Chapter 40
Keitlyn's POV
Tulad ng sinabi ko kanina sa amoy pa lang ng niluluto ni Aether na mukhang masarap ay ganoon din ang hitsura nito. Nang ihain na niya iyon sa mesa ay halos maglaway na ako dahil sa sarap at amoy nito. Mabuti na lamang at nagagawa ko pa rin na magpigil dahil kung hindi, kahit na hindi pa sa sinasabi ni Aether na kakain na kami ay mauuna na akong maupo sa harapan ng hapag. Ngunit dahil may natitira pa naman akong kahihiyan ay napipigilan ko ang sarili ko. Hindi ko nga lang alam kung gaano ako katagal na makakapagpigil. Pakiramdam ko kasi ay sobrang tagal magyaya ni Aether sa hapag.
"Gusto mo na bang kumain?" tanong ni Aether at tila gusto ko na lang mapairap. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya na tanungin ako ng ganoon samantalang alam na alam ko naman na halatang-halata na sa mukha ko ang gutom. Narinig na rin naman niya ang pagkala ng sikmura ko kanina kaya sigurado ako na alam niyang nagugutom na ako. And when someone is hungry, malamang ang gusto niyang gawin ay ang kumain na. Kaya hindi ko na tuloy alam kung nananadya lang ba si Aether sa tanong niyang 'yon. Ngunit wala namang bakas ng pang-aasar sa mukha niya.
"Pwede naman na. Ikaw, gusto mo na bang kumain?" tanong ko para kahit papaano naman ay may poise pa rin ako.
"We can eat now. Medyo gutom na rin kasi ako," sabi ni Aether at gusto ko sanang sabihin sa kanya na buti nga siya ay medyo lang samantalang ako ay sobrang gutom na. Pero imbis na magsalita ako ay nagpasalamat na lang din ako dahil sa wakas ay makakakain na kami. And since Aether did the cooking, I told him na ako na ang mag-aahin at maghahanda ng mesa para sa aming dalawa. Noong una nga ay ayaw pa niyang pumayag. But I really insist dahil ayoko naman na isipin ni Aether na masyado nang makapal ang mukha ko kung siya pa ang maghahain. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siya sa pamimilit ko.
Dahil na nga rin sa gutom na nararamdaman ko ngayon ay naging mabilis lang ang ginawa ko na paghahain. Dahil ilang minuto lang din ang lumipas ay magkaharap na kami ni Aether sa hapag. Ilang sandali rin siguro kaming nakatitig lang sa pagkain dahil nagpapakiramdama kaming dalawa sa kung sino sa amin ang unang magsasandok ng kanin.
Hanggang sa inurong ni Aether ang kanin palapit sa harapan ko para sabihin na mauna na ako pagsandol. Hindi naman na ako nagsalita pa at nginitian ko na lamang siya bago ako nagsandok ng kanin ko. Hanggang sa matikman ko na nga ang niluto ni Aether at hindi nga ako nagkamali. Dahil hindi lang amoy at hitsura ng niluto niya kundi maging ang lasa nito ay sobrang sarap. Ngayon ay hindi na ako mahihirapan na makahanap ng paraan para makatikim ng mga classic Filipino foods dahil pwede na akong mag-request kay Aether. I know naman ang I'm sure din na hindi niya ako tatanggihan.
Marami akong nakain kaya sobra akong nabusog. Matagal din ang kinailangan kong pahinga bago ko magawa na makauwi sa unit ko. Napagkasunduan na rin naman kasi namin ni Aether na sa susunod na lang kami ulit mag-usap dahil late na rin masyado. Kaya nang makarating ako sa unit ko ay kinailangan ko pa na muling magpahinga bago matulog. Hindi ako pwedeng matulog nang hindi ako nakakapagpababa ng kinain dahil baka bangungutin ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na wala namang pasok dahil sabado ngayon. Nawala sa isip ko na weekend nga pala ngayon at hindi ko natanong si Aether kung may plano ba kaming dalawa ngayon. Pero sa tingin ko naman ay wala dahil kung mayroon man ay hindi naman niya ako makakalimutan na i-remind. I think he needs a rest too. Kahit pa sa tingin ko na wala ngang plano si Aether ngayon ay parang gusto ko pa rin na makasigurado. Gusto ko siyang puntahan sa kanyang kwarto pero naiisip ko naman baka nga gusto niya rin na magpahinga. At ayoko namang maistorbo siya.
Iniisip ko rin na baka mamaya ay wala pala siya sa kanilang bahay dahil nasa labas siya at naglilibang. Bigla ko na lamang naisip ang posibilidad na maaaring si Ginger ang kasama niya ngayon na magplano sa mga susunod naming hakbang. Hindi naman malabong mangyari 'yon dahil pinagkakatiwalaan niya rin naman ang batang 'yon. Hindi ko rin maiwasan na isiping paano kung tulad ng ginawa niya sa akin kagabi ay pinagluluto niya rin si Ginger ngayon? What if he is now preparing breakfast for her? Naikuyom ko na lang ang magkabilang kamao ko dahil sa labis na pag-iisip. Ayoko sa mga naiisip ko ngayon pero hindi ko naman maiwasan.
Hanggang sa na-realize ko na lang na naglalakad na ako papunta sa closet ko. Ngunit kahit pa nasa harapan ko na ang time machine ko at manghihingi na lang ako ng access kay Aether para makapasok doon ay hindi ko naman magawa. Hawak ko lang ang card ko ngunit hindi ko naman magawa na i-swipe ito. Wala akong ibang magawa sa ngayon kundi ang titigan ang monitor ng time machine ko. Huminga ako nang malalim at saka nagdesisyon. And I have decided na pupuntahan ko na si Aether. Hinawakan ko nang mahigpit ang card ko at naghanda na sa pag-swipe. Ngunit hindi pa man ako nakakapag-swipe ay nahinto na ako.
And my heart skips a beat nang makita at madinig ko ang notification na nag-appear sa monitor ng time machine ko. And it is indicating that Aether wantsto get an access here. Bigla na lamang akong nataranta na tila ba hindi alam ang gagawin. And I don't know what's wrong with me. Kanina lang ay plano ko nang kitain si Aether sa kwarto niya. Ngayon naman na siya ang gustong pumunta rito sa kwarto ko ay nagkakaganito naman ako. Pakiramdam ko ay hindi ako mapakali sa hitsura at ayos ng kwarto ko. Hindi ko naman kasi napaghandaan ang pagpunta niyang 'to. Mas sanay ako na ako ang napunta sa kwarto niya at hindi 'yung siya ang napunta sa kwarto ko.
I mean, don't get me wrong dahil wala namang problema sa akin kung pupunta si Aether dito hindi tulad ng ibang student ng Weigand na talagang hindiko hahayaan na makatapak dito sa kwarto ko. Aether is very much welcome, of course. Hindi ko lang maiwasan ang maging conscious sa kwarto ko dahil malinis ang kwarto niya. Hindi naman ganoon ka-dumi at kakalat ang kwarto ko pero baka kasi makalat na 'to sa paningin niya dahil nga sa malinis si Aether sa mga bagay-bagay.
I check my whole room one last time at nang masiguro na malinis ito at wala namang anumang nakakahiya na maaaring makita ni Aether ay bumalik na ako sa time machine ko at tinanggap ang request ni Aether na access dito. Habang naghihintay sa pagdating ni Aether ay inayos ko na rin ang aking sarili. Hindi naman ako pangit na pangit kapag bagong gising pero baka mamaya may nakaligtaan ang muta o anumang dumi sa mukha na nakakahiya kung makikita ni Aether. Ilang sandali rin ang ginugol ko sa paghihintay hanggang sa makarating si Aether. Pagkakita niya pa lang sa akin ay agad niya akong nginitian. He then raises his hand na may hawak ng supot. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtatakha sa kung ano ang hawak niya.
Hanggang sa maamoy ko ang bango ng dala niya kaya nagkaroon na ako ng idea kahit na papaano sa kung ano 'yon.
"And what is that?" takhang tanong ko just to confirm kung tama ang hinala ko. Napangiwi naman siya at napakunot ang noo. Inamoy pa niya ang supot na tila ba sinasabi kung hindi ko ba naaamoy 'yon.
"Cookies," sambit niya na may halong disappointment dahil hindi ko 'yon naamoy at kinailangan ko pang itanong 'yon. Hindi ko na lang din sinabi sa kanya na naamoy ko na kung ano ang dala niya and I just had to confirm it dahil ayoko namang manghula tapos ay mali naman pala. "I brought cookies for breakfast. Nag-almusal ka na ba? I hope not dahil sayang naman 'tong dala ko kung nagkataon." Gusto ko sanang lokohin si Aether at sabihin na nag-almusal na ako pero hindi ko na ginawa dahil baka ma-disappoint siya at bigla na lamang magpaalam nang hindi ko nababawi ang biro ko.
"Hindi pa, Aether. Actually, I'm looking and thinking for something to eat. Good thing na dumating ka," sabi ko at napangiti naman siya. Niyaya ko na si Aether sa kusina ng unit ko para doon na rin kainin ang mga dala niya. Sa tingin ko rin naman kasi ay hindi lang cookies ang laman ng supot na 'yon dahil may mga tinapay rin akong naaamoy. Hinanda ko na ang mesa na pagkakainan namin at sabay na kaming nag-almusal.
"How much did it cost?" tanong ko kay Aether. Marami siyang dala at mukhang masasarap lahat. Nang tikman ko rin ito isa-isa ay mukhang mamahalin ang lasa. I think he bought it in a pricey pastry or coffee shop. Pero napangiwi si Aether sa tanong kong 'yon na tila ba na-disappoint siya.
"I baked that, Keitlyn." Mabuti na lamang at nagawa ko na pigilan ang sarili ko sa pagbagsak ng panga ko dahil sa pagkabigla sa sinabi niya. I know he knows ho to cook dahil napatunayan ko naman na 'yon kagabi. Iba ang sarap ng luto ni Aether. But cooking and baking are two different things at nakaka-amaze na parehas magaling doon si Aether. Hindi ko maiwasan ang mahiya dahil ako itong babae pero ako ang walang alam sa kusina. Pero hindi ko rin naman maiwasan ang makaramdam ng tuwa dahil bukod sa naipagluto na niya ako ng dinner kagabi ay nagaw pa niya ako na ipag-bake ng cookies ngayon para naman sa breakfast.
Hindi na ako nakapag-react pa nang sabihin ni Aether na siya nga ang nag-bake ng cookies at tinapay na dala niyang 'to. Mukha rin namang hindi siya naghintay ng reaction ko. Looks like he just wanted to tell me about that fact kaya hindi na rin naman ako kumibo pa nagpatuloy na lamang din ako sa pagkain ko katulad ng ginagawa ni Aether ngayon. Marami akong nakain kagabi ngunit marami pa rin akong nakain ngayong umaga. Kung magpapatuloy na ganito karami ang mga kinakain ko ay sigurado ako na mananaba ako. At lahat ng 'yon ay kasalanan ni Aether. Lumalakas at dumarami lang naman ang nakakain ko kapag luto ni Aether ang nasa hapag.
Marami ang mga pagkain na dala ni Aether. Ngunit ganoon pa man ay nagawa naman namin 'yong ubusin kahit na dalawa lang kami. Hindi naman kasi nakakasawa ang lasa ng mga tinapay at cookies na ginawa niya kaya kahit na busog ka na ay gugustuhin mo pa rin na umisa pa.
"May gagawin ka ba ngayon?" Napahito ako sa ginagawa ko na pagliligpit ng kinainan namin dahil sa naging tanong ni Aether. Bigla tuloy akong kinabahan at may malakas akong kutob na yayayain niya ako sa kung saan kaya ako natanong ni Aether. At willing naman ako na samahan siya if ever na magyaya nga siya. Napansin ko rin na nakabihis si Aether. Ngunit may mas kapansin-pansin sa bihis niya ngayon. Ang porma niya ngayon ay pormahan ng mga kabataang lalaki rito sa generation namin. At sa tingin ko ay rito siya magyayaya. Sanay kasi ako sa ganyang pormahan kaya hindi ko agad napansin 'yon. I just find it normal with Aether. Mukha naman siyang hindi trying hard na gusto lang mag-fit in.
Kung totoo nga ang hinala ko na magyayaya rito si Aether, siguro ako na kaya ganito ang porma niya ay dahil iyon sa ayaw niya na ma-out of place. Old school na kasi sa panahon namin ang pormahan nila sa panahon nila.
"Wala naman," sagot ko. Gusto ko rin sanang idagdag na gusto ko rin talaga sanang lumabas nang kasama siya pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko 'yon pwedeng basta na lamang sabihin. Kung magyayaya man siya o hindi ay ayos lang sa akin. But of course, it would be better kung magyayaya man siya. Kung may specific na lugar man siya na gustong puntahan ay pwede ko naman siyang dalhin doon at samahan. Kung hindi rin naman siya magtatagal sa lugar na gusto niyang puntahan ay pwede ko pa siyang ipasyal sa iba pang lugar. I have all the time this day dahil wala naman talaga akong nakaplano na gawin.
"Good. Plano ko na sanang kumpirmahin ngayon ang tungkol sa Mariana Trench." Bigla kong naalala ang tungkol sa plano naming 'yon ni Aether kung saan susubukan niya kung made-detect ba ng radar ang Mariana Trench sa iba't ibang century.
Bigla tuloy akong nahiya dahil pagliliwaliw ang nasa isip ko kung bakit tinanong ni Aether kung may gagawin ba ako. Nag-assume ako na rest day namin ngayon pero gusto niya pa rin akong makasama.
"Yea,we can do that. Dala mo ba ang radar?" tanong ko at tumango naman siya. Tinaas niya ang kamay niya para ipakita sa akin ang cellphone niya.
"Naka-install na rito ang app," sabi ni Aether at tumango naman na ako sa kanya.