Calista SIMULA NANG malaman ko na kasal na sina Mama at Tito Romeo ay lagi akong wala sa sarili. Hindi rin nakadagdag na halata namang gustong-gusto ni Tito si Penelope para sa anak niya. Ako? Nakikita niya lang ako bilang anak ni Mama pero hindi ang babaeng para kay Rage. Gaanoon pa man, sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko. Hangga’t ako ang pinipili ni Rage ay pipiliin ko rin siya. Hindi lang sigurado kung hanggang kailan namin kakayanin. Naging abala kami ni Rage dahil sa mga schedule namin. Bukod sa school ay madalas din siyang kasama ng kanyang ama. I can’t blame him since he’s the heir of the De Laurentis. “Bakit mukhang malungkot ka, Cali?” Napatingin ako kay Ced. Magkasama kami ngayon. Gusto kong makasama si Rage pero nabalitaan ko kay Mama na kasama ulit ng dad niya. Nito