Chapter 12
Keitlyn's POV
Dahil na rin sa naging maayos ang lahat bago ako natulog ay naging masarap ang himbing ko. Nagising na lang ako sa alarm ng cellphone ko. Kahit na mukha naman akong nakakumpleto ng oras ng tulog, pakiramdam ko ay bitin pa rin ako. Pero sayang naman ang gising ko nang maaga kung hindi pa ako babangon. Kailangan ko rin kasi talagang pumasok nang maaga dahil baka mamaya ay maunahan ako ni Aether. Ngayon ang unang araw na gagamitin niya ang kanyang flying vehicle at gusto ko sanang masaksihan iyon. Mukha namang sucessful iyon pero hindi rin kasi masaabi ang aksidente kaya kailangan ng aalalay sa kanya.
Kaya kahit na tamad na tamad pa akong bumangon ay wala na rin akong nagawa pa kundi ang tumayo na dahil baka maunahan pa ako ni Aether. Mabuti na lang din at hindi ganoon ka-aga kung pumasok si Aether kaya alam ko na agahan ko lang ng kaunti sa normal na pasok ko ay mauunahan ko na siya. Malapit sa kanilang ranger ko na lang siguro siya hihintayin para sigurado na hindi ko siya makakaligtaan na pumasok.
Nagmadali na ako sa ginawa kong pagligo. Maging sa pagkain ay nagmadali na rin ako. Hindi naman pwede na bagalan ko ang kilos ko. Dahil nga sa labis kong pagmamadali ay mabilis lang akong natapos at handa na agad ako sa pagpasok. Hindi naman na ako nagsayang pa ng oras sa unit ko at pumasok na ako.
Hindi ako makapaniwala na nasasabi ko nang pagsasayang lang ng oras ang pag-stay ko sa bahay. I used to think that going to Weigand is just waste of time. Pero ngayon ay parang baliktad na. And I think I already know why. Kasi alam ko na mas makakasama ko si Aether sa lugar na iyon.
Nang marating ko ang Weigand ay agad akong naghanap ng maganda-gandang pwesto para sigurado na makikita ko agad ang pagdating ni Aether. Ilang sandali pa lang din naman ang naititigil ko rito ay nakita ko na umilaw na sa kanilang portal. At malakas ang kutob ko na si Aether na iyon dahil ganitong oras din talaga ang kalimitan niyang pasok. Nang lumabas ang nasa portal ay hindi nga ako nagkamali dahil si Aether na nga iyon. Kaya agad na rin akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Pinanood ko na muna ang paglalakd ni Aether papunta sa ranger para lalapitan ko na lang siya paglagpas niya roon.
Ngunit hindi pa man din ako nakakapagsimula sa paghakbang ko ay hindi na agad ay nahinto na ako sa plano ko dahil huminto rin si Aether malapit sa ranger na tila ba may hinihintay. He is looking at the 21st century portal kaya alam ko na may hinihintay siya roon. Umilaw ito kaya alam ko na may papasok ulit na mula roon. Alam iyon ni Aether at mukhang may usapan sila ng hinihintay niya.
At mukhang alam ko na agad kung sino iyon. Sana lang ay nagkakamali ako sa hinala ko pero malakas ang kutob ko na si Ginger nga ang hinihintay niya. At ngayon pa lang ay marami nang tanong ang naglalaro sa utak ko. Tulad na lamang sa kung bakit kailangan nilang maghitayan dito? At paano sila nagkaroon ng usapan? Did they message each other? Hindi iyon imposible dahil nasa iisang century lang naman din sila. Hindi tulad namin ni Aether na malabong magkaroon ng contact sa isa't isa dahil nasa magkaibang panahon kami.
Nang niluwa ng portal ang lalabas ay hindi nga ako nagkamali ng hinala. Inasahan ko na rin naman ito pero hindi ko pa rin maiwasan ang pagbagsak ng aking mga balikat. Hindi ko alam pero parang gusto ko na lang tumalikod at dumiretso na sa classroom namin. Pero naisip ko rin naman na sayang ang agad at tiyaga ko sa paghihintay kay Aether kung hindi ko man lang siya lalapitan.
Kaya habang naghihintay siya kay Ginger sa may ranger ay minabuti ko na rin ang lapitan siya. Binilisan ko na lang ang paghakbang ko para magawa kong mas mauna na makalapit sa kanya.
"Aether..." Mabuti na lang at mabilis kong nakuha ang atensyon ni Aether dahil agad niya rin naman akong nilingon. Napakunot ang noo niya habang pinapanood niya ako na humahakbang palapit sa kanya.
"Kanina ka pa riyan?" tanong ni Aether. Siguro ay nagtatakha siya na bigla na lamang akong sumulpot dito gayong wala pa namang pumapasok mula sa portal ng century namin mula nang dumating siya.
"Hindi naman. Nauna lang siguro ako sa iyo nang ilang minuto," sabi ko at iyon naman ang totoo. Bagaman hinihintay ko siya ay halos kadarating ko lang din naman talaga. Mabuti na lamang at iyon ang naging tanong niya. Dahil kung ang tanong niya ay kung may hinihintay ba ako, wala akong ibang magagawa kundi ang umamin. At baka malaman din niya na siya talaga ang hinihintay ko.
"Bakit hindi ka pa pumasok?" tanong niya at hindi agad ako nakasagot. Akala ko ay madali lang aminin sa kanya na hinihintay ko siya ngunit ngayon na nagtatanong na siya ay nahihirapan naman na akong sumagot. But I know I have to answer his question. At wala rin naman akong nakikitang masama kung sasabihin ko sa kanya na hinihintay ko siya para tingnan kung naging maayos ba ang flying vehicle na gawa niya. Isa kasi ako sa tumulong sa kanya na gumawa at bumuo nu'n kaya maiintindihan niya naman siguro kung makaramdam ako ng excitement sa naging resulta ng ginawa namin. Wala naman sigurong masama kung makikita ko siya na susubukan iyon.
"I was actually waiting for you," sambit ko at napakunot ang noo niya. Alam ko na nagtatakha siya kung bakit ko siya hinihintay gayong wala naman kaming usapan.
"And why you're actually waiting for me?" taas kilay pa nitong tanong na halatang nagsusungit. Ngunit halata naman na pabiro lang ang pagsusungit niyang iyon sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong niya ay nabaling na ang atensyon ko sa babaeng tumabi sa kanya. Pinigilan ko ang pagtaas ng kilas ko sa ginawang iyon ni Ginger. Ngunit nang makita ko ang pagkapit ng kamay niya sa braso ni Aether ay doon ko na hindi napigilan ang sarili ko sa pagtaas ng kilay. Ginawa niya iyon nang tila ba nagtatanong kung ano ang kailangan ko kay Aether.
Ayoko na sanang patulan ang batang ito pero sino ba siya sa inaakala niya? Bakit daig pa niya ang binabantayan si Aether. Kay Aether ako may kailangan at hindi sa kanya.
"Yes, Keitlyn?" tanong niya. I scoff a little at sa totoo lang ay wala na akong pakialam kahit pa nahalata niya iyon. Wala rin naman akong plano na pakisamahan siya.
"Sorry, Ginger, but si Aether kasi ang sadya ko," sabi ko at napataas din ang kilay niya. At hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkainsulto dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Hindi man lang siya nagdalawang isip na tingnan ako mula ulo hanggang paa. Bigla ko tuloy naalala ang last mission na mayroon din siyang kinalaman. Most hated weigand? Bakit nga ba natagalan pa ako sa pag-iisip kung sino ang tinutukoy na most hated weigand. Now I understand why. She knows I'm older than her pero ganito siya kung kumilos.
O baka naman dahil tulad ni Aether, she thinks that she's one of our ancestors at ang tingin niya sa amin ay mga bata. Mukha ngang parehas sila ng mindset ni Aether. Pero ano ba ang gusto niyang itawag ko sa kanya? Ate Ginger? Kahit mas matanda ako sa kanya rito sa Weigand?
Mukhang nahalata naman ni Aether ang namumuong tensyon sa amin ni Ginger kaya napatikhim siya. Agad niyang hinarap si Ginger at nginitian ito. At hindi ko alam kung para saan ang ngiti niyang iyon. Hinanda ko ang aking pandinig dahil alam ko na may sasabihin siya sa kanya.
"Malapit nang magsimula ang klase. Sa cafeteria mo na lang siguro sabihin sa akin ang dapat sana ay sasabihin mo ngayon. I will see you on lunch," sabi sa kanya ni Aether at hindi naman nakitaan ng pagtutol si Ginger doon. Bagkus ay nginitian niya ito at marahan na tumango. Kung gayon ay hindi sila magkikita rito para makita rin sana ni Ginger ang unang subok ni Aether sa kanyang sasakyan. Nagpaalam na sa kanya si Ginger at sinabi na sa cafeteria na nga lang sila ulit magkita mamayang lunch break. Ngunit bago siya tuluyang umalis ay muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
Pasalamat siya at hindi ako mapagpatol sa ganoong klase ng attitude. The first and only time I confronted her as noong may kinalaman sa mission ko. At hindi ko naman akalain na ganoon pala talaga siya ka-attitude dahil sa totoo lang ay wala naman akong pakialam sa mga usap-usapan tungkol sa kanya o kahit na tungkol kanino. And I confronted her because it was a matter of life and death. At hindi lang isa o dalawang estudyante ang maaaring mamatay noon. Marami sila.
Naiwan kaming nakatayo ni Aether habang pinapanood na makalayo si Ginger. Kung hindi pala iyon ang dahilan ng pagkikita nila rito ay may iba pa pala. Pero hindi ko na muna siguro iisipin pa kung ano ang posibleng sasabihin ni Ginger. Hindi ko naman pwede na itanong kay Aether dahil sigurado ako na wala rin siyang alam dahil nga sa hindi pa iyon nasasabi sa kanya ni Ginger. My only concern now is the outcome of Aether's vehicle. Successful man iyon o hindi ay gusto ko iyong masaksihan. Nang tuluyan na ngang makalayo sa amin si Ginger ay saka lang ako muling hinarap ni Aether.
"So, why you're actually waiting for me?" inulit lang niya ang tanong niya kanina ngunit sa mas masungit na paraan. But sorry to tell him, hindi na uubra sa akin ang pagsusungit-sungitan niya. Sa ngayon, alam ko na kung kailan siya nagbibiro at kung kailan naman siya seryoso.
"I want to see you try your vehicle." Napataas ang kilay niya at halatang hindi niya ini-expect ang sasabihin kong iyon. May mali ba sa sinabi ko?
"And why is that?" takhang tanong niya. Is he dumb? Paano ba siya nakapasok sa Weigand? Kailangan ba lahat ng bagay ay ipaliwanag sa kanya? Can't he understand things all by himself? Pero dahil mukhang wala ngang idea si Aether kung bakit, sa tingin ko ay kailangan ko pa ngang ipaliwanag sa kanya ang lahat.
"Of course, Aether. May amabg rin naman ako kahit papaano sa sasakyan mo. So I think sapat nang dahilan 'yon para ma-curious sa outcome," sabi ko at napangiwi siya.
"Don't you trust my invention?" He sounded hurt fakely at ako naman ang napangiwi. Pero agad rin naman siyang natawa kaya natawa na rin ako. " Seriously though, you literally waited for me just to witness it." Natatawa siya habang tumatango-tango at hindi ko alam kung ako ba ang pinagtatawanan niya.
"Yes. Ginger helped you too, right? Pero bakit hindi ka man lang niya yata titingnan na subukan ang invention mo?" tanong ko dahil na rin sa pagtatakha. I remember him with Ginger at the robotics lab para samahan siya sa paggawa ng sasakyan niya.
"Well, maybe because she didn't help me at all." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. At sa pagkakataon na ito ay ako naman ang hindi makaintindi sa sinabi niya.
"What do you mean? She was with you at the robotics lab," sabi ko dahil iyon naman talaga ang pagkakaalam ko.
"Yes. But she didn't help me with it. Ako lang ang gumawa. She was with her phone the whole time we were at the laboratory," sabi ni Aether at hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagkibit balikat siya bago nagpatuloy sa kanyang pagsasalita. "Basically, you were the only one who helped me. And I'm glad you're concern with the outcome too," sabi ni Aether at muli siyang ngumit. Of course, again, I smile back at him.
"Of course, Aether." Kahit papaano ay nagsalita ako. Masaya ako na na-appreciate niya ang mga tulong ko sa kanya. At maging ang kagustuhan ko na ma-witness ang pagsakay niya roon sa unang pagkakataon ay na-appreciate niya. He is very appreciative. Maliit man o malaking bagay ang gawin mo para sa kanya ay makikita niya.