Calista
NAIINIS AKO sa tuwing tinatawag niya akong baby sis. Can he stop calling me that?
Hindi naman masakit ang ulo ko kahit na marami akong nainom kagabi. Nakauwi rin ako ng ligtas kahit na akala mo ay nasa Formula 1 racing si Rage kung magmaneho sa sbrang bilis.
Hindi na ulit kami nag-usap matapos ang naging sagutan namin kagabi.
He told me he’s going to destroy me. Kung akala niya na hindi ko siya sisirain, ipapakain ko sa kanya ang mga sinabi niya. Kung hindi marunong magpatalo si Rage, hindi rin ko.
Rage may want to conquer and win everything, pero baka ipatikim ko sa kanya ang unang pagkatalo niya.
Bumangon na ako at kinuha ang cellphone ko. May mga messages akong hindi pa nababasa. Simula ata nang pumunta ako rito ay ngayon ko lang binuksan ang phone ko at naisipan na magbasa ng messages.
Mostly ay sa mga kaibigan ko galing ang mga mensahe. May dalawa akong kaibigan. Quality over quantity. Marami akong naging kaibigan noon, pero nang marinig ang isang balita tungkol sa akin na hindi naman totoo, mabilis din nila akong tinalikuran.
Kaya ngayon, sinusuri ko talaga ang isang tao.
Ni-reply-an ko ang mga kaibigan ko. Nangangamusta sila kung anong buhyay raw ang mayroon ako rito.
Napansin ko rin na nag-send ang isang nanliligaw sa akin ng mensahe pero hindi ko iyon sinagot.
Marami akong manliligaw at hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang isa sa kanila. Matapos mawala ni Papa, nawalan ako ng gana sa mga bagay-bagay.
Pumunta ako sa en-suite bathroom ng silid ko at naglinis. Lumabas din ako para makapagbihis.
Ngayon ko lang na-admire nang maayos ang silid. Noong unang dating ko kasi rito, abala ang isipan ko na kasuklaman ang mama ko dahil may iba na siyang lalaki sa buhay niya.
Maganda talaga ang kuwarto at para bang ginawa ito para sa akin. Kung tutuusin ay mahahalintulad ito sa dream room na gusto ko noon.
Huminga ako nang malalim. Kahit gaano ko kagusto na tanggapin ang relasyon ni Mama sa ibang lalak ay pakiramdam ko, tinatalikuran ko si Papa. He may not with us right now, but his memories still linger. Hindi ko kayang pakawalan siya at hayaan na lang na mapalitan ito sa buhay namin.
Lumabas ako ng kuwarto and I descend to the stairs. Nagugutom na ako kaya dumiretso ako sa kusina.
“Good morning po,” bati ko sa mga kasambahay na naabutan ko roon.
“Good morning, Cali. Halika at kumain ka na. Naroroon na si Rage sa dining area.”
Nang marinig ko ang pangalan ni Rage ay napangiwi agad ako.
Sumunod naman ako sa kasambahay at nakita ko nga si Rage na nag-aalmusal. Napatingin siya sa akin nang mapansin ako. Tinaasan ko ito ng kilay at inirapan.
“Salamat po,” sabi ko sa mga kasambahay na nag-asikaso sa akin.
“Siya nga pala, Cali. May pinadala sina Sir Romeo at Ma’am Camille para sa ‘yo. Hindi pa ata sila makakauwi ngayon.”
May ibinigay sa aking magandang box ang kasambahay. Kinuha ko ito habang nagtataka kung anong maaaring laman ng box.
Nagpasalamat muli ako at inilagay na muna sa gilid ang box. Magsisimula na sana akong kumain nang mapansin ko na nakatitig pa rin si Rage sa akin.
“Can you stop staring at me?” Nagtaas ako ng tingin sa kanya at sinalubong ang matalim na ekspresyon ng kanyang mga mata.
“Why? Does it make you uncomfortable?”
Aba at nagtanong pa!
“Yes, kaya pwede ba na huwag mo akong titigan? Thank you.”
Binalingan ko na ulit ang pinggan ko at magsisimula na sanang kumain nang marinig ko ang boses ni Rage.
Damn this guy! Wala atang plano na hayaan akong kumain nang tahimik.
“Why not open the box?” tanong niya sa akin.
Tamad ko siyang tiningnan. “Kakain muna ako—“
“Come on. Open it. Let’s see what my father has for you.”
Ayoko siyang sundin, pero may kung ano sa mga mata ni Rage na para bang kung hindi ko siya susundin ay mas lalo lamang niyang hindi patatahimikin ang buhay ko.
Tningnan ko ang box. What’s the harm of opening the box nang matahimik na siya.
Huminga ako nang malalim at kinuha ko ang box. I gently get rid of the ribbon and open the elegant box.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita na isang kwintas ang laman nito. Kinuha ko iyon at tinitigang mabuti.
“That’s a 24-carat gold.”
Napatingin ako kay Rage. Nanlalaki pa rin ang aking mga mata.
24 carats? Kahit na hindi naman kami dukha, alam ko na wala kaming extra na pera para bumili ng ganito on the spot. Like kailangan mo pa talagang pag-ipunan noon kung gusto mong makabili ng 18 carat na ginto!
“Wow…”
Hindi ko mapigilan na masabi ang mga salitang iyon. May maliliit din itong diamonds na ayoko na lang isipin ang presyo.
May letter iyong kasama kaya binasa ko.
Cali,
I hope you’ll like my gift. Thank you for joining your mother on her trip to Puerto Rivas. I hope we’ll get along soon.
Romeo De Laurentis.
This is a gift from Tito Romeo. Hindi ko akalain na bibigyan niya ako ng ganito kagandang bagay.
Napalagok ako.
“Aren’t you happy?”
Nakuha ni Rage ang aking atensyon. Naglaho ang kakarimpot na tuwa ko nang makita ko ang madilim na tingin ni Rage sa akin.
“What do you mean?” Dahan-dahang kumunot ang aking noo.
Sumandal si Rage sa backrest ng kanyang silya at mataman akong tiningnan.
“Hindi ba iyan ang gusto ninyo? You want all the luxury that the De Laurentis can offer, kaya nga nakipagrelasyon si Tita Camille sa aking ama at ngayon ay ayaw nang pakawalan. Does it feel good to get what you want—”
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Tumayo ako sa kinatatayuan ko at galit na hinarap si Rage. Hindi nagbago ang blangko niyang ekspresyon.
“Unang-una, Rage, huwag na huwag mong babastusin ang mama ko sa harapan ko. Wala kang karapatan. Pangalawa, wala akong hinihingi kay Tito Romeo. Kung tutuusin, ayoko ng kayamanan ninyo. Pangatlo, kahit hindi kami kasing yaman ninyo, hindi rin naman kami hampaslupa at gold diggers kagaya ng imahe na binibigay mo sa amin. Iyang yaman ninyo? Inyo na iyan. Isaksak mo sa baga mo dahil hindi ko ni minsan pinag-interesan ang pera na mayroon kayo.” Itinuon ko ang palad ko sa lamesa at tumingin kay Rage. “Bakit kaya hindi ikaw ang kumausap sa dad mo at ilayo siya sa mama ko? It’s a win-win for us, I guess. After all, ayoko naman mapabilang kami sa pamilya ninyo.” Mabigat ang aking naging paghinga matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. “Wala na akong ganang kumain.”
Umalis ako roon at napalitan ng galit at sama ng loob ang nararamdaman ko.
Hah! Lumabas din ang totoo. Gaano man ipakita ni Rage na wala siyang pakealam sa relasyon ng mga magulang namin, laalabas at lalabas pa rin ang tunay niyang nararamdaman.
Wala akong pakealam sa kung anong sabihin niya laban sa akin, ang hindi ko matatanggaap ay ang bastusin niya rin si Mama sa harapan ko.
He’s just like them. Iniisip niya na pera ang habol ni Mama sa dad niya. Siguro isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko kayang taanggapin ang relasyon nina Mama at Tito Romeo. Imahe lang namin ang nasisira.
Hindi na muna ako lumabas ng kuwarto. Kung makikita ko lang si Rage, no thanks na lang.
“Cali…” May kumatok sa pinto ng aking siilid. Pinagbuksan ko siya at nakita ko ang isa sa matandang kasambahay rito. “Hindi mo ginalaw ang pagkain mo kaya dinala ko na rito. Kumain ka muna. Masamang nagpapalipas ng gutom.”
Nilakihan ko ang awang ng pinto at ngumiti sa kanya. “Maraming salamat po, uhm…”
Hindi ko alam kung anong dapat kong itawag sa kanya.
“Esther ang pangalan ko, hija.”
Tumango ako “Manang Esther.”
“Sige na at kumain ka na.”
Inilagay ko sa isang table na nasa loob ng aking silid ang tray ng pagkain.
“Pagpasensyahan mo na si Rage, ah? Kung ano mang nasabi niya sa ‘yo kanina.”
Inilagay ni Manang ang box ng kwintas sa gilid ng lamesa ko. Napatitig ako at naalala ko ang lahat ng sinabi ni Rage sa akin kanina.
“Bakit po ba ang talas ng dila ng lalaking iyon? Noong una niya akong makita, muntikan niya na akong sagasaan.” Alam ko na sinasadya niyang gawin iyon. I don’t know why, maybe to scare me. Akala niya naman matatakot ako.
“Nako, pasensya ka na talaga sa alaga ko. Mabait naman si Rage. Baka nangangapa pa lang sa nangyayari ngayon.” Ngumiti sa akin si Manang Esther. “Pero panigurado na kapag napatunayan niya na sa sarili niya na mabuti kayong tao, magiging magaan din ang pakikitungo niya.”
Pilit na lamang akong ngumiti kay Manang Esther kahit na hindi naman ako kumbinsido sa sinabi niya. I doubt there’ll be a day na magiging mabait si Rage sa amin. Para ngang galit sa mundo ang lalaking iyon.
But I decided. Kakausapin ko si Mama na umalis na rito. Gusto ko nang bumalik sa Manila. Gusto ko nang umalis sa lugar na ito at hindi na makita pa si Rage kahit kailan.
Kaya nang malaman ko na nakauwi na sina Mama, agad akong dumiretso sa kanya. Mabuti na lang at mag-isa siyang nasa living room. Pero wala rin naman akong pakealam kung marinig kami ni Romeo. Hindi ko naman itinatago na ayoko sa relasyon nilang dalawa.
“Ma naman!” Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Sinabi ko sa kanya na gusto ko nang umuwi, na umalis na kami rito, ngunit ang sabi nito ay mag-stay pa kami and who knows if she still has plans to go back to Manila.
“Gusto ko nang umuwi ng Manila. Naroroon ang buhay ko.”
Tiningnan ako ni Mama. She’s wearing all the expensive jewelry na doble sa mga bagay na kaya niyang suotin noon. Sabi ko nga, hindi naman kami mahirap. My father can provide. Subalit ang buhay namin ay simple lamang.
Habang hinuhubad ni Mama ang kanyang hikaw, hindi ko mapigilang sundan iyon. Ang kanyang kwintas ay 24 carat gold, nakakasigurado ako. Ganoon din ang bracelet. May suot pa siyang diamond ring sa isang daliri na alam ko, it cost millions.
“Anak, kaya nga tayo naririto ay para makilala mo sina Romeo. Para makilala mo ang pamilya niya. Gusto kong makilala mo nang lubusan ito upang malaman mo kung anong nagustuhan ko sa kanya.” Pilit siyang ngumiti. “Para rin ito sa atin.”
Kumunot ang noo ko. “Nakilala ko na sila at ayokong mapabilang sa pamilyang ito, Ma.” Lumuhod ako sa harapan ni Mama at hinawakan ang kanyang kamay. Kung alam niya lang ang lumalabas sa bibig ng anak ni Romeo o hindi kaya ay ang iniisip nito sa amin, ganito pa rin kaya ang iisipin niya? “Gusto ko nang umuwi, Mama. Umuwi na tayo sa Manila.”
Bumagsak ang balikat ni Mama at tiningnan ako. Ang ngiting suot niya ay naglaho na.
“Cali, hindi na tayo uuwi sa Manila.” Huminga nang malalim si Mama. “Nagdesisyon ako na baka mas magandang manatili na tayo rito. Romeo offered us to stay here. Sabi niya ay mas maganda na rin na rito ka makapag-aral. May magandang unibersidad ang lugar at—”
“What?!”
Hindi ko napigilan ang aking sarili na magtaas ng boses. Hindi ko pinagtataasan ng boses ang mama ko dahil nirerespeto ko siya, but right now I am deeply confused.
Hindi sumagot si Mama pero sapat na ang tingin niya sa akin para masabi ko na hindi siya nagbibiro.
“Ma! Bakit ka nagdedesisyon na mag-isa? Bakit hindi mo man lang ako kinausap? Dito tayo titira, in a stranger’s house? Nasa Manila ang buhay ko, Ma!” Napatayo ako mula sa pagkakaluhod ko.
Sobra akong na-stress sa sinabi ng aking ina that I keep pacing back and forth.
“Cali, magsisimula tayo ng magandang buhay rito sa Puerto Rivas. Isa pa, hindi pa natin alam kung sino o bakit namatay ang papa mo. Kung pagnanakaw lang ba talaga ang sadya o may nakalaban siya kaya ito pinapatay. Anak, mas ligtas tayo rito. Paano kung maging target din tayo?” Marahang huminga si Mama at tinangka akong hawakan. “Isa pa, Romeo is not a stranger, Cali. He’s my lover and he’s going to be your father soon—”
“He’s a stranger to me, Ma. Hindi ko siya kilala at hindi ko kailangan ng panibagong ama!” My breathing is hitching ang my voice is becoming guttural. “Ayoko na rito! Gusto ko nang umalis dito. Ma, alam mo ba kung anong sinasabi ng ibang tao sa ‘yo? Kung anong tingin nila sa ‘yo dahil sa pakikipagrelasyon mo sa lalaking iyon? That you’re a gold-digging b—”
Isang malakas na lagitik ng sampal ang narinig ko sa lugar. It was too loud that my left ear is ringing. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ko ang sakit nito.
Tiningnan ko si Mama, hindi makapaniwala sa nangyari.
She slapped me.
Agad na lumapit si Romeo De Laurentis sa kanya. “Camille, tama na iyan.”
Napatakip si Mama sa kanyang labi nang mapagtanto ang nangyari habang ako ay nanginginig.
My mother never hurt me, pero ngayon…sinampal niya. I wasn’t even insulting her. Sinabi ko lang sa kanya kung anong sinasabi ng ibang tao sa kanya. Gusto ko siyang magising sa kahibangan na ‘to at pareho na kaming bumalik sa rati.
We don’t need someone else to fulfill my father’s space that he left when he died. Sapat na sa akin na kami lang ni Mama. Iyon lang naman ang gusto kong ipunto. Gusto kong iparating kay Mama na kontento na akong kaming dalawa lang sa buhay na mayroon kami. Hindi ako mapaghingi. I just want my mama to come back to me.
Pero mukhang hindi iyon ang gusto niyang mangyari.
“Calista, I’m sorry—” Tinangka akong hawakan ni Mama. I immediately flinched. Ang unang reaksyon ko ay sasaktan niya ulit ako.
Napatakip siyang muli sa kanyang bibig at inilayo siya ni Romeo sa akin. Tiningnan ko si Mama na para bang hindi ko siya makilala.
Gusto ko lang naman sabihin kay Mama ang nararamdaman ko. Kasi hindi ko na kaya na parating may naririnig na masasamang bagay at insulto sa kanya dahil lang may iba na siyang kinakasama, pero ang labas pa pala, ako ang mali.
Umatras ako at muli akong inabot ni Mama pero pinigilan na siya ni Romeo.
“Cali, bumalik ka muna sa kuwarto mo. Ako na ang bahala sa mama mo.”
Hindi ko pinansin si Romeo at tinalikuran sila. Umalis ako roon at imbis na sa kuwarto ako dumiretso ay lumabas ako ng bahay.
It’s not the slap that is hurting me right now, ang rason sa sampal ang nagbibigay pasakit sa akin.
Ayaw umalis ni Mama at iwanan si Romeo kahit iyon ang gusto ko. Parati akong pinipili ni Mama noon, pero ngayon, hindi niya iyon makayanang gawin.
Bago ako makalabas ng bahay, nahagip ng paningin ko si Rage. Inaasahan ko that he’s going to mock me after what he witnessed pero hindi. Rage look at me with a sympathetic look, na akala mo ay naawa siya sa akin at naiintindihan niya ako.
Iniwasan ko siya ng tingin. No, hindi niya ako naiintindihan. Dahil ang tanging taong nakakaintindi sa akin ay si Mama na lang, pero hindi na rin niya magawang intindihin ako.
Ang taong akala ko ay kasangga ko habang buhay, tinalikuran na rin ako at pinipili ang ibang pamilya.
Ako ba ang mali?
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang tumatakbo ako papaalis ng mansyon.
Papa, why did you leave us? Ngayon ay sira na ang pamilya natin. Pakiramdam ko ay wala na si Mama sa akin.
Hindi pa ako nakakawala sa trauma at pagluluksa ko sa pagkamatay ni Papa, at ngayon mukhang kailangan ko na ring tanggapin na hindi na ako kayang piliin ni Mama.
Tumigil ako sa dulo ng cliff. Sa ibaba nito ay ang nagwawalang alon ng karagatan.
I am all alone now.
Right when I was thinking I was alone, I heard someone’s voice I wasn’t expecting to hear.
“You’re nothing thinking of jumping off the cliff, do you? Come on, little kitten, aren’t you supposed to be stronger than that?”
Nanlaki ang aking mga mata. Nilingon ko siya at nakita ko si Rage. Anong ginagawa niya rito?