Chapter 1
Keitlyn's POV
Naghikab ako at tinanaw ang kalakhang Maynila mula rito sa 34th floor ng condo unit ko. Isang linggo na lang at pasukan na. Sobrang boring ng hapon kong ’to kaya kinuha ko na lang ang winged bike ko at binuksan ang balcony ng unit ko. I hop in at pinalipad ito papunta sa pinakamalapit na mall.
Sa isang coffee shop ko naisipang tumambay. I get my iPad at kumonekta kay Emerald.
"Zup!" bungad niya sa akin habang may inaayos sa kanyang time machine.
"Anong nangyari diyan? May sira ba?" tanong ko. Kung nagkataon nga na may sira ang time machine niya ay sigurado ako na maghahabol siya ng oras sa pagkumpuni niyan dahil nalalapit na ang pasukan. Umiling siya at pinunasan ang kanyang noo bago sandali na sumulyap sa akin.
"New design lang. Mula unang taon natin sa Weigand ay ganito na ang design ng time machine ko. Para maiba naman," sabi niya. Mabuti naman at wala siyang problema. At mas lalong mabuti na naisipan niya iyong gawin.
"Sabi ko naman kasi sa’yo, ’di ba? Mas okay kung every school year ay iba-iba ang design ng time machine natin," gano’n kasi ang ginagawa ko. Kada taon ay ini-innovate ko ang design ng tanong ko. "Can I come over?" mayamaya ay tanong ko.
"Yea, sure!" Inubos ko lang ang kape at chocolate cake na in-order ko at dumiretso na ako kina Emerald. Pinatuloy niya ako sa kanyang kuwarto kung nasaan ang kanyang time machine. Nasa loob iyon ng kanyang walk-in closet. Ang time machine ko ay sa walk-in closet ko rin nakatago.
"Nabasa mo na ’yung newest blog?" tanong niya. Naupo siya sa couch at ako naman ang pumwesto sa kama niya.
"Hindi pa. Anong mayro'n?" I asked.
"May kapalit na si Timothy," she announces.
"Timothy? From the 21st century?" Simula first year college ay sa Weigand na ako nag-aaral. At incoming third year na kami ni Emerald. We're both weigands from 22nd century. Weigand means warrior. At ang Weigand na pinapasukan namin ay ang pinakamalaking eskwelahan sa 30th century.
"Yea..." She gets her laptop at chineck ang blog. "Aether Alonzo, 20 years of age, former student of Terra University." Napataas ang kilay ko sa huli niyang sinabi.
"Terra? He must be a monster," natatawang komento ko. Well, nakatayo pa rin ngayon ang Terra. At isa ito sa pinakamatandang eskwelahan ngayong 2120. Ang balita ko pa ay nakatayo na ang Terra noong 20th century pa lang. Naging worst lang ang university na ’yon pagpasok ng 21st century dahil sa pag-uugali ng mga estudyante.
Hanggang ngayong 22nd century ay ganoon pa rin ang image ng Terra. Tapunan ng mga estudyante na walang patutunguhan sa buhay. So I conclude na ganoong klase ng estudyante ang bagong weigand. Patapon! Psh.
"But we all know na hindi ka basta-basta makakatanggap ng email from Weigand kung normal na estudyante ka lang," sambit ni Emerald at napaisip ako. Well, how did we end up studying in Weigand?
Libangan namin ang mag-imbento ng kung anu-ano. Robots, gadgets and even time machine. Until we both received an email from Weigand. We filled out the form. Akala namin ay prank lang. But then it was real. At ’yung time machine na ginawa namin ang nagsilbi naming portal papasok ng Weigand.
Magandang eskwelahan ba ang Weigand?
Para sa mga taong ang hanap ay thrill at adventure, it is. Missions, stunts, dangers. Well then, good luck sa bagong weigand. Galing siya ng Terra kaya siguro naman ay hindi na bago sa kanya ang mga bagay na maaari niyang maranasan sa Weigand.
"I have an idea, Em!" sabi ko at napatayo pa ako sa sobrang excitement sa naiisip ko na gawin.
"And what is it?" she asked, bored.
"The only way to know kung anong klaseng estudyante siya is to pay him a visit!" sabi ko at napakunot ang noo niya.
"Ow-kay! But why are you so interested with the newbie, Keitlyn?" tanong niya at nagkibit balikat ako.
"Em, tayo ang huling bagong Weigands. Hindi ka ba na-e-excite ngayong may mas bago na sa atin matapos ang dalawang school year?" I said at bigla siyang na-excite.
"Oo nga, ’no? So, ano? Tara?"
"Tara!" Time machine niya ang gagamitin namin kaya pumasok na kami sa kanyang walk-in closet.
"Aether Alonzo's time machine," sabi niya sa computer at nag-calculate ang computer sa kanyang time machine.
"Portal not found..." Sagot ng machine at nagkatinginan kami.
"Baka hindi pa naka-program ang time machine niya na magsisilbi niyang portal," I said. Dapat sa mga ganitong araw ayos na ang lahat sa portal niya.
"Okay, then. 21st century main portal," sabi na lang niya at nag-recalculate ang machine. Magkaiba ang own portal sa main portal. Ginagamit ang main portal kapag wala kang ibang portal na madaraanan. Mayamaya lang ay bumababa na kami na parang nasa isang elevator.
"21st century main portal..." The machine informed us at bumukas ang pinto. Lumabas na kami roon at nanibago sa paligid. Hindi ako matigil sa kakalinga-linga at sa pagtingala.
"This is so... makaluma!" sabi ko. Puro land ang transpo rito. Wala akong nakikitang winged bike.
"Ito pa lang kasi siguro ang mayro'n sila, Keitlyn. Mas advance ’yung sa atin. 2021 pa lang dito sa 21st century. Sa atin ay 2121 na." Kibit-balikat niyang sabi na naglilibot din ng paningin.
Never pa akong nagkaroon ng mission sa century na mas mababa sa century ko. I only had two missions outside Weigand. 24th and 26th century. Bawal din naman kaming mag-explore sa iba't ibang century. Nakapunta lang kami rito as our incentive sa last mission namin ni Emerald as a duo. Tag-isang access kami sa anumang century ang gusto naming puntahan. At ngayon nga namin ginamit.
Hindi pa man kami nakakaalis sa lugar na ’to ay may lumapit na sa amin.
"Luther, Ginger!" bati sa kanila ni Emerald at tinanguan ko lang sila.
"We got a notification na bumukas ’yung 21st century main portal. Ginagamit ninyo ang incentives ninyo?" tanong ni Ginger.
"Yea," I said.
"We're glad na dito ninyo ginamit sa 21st," sabi ni Luther. Luther and Ginger are weigands from here, 21st century. Ahead sa amin si Luther dahil fourth year college na siya. If I'm not mistaken, 21st century has twelve weigands.
"Saan dito ’yung Ayala, Alabang?" Napataas ang kilay ni Ginger at nakuha agad niya ang pakay namin dito.
"Nabasa na ninyo ang blog? You're here for the newbie?" she asked.
"Check lang namin," sabi ni Emerald.
"Gusto sana naming sumama. Kaya lang ay may sarili rin kaming lakad ni Ginger. We just checked the portal dahil baka intruders ang gumamit. Ginger is in a hurry so kailangan na niyang mauna. But me, I can drop you there first. Kaya lang ay hanggang sa gate lang ng village," sabi ni Luther.
Nauna na si Ginger at si Luther naman ay sinamahan kami sa village. Buti na lang at tagarito rin si Luther kaya pinapasok kami ng guard. Nagpaalam na rin siya at umalis nang nasa loob na kami ng village.
"Tara na!" yaya ko kay Emerald at tinahak ang daan papunta sa exact address ng newbie.
Kumpara sa ibang mga bahay na nadaanan namin kanina bago makarating dito sa mismong village, mas malalaki at matataas ang mga bahay sa village na ’to. Namataan na namin ang exact location ng bahay niya at nag-doorbell na ako.
"Harapin niya kaya tayo, Keitlyn?" tanong ni Emerald at nagkibit balikat lang ako. Siguro naman. Kapag sinabi namin na taga-Weigand kami, siguro ay haharapin niya kami. I mean, hindi ba siya curious? He'd think na masasagot namin ang mga tanong niya kaya posible talaga na harapin niya kami.
"Sino po sila?" tanong ng guard na nagbukas ng pedestrian gate.
"Nariyan po ba si Aether?" tanong ko.
"Sino po ba sila?" tanong muli ng guard.
"Pakisabi po galing kami ng Weigand!" inip na sabi ni Emerald. Kinuha ng guard ang telepono at itinatawag na yata sa loob ang pagdating namin. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap niya sa kabilang linya ay muli niya kaming hinarap.
"Palabas na raw si sir Aether," he informs us at nagkatinginan kami ni Em at napangisi. I told you, he's curious.
Ilang minuto pa ang lumipas at may lalaking lumabas mula sa gate. He's probably around our age. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He's wearing khaki shorts, puting sando at tsinelas. g**o-g**o ang buhok at may makapal na salamin. Mukhang bagong gising.
Nilingon niya ang loob ng kanilang gate para marahil i-check kung may makakarinig ba sa amin. Nang masigurong clear ang area ay isinarado niya iyon at hinarap kami.
"Taga-Weigand kayo?" mahina niyang tanong sa amin.
"You're Aether?" nakangiwing tanong ko. Hindi ito ang ini-expect kong Aether. I thought he would look dangerous and perilous. But he looks so... harmless.
"Yea?" Kunot-noo niyang sabi.
"Won't you let us in?" tanong ni Emerald at mukha namang natauhan si Aether. Pinagbuksan niya kami ng gate at iginiya sa loob ng kanilang bahay. Malaki ang bahay nila kung ikukumpara sa mga bahay na nadaanan namin. Pero ang ganitong bahay ay pag-aari lang ng mga average people sa 22nd century. But since it's 21st, siguro ay nakakaangat sila sa buhay.
"Drinks?" he offers nang sa kusina niya kami dinala.
"Brewed, please." Nagsalin siya ng kape mula sa kettle at inilapag sa tapat namin ni Emerald. Tumikim ako sa tasa at iba pala ang lasa ng kape nila sa kape namin. Pero masarap din naman.
"Bakit hindi pa naka-program ’yung portal mo?" tanong ko nang umupo na siya sa harapan namin.
"Portal?" inosente niyang tanong.
"’Yung time machine mo," sabi ni Emerald. "Hindi mo nabasa ang instructions para makapasok ng Weigand?"
"Hindi. Hindi na ako muling nagbasa ng emails from Weigand. I'm so clueless," naguguluhan niyang sabi. Napabuga ako nang malakas dahil sa sinabi niya.
"You're clueless pala, e ’di mas dapat mong basahin ang mga email ng Weigand. Isang linggo na lang pasukan na. Dapat ma-program mo na ’yung portal mo. Nasaan ba ang time machine mo?" I asked.
"Nasa kuwarto ko. Puwede bang bawiin ang enrollment do’n?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Hindi," sabay naming sabi ni Em at napanguso siya.
"Saan ba kayo galing?" tanong na lang niya.
"Twenty-second century," kaswal kong sabi at nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat.
"T-twenty second? C-century?" nauutal niyang sabi. "No way!"
"Yes way!" I smirked. "Can we see your time machine? We'll offer you a help," sabi ko. Matagal bago siya nakasagot. Sinuri at binasa niya muna ang kabuuan namin ni Emerald. Hanggang sa yayain niya kami sa kanyang kuwarto.
Nang makita ko ang time machine niya ay batid kong patapos na rin ito. Paano pala kung hindi namin siya pinuntahan? Hindi siya makakapasok ng Weigand? Kung sino man ang hindi makaka-attend sa unang araw ng klase ay may karampatang parusa.
Kami na ni Emerald ang tumapos sa kanyang time machine. Hindi naman na kami nahirapan dahil basic na lang ito sa amin. Ipinuwesto namin ang machine sa loob ng kanyang closet.
"Okay na ’yan?" tanong niya at tumango ako.
"Where's your laptop?"
"Sheldon, laptop please!" eabi niya at may lumapit na 3-feet tall robot na may hawak ng kanyang laptop at dinampot niya iyon. Umalis na ang robot palabas ng kanyang kuwarto. Iniabot niya sa akin ang laptop.
"Invention mo ’yon?" I asked at tumango siya. He's capable of inventing things. Hindi na nakapagtatakang nakatanggap siya ng enrollment form mula sa Weigand. Kaya siya ang napiling kapalit ni Timothy.
May sinet up ako sa laptop niya at nag-appear ang isang access card. Mula sa pagiging holographic image, unti-unting naging solid at totoo ang card na ’yon at iniabot ko sa kanya.
"You'll be needing that sa dismissal. Just swipe that at paglabas mo sa portal ng 21st century, diyan sa time machine ang diretso mo." Tumango siya at mukha namang naintindihan ang sinabi ko.
"Anong mayro'n sa Weigand?" mayamaya ay seryoso niyang tanong.
"Missions?" Kibit-balikat kong sagot. Because for me, Weigand is just all about missions. Nilingon ko si Emerald na prenteng nakaupo sa couch. "Uwi na tayo," yaya ko at tumayo na siya.
"You won't take the door?" tanong ni Aether nang naglakad ako pabalik sa closet niya.
"We can use your portal naman. Mauna ka na, Emerald," I said. Pumasok si Em sa time machine. At noong naihatid na siya sa kanyang sariling time machine ay ako naman ang pumasok sa time machine ni Aether.
Nag-swipe ako sa computer ng sarili kong access card at tumaas na ako na tila nasa elevator. Nang pagbukas ng pinto ay nasa kuwarto ko na ako. Tumalon agad ako sa kama ko. Lumapit sa akin si Betty at hinainan ako ng kape.
"Thanks, Betty!" I said.
"Betty... Happy... To serve..." sabi niya at lumabas na ang robot kong kaibigan. I get the remote control at pinatay ang chandelier.
"Let me see stars!" Kumumpas ako at nagliwanag muli ang kisami ng kuwarto ko dahil naman sa 3D dark night sky na nasa kisami ko na mayroong kumikinang na mga bituin. This is my favorite part of my room. Pinindot ko ang ‘float’ button sa headboard ng kama ko at umangat ito malapit sa kisami. Parang ang lapit-lapit ko tuloy sa mga bituin.
And just like the old time, I fell asleep in this scenery above.
—