KABANATA 44

2343 Words

Calista “I’M SURE magkakamabutihan ang dalawa when they spend the night together.” Ngumiti si Mama kay Tito dahil sa sinabi nito. Ramdam na ramdam ko ang pagkagusto ni Tito Romeo kay Penelope para sa anak. Gumawa pa siya ng paraan para lang maihatid ni Rage si Penelope. And they will spend the night together. “Malayo ang kina Penelope sa venue ng event. Hindi na para magmaneho pa si Rage papauwi. Let’s rest, too.” Pagharap nila sa akin napapitlag ako. Nagulat si Mama na makita ako. “Cali, gising ka pa pala. Akala ko ay kanina ka pa natutulog.” Lumapit sa akin si Mama. Pinilit ko ang aking sarili na ngumiti sa kanya kahit na para bang pinipiga ang puso ko. Bumabaliktad din ang sikmura ko at gusto kong masuka. “Naalimpungatan po ako, Ma.” Nakapag-isip pa rin naman ako ng idadahilan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD