Chapter 13

1039 Words
Chapter 13 Keitlyn's POV Aether tells me everything about it as if it is not big of a deal. Para bang wala siyang pakialam na hindi man lang siya tinulungan ni Ginger sa ginagawa niyang sasakyan. At mukha naman talagang hindi siya apektado dahil hindi ko iyon nahalata. All this time, ang buong akala ko ay malaki ang naitulong ni Ginger kay Aether that is why he is being nice to her. Well, siguro nga ay may naitulong si Ginger kay Aether dahil hindi naman niya masisimulan ang paggagawa kung hindi siya sinamahan ni Ginger sa robotics lab na isa sa pinakamataas na palapag. Kung hindi siya sinamahan doon ni Ginger ay hindi niya iyon masisimulan. But then again, samahan man siya ni Ginger o hindi ay masisimulan naman iyon ni Aether. Dahil kung hindi man siya samahan ni Ginger ay ako ang sasama at maghahatid sa kanya sa robotics lab. At siguro ay alam ni Aether na masisimulan naman niya iyon that time, a way or another. This is just a proof that he doesn't need that brat. Aether can survive this with or without her. Hindi rin naman kasi namin alam kung ano nga ba ang tunay na motibo ni Ginger kung bakit siya dikit nang dikit kay Aether. Well, aside from the fact na mukhang interesado siya sa kanya. "So what now, Aether? Are you ready to try your newly invented flying vehicle?" I squealed for him to feel the same excitement I am feeling right now. Nakakahiya naman kung magmumukha pa akong excited sa kanya. At kaya ko siya chini-cheer ay alam ko naman na hindi siya makakaramdam ng purong excitement dahil hindi maiiwasan ang kaba o hindi naman kaya ay pag-aalinlangan kung nagtagumpay ba siya sa kanyang imbensyon. Pero malaki naman ang tiwala ko sa kanya kaya alam ko na successful ang ginawa niya na kanya talagang pinaghirapan at pinagpuyatan. Kaya alam ko na successful iyon. Ngunit kung wala talaga dahil hindi naman maiiwasan sa lahat ng bagay ang aberya ay aalalayan ko naman siya. Willing din naman akong tulungan siya na alamin kung ano pa nga ba ang mga kulang sa gawa niya. Dahil sa excitement na pinakita ko ay natawa si Aether. Hindi ko tuloy alam kung ano nga ba ang naging hitsura ko noon para matawa siya. Sana lang ay hindi ang hitsura ko ang pinagtatawanan niya. Ngunit dahil na rin sa ginawa kong iyon ay nabawasan kahit papaano ang pag-aalinlangan at pagdududa sa gawa niya. And I think, sa lahat ng gagawin natin sa buhay, kailangan natin ng kahit na isang maniniwala na magtatagumpay tayo. Dahil kung minsan, hindi talaga maiiwasan ang pagdududa sa sarili. Natatawang tumango si Aether bilang sagot sa naging tanong ko. "I think I'm ready. But I was just thinking about one thing," seryosong sabi ni Aether kaya napakunot ang noo ko. He is ready pero may kung ano pa siyang iniisip. At ano naman kaya ang maaari pang bumabagabag sa isip niya para hindi tuluyang mapanatag ang loob niya. "Ano naman ang nasa isip mo, Aether?" tanong ko at napabuntong hininga naman siya. "What if I did not succeed? Not that I don't trust my capability but the possibility of me falling is still no joke," sabi niya at hindi ko naman siya masisisi kung may negative thoughts man siya ng tulad ng mga iyon. Sa tingin ko ay parehas na parehas kami ng nararamdaman dahil ganito rin ako noong unang beses na sinubukan ko ang imbensyon ko. Wala akong pinanghawakan noon kundi ang tiwala ko sa aking sarili. At kahit na malaki ang kaba ko na baka nga aksidente lang ang kahantungan ko ay hindi naman ako nabigo nang kabaliktaran ang nangyari. Unang subok pa lang ay naging matagumpay na ako. And I think all he needs is to trust himself. Walang mangyayari sa mga pinaghirapan niya kung hindi siya magtitiwala sa kanyang sarili. Maaaring pagdudahan siya ng lahat pero hindi dapat ng sarili niya. Kaya bago pa man tuluyan nang panghinaan ng loob si Aether ay kinuha ko na ang smart key ng scooter ko at pinakita iyon kay Aether. Napakunot naman ang noo niya dahil sa pagtatakha sa kung ano na naman ang kinikilosko. "I got your back," sabi ko at unti-unti namang nawala ang pagkakakunot ng noo niya nang mag-sink in sa kanya ang ibig kong sabihin. Ang pagkakakunot ng kanyang noo ay napalitan ng isang ngiti. Kaya ngayon pa lang ay alam ko nang naiintindihan na niya ang ibig kong sabihin. Nagkibit balikat siya at nilabas na rin naman niya ang smart key ng skateboard niya. Pag pindot niya roon ay agad namang nag-assemble ang kanyang sasakyan. And I can't help but be amazed sa sasakyan niya. Alam ko naman na hindi ganoon katagal ang panahon na ginugol ni Aether para sa sasaknyan niyang ito pero tila ba sobrang pulido ang pagkakagawa niya roon. Parang pinagtuunan ng pansin ang bawat detalye at bawat disenyo ng sasakyan ni Aether. At kung ang disenyo nga ay nagawa niya nang ganito ka-pulido, paano pa kaya ang quality nito? Sigurado ako na hindi naman iyon pababayaan ni Aether lalo pa at alam niya na maaari niya iyong ikapahamak. Sumakay si Aether sa kanyang skateboard at mabilis naman siyang nakakuha ng balanse. Pumindot naman na rin ako sa smart key at sumakay sa aking scooter. Hindi ko siya susundan sa itaas dahil ang plano ko ay tanawin na lamang siya rito sa baba. Ngunit kung mapapansin ko na nagkakaroon siya ng problema sa ere--na huwag naman sanang mangyari ay agad ko naman siyang pupuntahan sa ere para tulungan. Ngunit sa ngayon ay hahayaan ko siya mag-isa. Nagbaba ng tingin sa akin si Aether kaya tinanguan ko siya para sabihin na kayang-kaya niya ito. Naniniwala ako na magiging tagumpay ito para sa kanya. Tinanguan naman niya ako pabalik at nginitian. Tumingala si Aether at unti-unti na siyang umaangat mula sa rito. Nakatanaw lang naman ako sa kanya at sinisiguro ko na hindi ako malilingat sa panonood sa kanya. Baka kasi kapag may nakaagaw ng atensyon ko at sakto namang kinailangan ni Aether ang tulong ay baka mahuli ako ng dating. At ayoko naman iyong mangyari. Ayoko na ako pa ang maging dahilan ng pagkapahamak ni Aether.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD