Chapter 39
Keitlyn's POV
Hindi ko alam kung gaano katagal na ba akong nanonood kay Aether sa pagluluto niya. Ang tanging sigurado lang ako sa ngayon ay ang katotohanan na malapit na siyang matapos. Na-realize ko na lang na patapos na siya dahil naaamoy ko na ang niluluto niya. At hindi ko maikakaila na nakakagutom ang amoy ng niluluto niya. Hindi ko alam kung sadyang gutom na ba talaga ako dahil hindi ko nagawa na makapag-meryenda o sadyang gusto ko na talagang matikman ang niluto niya.
I think his recipe is one of the classic dishes in our Filipino cuisine. Hindi ko lang matukoy kung ano 'yon pero alam ko na naamoy ko na 'yon at mukhang natikman ko na rin. Siguro ay isa sa mga natikman ko nang luto ng lola namin sa probinsya. Bihira na lang din kasi ang mga pagkaing pinoy sa generation namin dahil mostly ay mga pagkain na ang hinahanda. Magigng mga pagkain sa labas ay mga galing na sa ibang bansa. Mostly korean foods. Kahit naman ako ay aminado na mahilig sa ganoong pagkain. Well, halos lahat naman na yata sa generation namin ay iyon na ang hilig.
Nakakakain lang ako ng mga pagkaing pinoy kapag umuuwi kami ng probinsya. At masasarap naman ang mga natitikman ko roon. Ang problema nga lang, kahit na gaano ko pa ka-gusto na kumain nu'n lagi rito sa Maynila ay wala naman akong mahanapan na maaaring kainan dahil masyado na kaming nasakop ng mga pagkain ng mga dayuhan. Wala rin naman akong alam sa paglululto kaya hindi ko magawa.
Sa tingin ko ay hindi pa naman nate-take over ng pagkain ng mga dayuhan ang generation nila kaya alam na lutuin ang mga 'to. Mukhang mapapadalas ang pagre-request ko ng ganitong luto kay Aether dahil ngayon ay alam ko na kung kanino ako magpapaluto. Hindi ko na kakailanganin pa na umuwi ng probinsya para lang makakain ng classic Filipino foods. Ngayon, bumaba lang ako rito sa century nina Aether ay makakatikim na ako.
"What are you cooking?" tanong ko kay Aether nang buksan niya ang takip ng niluluto niya. Dahil sa ginawang 'yon ni Aether ay mas lalong nangamoy ang bango ng niluluto niya. Narinig ko na lang bigla ang pagkalam ng sarili kong sikmura. At halos lamunin ako ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Dahil nga kasi sa sobrang tahimikng paligid ay hindi ko akalain na kakalam ng ganito kalakas ang sikmura ko.
Mula tuloy sa pag-amoy ng sarili niyang luto ay napalingon siya sa akin. Doon ko lang na-realize na narinig nga iyon ni Aether. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Aether. Siguro ay pinagtatawanan na niya ako sa kanyang isip. Hindi ko naman 'yon kasalanan. Kung mapipigilan ko lang naman ang kalam ng sikmura ko ay bakit hindi? Hindi ko naman ipapahiya abg sarili ko nang dahil lang sa gutom.
"You hungry?" tanong ni Aether. Sinubukan kong alamin kung nagpipigil siya ng tawa pero hindi ko naman nahimigan. Pero hindi pa rin naman ako naging kampante dahil bakarito siya magaling, ang magpigil ng tawa."
"Not really," sabi ko at alam ko naman na hindi 'yon kapani-paniwala dahil na rin sa naging lakas ng kulo ng sikmura ko.
"I don't think so. Mukhang gutom na gutom ka na. Don't worrry, malapit na 'to," sabi niya at muling hinarap ang kanyang niluluto. Dahil hindi naman na siya nakatingin sa akin ay nagawa ko nang irapan siya. "Caldereta is what I'm cooking," sabi pa niya matapos tikman ang niluluto niyang 'yon.
Yes, I was familiarn with that dish. Madalas ko nga 'yang naririnig sa lola ko sa probinsya and yes, natikman ko na nga siya. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-miss ang lola ko. She has dies years ago kaya hindi na rin talaga ako nakakatikim gaano ng mga luto niya.
"Hindi ka ba pamilyar sa Caldereta?" tanong ni Aether at nilingon pa niya ako. Siguro ay nahalata niya ang pananahimik ko.
"Pamilyar naman ako. It's just that that's not a usual dish in our generation anymore." Napakunot ang noo ni Aether dahil sa sinabi komg 'yon. He was more like disappointed at hindi rin siya makapaniwala. Well, hindi ko rin naman siya masisisi dahil maging ako man ay nagtatakha kung bakit nawala ang mga classic foods sa kultura ng Pilipinas. Masyado na kaming colonized ng ibang bansa.
"How did that even happen?" tanong pa ni Aether at nagkibit bikat naman ako.
"Well, mas uso kasi ngayon ang pagkain ng ibang bansa." Saglit na natahimik si Aether dahil sa labis pa rin niya na pagtatakha.
"What will be the trending foods in your generation, then?" tanong niya kaya napaisip ako. Ano nga ba ang mga trending foods sa generation namin.
"Samgyupsal? Something like that. Very common na ang samgyup kahit sa mga handaan." Nakita ko ang sobra na pagkakangiwi ni Aether dahil sa sinabi kong 'yon. Mukhang hindi 'yon katanggap-tanggap sa kanya. Well, kahit naman ang mga matatanda na kakilala ko ay nalulungkot at sinasabi na nanghihinayang sila sa tila bula na pagkalaho ng kulturang Pilipino.
"Samgyupsal? That Korean food? Hindi ko naman itatanggi na uso na rin ang pagkain na 'yan sa panahon namin. Pero hindi ko naman akalain na magiging ganito ang resulta. Hindi akalain na maglalaho ang pagkaing Pinoy just because of that food." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa disappointment na nakikita ko sa mukha ni Aether. Medyo nahihiya ako dahil doon. Ngayon ko nakikita si Aether bilang isa sa aming mga ancestors.
"Are you mad?" tanong ko pa kahit pa halata naman na sa mukha niya. Pero tipid na ngumiti si Aether. From being disappointed, his face turns into something guilty.
"I want to be mad. But then I realize na nauso ang ganyang mga klase ng pagkain sa generation namin. I want to be mad but the feeling of guilt id overpowering me." Muli ay ngumiti siya ng pilit.
Mukhang mas sinisisi ni Aether ang sarili niyanv generation kaysa sa generation namin. And I get his point. Pero may kasalanan din naman kami dahil tuluyan na kaming nagpasakop sa mga banyaga.