesture niyang iyon. I have this feeling na kaunting pilit na lang ay mapapapayag ko na si Aether. Kung kanina ay susuko na ako, ngayon ay nabubuhayan na ako ng loob. Napailing na lang si Aether at tuluyan nang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. "Do whatever you want to do, Keitlyn. I am really hard to please. So we will see," sabi ni Aether at unti-unti namang lumapad ang mga ngiti ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. "Does it mean pumapayag ka na?" tanong ko at natawa siya dahil para akong bata na binigyan ng lollipop. Kahit na nakakaramdam na ako ng hiya ay hindi ko naman magawa na alisin ang mga ngiti ko sa labi dahil nga sa ginawang pagpayag ni Aether. Kahit na wala pa nama siyang sinasabi na pumapayag na siya ay alam ko naman na iyon na rin ang ibig niyang sabihin doon. Nakita ko rin ang pagngiti ni Aether na halatang nagpipigil ng tawa dahil sa kinilos ko. At hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa nararamdaman ko. Ang hiya dahil baka muli na naman niyang isipin na bata ako, o ang paghanga dahil ngayon ko lang nakita na ngumiti nang ganito si Aether. Bigla na lamang tila kumislap ang mga mata niya na para bang noon lang ay tinatago ng makakapal niyang salamin. Ngunit dahil nga sinunod niya si Ginger ay inalis na niya ito sa sistema niya. Kaya malaya nang nasisilayan ang magaganda niyang mga mata. Sa bagay lang na ito yata ako natuwa sa ginawa ni Ginger. It was best that she encouraged Aether to wear contacts instead. Too old school but I think this is the easiest solution here in their generation. And I have nothing against that. Natural lang naman ang kulay kaya hindi mukhang exaggerated. Mas nangingibabaw pa rin ang natural na ganda ng mga mata niya. Napahawak na lamang ako sa aking noo nang itulak iyon ni Aether gamit ang kanyang hintuturo. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala siya tinititigan kaya mas lalo lang nadagdagan ang hiya na nararamdaman ko. Parang ang sarap na lamang magpalamon sa lupa rito sa mismong kinatatayuan ako. "You should go by now, Keitlyn. It's getting late," sabi ni Aether at napanguso ako. Napatingin ako sa makalumang alarm clock na nakapatong sa side table ni Aether at nabigla ako nang makita na mag-aalas diyes na pala ng gabi. Ngunit kahit pa alam ko nang masyado na ngang late na ay hindi ko pa rin gustong umuwi. Lalo pa ngayon na okay na kami ni Aether. Pero hindi naman pwedeng mag-stay pa ako rito ng matagal dahil wala na rin naman akong naiisip pa na pwedeng maging dahilan para mag-stay ako. Kaya kahit labag sa loob ko au minabuti ko na rin ang tumayo. "Sige, Aether, uuwi na ako. Salamat sa mga pagkain," sabi ko at wala naman na siyang sinabi pa dahil tila ba pinipigilan na rin niya ang sarili niya na magsalita pa. Kaya ang ginawa na lamang niya marahan siyang tumango. Hanggang sa magsimula na nga akong maglakad patungo sa closet na niya. Nang marating ko ang aking silid ay agad ko binato ang aking sarili pahiga sa malambot kong kama. Habang nakatingin sa nagliliwanag kong kisame ay saka ko lang naramdaman ang pagod. Mabuti na lamang at napapayag ko si Aether kahit na papaano. Alam ko na makakatulog ako nang mahimbing dahil wala na akong kailangan na alalahanin pa. Sandali pa lang akong nakahiga ay nakatulog na rin agad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD