Chapter 2
Keitlyn's POV
Katulad ng kadalasan kong ginagawa, tinanaw ko ang kalakhang Maynila. Mula rito sa unit ko ay kitang-kita kung gaano ka-busy ang lahat. Maaga pa lang ngunit marami nang winged bike ang nasa himpapawid. Katulad ng Weigand, ngayon na rin ang unang araw ng klase nila—ng mga normal na estudyante.
Lumanghap lang ako sandali ng sariwang hangin at naligo na rin ako. I wear my Weigand uniform at naghanda na sa pagpasok.
I swiped my access card sa computer ng aking time machine at dumaan na sa portal. Hindi ko inasahan ang malalim na buntong hiningang pinakawalan ko nang muli kong masilayan ang napakalawak na Weigand. Dumaan ako sa ranger at nagsimulang tahakin ang daan papunta sa building kung nasaan ang classroom ko.
"Keitlyn!" Hindi pa man din ako nakakailang hakbang mula sa ranger ay may tumawag na sa akin. Nilingon ko si Emerald na kalalabas lang ng 22nd portal at dumaan sa ranger na dinaanan ko. Tumakbo siya palapit sa akin.
"Sabay na tayo!" maligaya niyang sabi. Nabaling ang tingin ko sa 21st portal kung saan sumulpot si Aether. Laglag ang panga niyang inilibot ang kanyang tingin sa kabuuan ng Weigand. Umilaw ang pulang ilaw sa itaas na bahagi ng portal. Which means na may papasok galing sa 21st century pero hindi makapasok ang access dahil hindi pa rin dumaraan sa ranger si Aether. Hindi tuloy makapasok ang kasamahan niya sa 21st centunry.
What the hell? Maghapon ba siyang tutunganga riyan? Nagkatinginan kami ni Emerald at lumapit sa kanya hanggang sa barricade.
"Hoy! Umalis ka na riyan! Bilis!" Iminuwestra ko sa kanya ang ranger at dumaan naman agad siya roon nang makuha ang nais kong sabihin at nilapitan niya kami. "Bawal tumambay sa tapat ng portal. Mahaharangan mo ’yung ibang papasok!" Paliwanag ko at tumango-tango siya. Nilingon niya ang mga nakahilerang portal. Bawat century kasing pinanggagalingan ay may portal.
Lumabas si Ginger mula sa 21st portal nang nakabusangot ang mukha.
"Who the fvck blocked the portal?" tanong niya. Mukhang siya ang nag-access kanina at hindi agad nakapasok dahil sa ginawang pagtatagal ni Aether.
"Newbie." Tinuro ko si Aether at umirap lang siya. Spoiled brat kid! Unang taon pa lang niya sa high school ay dito na siya nag-aaral sa Weigand. At Grade 12 na siya ngayon. Sa High School division agad siya dumiretso.
"Ano ngang year level mo?" tanong ni Em kay Aether.
"Third year college," sagot lamang nito. I get my iPad at chineck ang schedule niya sa website. "Classmate ka namin sa ibang subjects," sabi ko at nagsimula na kaming maglakad.
"May sasakyan ka?" tanong ni Emerald kay Aether.
"Nasa labas." Natawa ako sa sinagot niya. Don't get me wrong, I was not mocking him. Sobrang inosente niya at nakikita ko sa kanya ang sarili ko. Kaya hindi ko siya pwedeng pagtawanan dahil para ko na ring pinagtawanan ang sarili ko.
"We mean here, inside Weigand! You need flying vehicle here. Wala ritong hagdan o elevator." Nagulat siya sa sinabi ko. Tss. Hindi kasi nagbasa ng email, e! Nang marating namin ang tapat ng building namin ay inilabas ko ang aking smart key at gano’n din si Emerald.
Pumindot ako roon at nasa harapan ko na ang flying scooter ko. Ang kay Emerald naman ay roller blade. Namamangha iyong tiningnan ni Aether.
"Saan ba nakakabili niyan?" tanong niya. Napairap ako ngunit natawa rin sa dulo.
"Nakakabili? Ikaw mismo ang gagawa ng sasakyan mo rito. Hindi ka magiging estudyante ng Weigand kung hindi mo kaya," I told him. Isinuot ni Em ang kanyang roller blade at ako naman ay tumayo na sa scooter ko.
"Una na ako, Keitlyn!" paalam ni Em at tumango ako. Sinundan siya ng tingin ni Aether nang magsimula nang mag-rollerblading si Em sa hangin at makarating sa floor ng classroom namin. Inilahad ko kay Aether ang kamay ko habang nakaangat na nang bahagya ang scooter ko mula sa lupa.
"Isasabay kita habang wala ka pang sasakyan! Pero kailangan mo nang gumawa dahil kakailanganin mo ’yun lalo na sa mga mission mo!" I said and he takes my hand at tumayo na siya sa scooter ko. Nasa likuran ko siya.
Kakapaandar ko pa lang sa scooter ko ay napahinto na akong bigla nang ipinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko mula sa likod. Dahil sa bigla ay siniko ko siya mukha dahilan kaya nalaglag siya sa lupa.
"What the hell!" Gulat na sabi niya. Pinulot niya ang nalaglag niyang salamin at tumayo.
"Why did you hug me?" Singhal ko sa kanya.
"What? Muntik na akong malaglag kaya napayakap ako sa’yo! Mahirap mag-balance sa lumilipad na scooter! Hindi ako sanay!" Paliwanag niya at napairap na lang ako. On the other hand, reasonable naman siya.
"O, sige na! Sige na! Hop in, bilis!" Muli siyang sumakay sa scooter ko.
"D-dito lang ako hahawak!" Sabi niya. Hindi ko man siya nakikita dahil sa likuran ko siya nakatayo, pero halata sa kanyang boses na nahihiya siya. Naramdaman ko ang marahang pagkapit niya sa laylayan ng coat ng uniform ko sa magkabila kong tagiliran. Napababa tuloy ang tingin ko roon.
Medyo nanginginig siya kaya alam kong hindi siya sanay sa presence ng ibang tao. I wonder if he has friends.
Marahan kong pinaandar ang scooter ko para hindi na rin siya ma-off balance.
"What was that?" tanong niya at saglit na may itinuro. Huminto ako saglit. Kailangan niya muna palang malaman ’yan. Mabuti na lamang at natanong niya.
"’Yan ang mga locker vault natin. Your locker is there, too, of course. Check mo na lang mamaya sa website kung anong locker number mo. Diyan din ipapadala ang mga magiging mission mo. Kapag nagkulay pula ang locker mo, it just means na nag-send sila ng mission sa iyo."
Matataas ang mga locker volt at kakailanganin din ng flying vehicle. Malaki ito at tanaw ng lahat kapag nasa labas ng mga building. Sa ngayon ay kulay asul pa ang mga volt dahil kasisimula lang ng klase at wala pang mga mission.
Nawala sa isip kong may angkas nga pala ako kaya agad kong pinaandar ang scooter. Muli kong naramdaman ang pagpulupot ng mga braso ni Aether sa baywang ko. Napapikit na lang ako upang paalalahanan ang aking sarili na hindi pa siya sanay sa mga lumilipad na bagay kaya intindihin ko na lang.
"What's your name?" Malalim ang boses niyang tanong sa likod ng tainga ko. Hindi pa nga pala niya ako kilala.
"Keitlyn," tipid ko na lang na sagot.
Nang makarating na kami sa aming floor ay bumaba na kami sa scooter ko. Pumindot ako sa smart key at tumiklop ito. Hinanap ko sa buong hallway si Emerald pero mukhang nauna na siya sa magiging classroom namin.
Niyaya ko si Aether at pinagtitinginan siya ng mga weigand na nakakasalubong namin.
"The newbie?" tanong ni Batuk at tumango ako. Tumango lang din naman siya at nilagpasan na kami.
"Sino ’yun?" tanong ni Aether na sinundan pa si Batuk ng tingin.
"Si Batuk, ang student council president. At mula siya sa black door," sagot ko.
"Black door?" Wala pa nga pala siyang masyadong alam tungkol dito.
"Mga century na bababa sa 17th. Batuk is from 16th century. Ilan lang silang mula sa black door." Nanlaki ang mga mata niya. Manghang-mangha sa mga bagay na binabanggit ko.
"16th century? Pero bakit ganoon siya manamit?" Kahit suot ang Weigand uniform, malakas ang dating ni Batuk dahil sa pagdadala ng damit. Walang bakas na lumaki siyang suot lamang ay bahag na katulad sa mga ninuno natin.
"Nakasanayan na nila ang ganitong klaseng pananamit. Kailangan nilang mag-uniform. Kailangan nilang makibagay sa ibang estudyante upang hindi mapag-iwanan," paliwanag ko. Lahat ng weigands na galing sa mas sinaunang century ay sinanay ang sarili nila sa makabago at futuristic na kasuotan.
"May nalalaman na rin pala sa computer ang mga ninuno natin noon?" tanong niya.
"Wala. Pero alam ng Weigand ang potential nila. Sa talino ni Batuk, alam nilang kaya niyang makipagsabayan kung mapag-aaralan nito ang computer. At hindi sila nagkamali. Siya pa ang nangungunang estudyante ngayon," sabi ko habang naglalakad na kami.
"At SC president pa siya, ’no?" tanong niya kahit pa sinabi ko naman na kanina.
"Nasa dugo niya ang pagiging leader. Anak siya ng isang datu." Lumapad ang ngisi niya. At alam kong nag-e-enjoy na siya dahil sa mga natutuklasan niya.
Pagpasok pa lang namin sa classroom ay nasa harapan na ang aming hologram professor. Yes, wala kaming actual professor. Lahat ng professor namin ay hologram lang. Naka-flash na rin sa malaking flat screen ang mga lecture namin.
Mabilis lang na lumipas ang oras at hindi namim namalayan na lunch break na pala.
"Isasabay mo ang newbie?" tanong ni Emerald at tumango ako. Hindi siya makakababa kung hindi ko siya isasabay. Iisa lang ang cafeteria ng Weigand. Doon kumakain ang lahat ng estudyante mula high school at college division.
Muling namangha si Aether nang pasukin namin ang malawak na cafeteria. Para kang nasa isang fine dining sa isang cruise ship. Elegante. Robot din ang nagsisilbing waiter dito. Sinabi lang namin ang mga order namin at umalis na ang robot. Wala pang isang minuto ay nakabalik na ito dala ang aming mga pagkain.
"May tanong ako," untag ni Aether nang nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain.
"Ano ’yon?" I asked.
"Puwede ba akong pumasok sa ibang portal?" tanong niya.
"Puwede! Kung may specific portal kang lalabasan. For example, him," tinuro ko si Luciano. "He's from 20th century. Kung sa time machine ka niya lalabas, maaari. Pero kung 20th main portal ang gagamitin mo, bawal. Ginagamit lang ang main portal sa mga missions!" paliwanag ko at tumango-tango siya.
"So, kung may kaibigan akong weigand sa ibang century, puwede akong pumunta kung isasama niya ako? Kunyari, ikaw? Makakapunta ako sa twenty-second century?" tanong niya at natatawa akong tumango. Alam ko na nangangapa pa rin siya.
"’Yun ay kung magkakaroon ka ng kaibigan na taga-ibang century. Mostly rito sa Weigand, kung sino lang ang kasama mo sa century mo, sila lang ang pagkakatiwalaan mo." Napakunot ang noo niya.
"Does it mean na ’yung mga taga twenty-second century lang ang pinagkakatiwalaan mo?" May pagka-tsismoso rin ang isang ’to.
"Oo. Siyam kaming taga twenty-second century, pero may pagkakataon na si Emerald lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko." Hindi ko tinagosa kanya ang katotohanang iyon.
"Bakit?"
"Malalaman mo kapag nagsimula na silang mag-send ng missions." Mahirap ipaliwanag kung bakit laya iyon na lang ang sinabi ko sa kanya.
"E, pero bakit kayo nakarating sa twenty-first century?"
"May access card kami. Incentives sa last team up mission namin ni Emerald." Nginuya ni Emerald ang pagkain sa bibig niya at hinarap si Aether.
"’Wag ka magtitiwala kung kani-kanino. Mapanlinlang ang mga weigands. Ilang beses kaming naisahan noong unang taon namin dito. Kaya ngayon ay natuto na kami," sabi ni Em at muling bumalik sa pagkain.
May naghila ng upuan sa table namin at nang mag-angat ako ng tingin ay nabungaran ko si Ginger, nasa likod niya si Luther. Naupo siya sa tabi ni Aether at hinarap ito.
"Ikaw pala ang newbie?" Tango lang ang isinagot ni Aether. "Cool, I'm Ginger! Parehas tayong taga+twenty-first century!" Inilahad niya ang kamay niya kay Aether.
"Aether Alonzo..." Nakangiting pakilala nito at tinanggap ang kamay ni Ginger. Nagpatuloy ako sa pag-ubos sa aking pagkain.
"Luther, pare! Twenty-first century din!" Nakipagkamay din si Luther na nanatiling nasa likod ni Ginger.
Halos mabilaukan ako nang ayusin ni Ginger ang kuwelyo ng uniform ni Aether. She smiles at him. Ginger doesn't usually throw a smile. And there I knew it. That kid is interested.
Naiilang na ngumiti si Aether. I can't help but watch them talk.
"You should stop wearing thism..." Hinubad ni Ginger ang salamin ni Aether. Napangisi siya nang makita ang mukha nitong walang tumatakip na sa salamin.
"Malabo kasi ang mata ko." Binawi niya ang salamin niya at muling isinuot.
"Halos lahat sa atin dito ay malalabo ang mata dahil maghapon at magdamag babad sa computer. Pero ikaw lang ang nakasalamin. You could wear lenses. Sasamahan kitang bumili mamayang uwian," sabi ni Ginger na nagkusa pa.
"Naku, hindi na! Baka maabala ka pa," nahihiyang tanggi ni Aether.
"No, that's fine. If I'm not mistaken, taga-Ayala, Alabang ka? Taga-Better Living lang ako. Puwede kitang samahan." Narinig ko ang pagtikhim ni Luther.
"Sigurado ka? Ako na lang ang pupuntang Parañaque para hindi hassle sa’yo."
"Hindi na. Sa Festival mall na lang tayo magkita. May bibilhin din ako roon," Ginger said at naiilang na ngumiti si Aether.
"Okay." Pagsuko na lamang niya. Nilingon ko si Emerald nang sipain niya ako mula sa ilalim ng mesa. Pinandilatan niya ako ng mata at hindi makapaniwala sa ginagawa ko.
What? Halata bang nakikinig ako sa usapan nila?
Ibinaling ko ang atensyon ko sa pagkain ko. Hindi ko na masyadong naintindihan ang usapan nila pero natapos iyon nang kuhanin ni Aether ang numero ni Ginger. Tumayo si Ginger at lumapit sa ibang taga-21st na nasa division niya.
—