KABANATA 4

3313 Words
Calista NAUNANG pumasok si Rage sa loob ng bar. Sumunod din naman ako sa kanya. Nang papasok na ako sa loob, hinarangan agad ako ng bouncer. Nagtaas ako ng tingin sa dalawang lalaki. Ang tangkad nila at may malalaking pangangatawan. Matalas ang dila ko pero umurong ito dahil nakakatakot ang aura ng dalawa. “Excuse me, kasama po ako ni—” “Hindi ka pwede rito, Miss.” Pinagmasdan akong mabuti ng dalawang lalaki. “Exclusive party ito ni Sir Hades at mukhang hindi ka invited.” Kumunot ang noo ko. “Kasama ako ni Rage.” Humakbang ako papalapit sa may pinto subalit agad nila itong hinarangan. “May invitation ka? Kung may maipapakita kang invitation, papapasukin ka namin.” Sa isip ko, gusto ko na lang umuwi pero dahil hindi ko kabisado ang lugar at baka maligaw pa ako kaysa ang makarating sa bahay ng mga De Laurentis, hindi ko pinili ang option na iyon. “Wala akong invitation—” “She’s with me.” Napaigtad ako nang may umakbay sa akin. Nilingon ko siya at nakita ko ang isang lalaki. Amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango. Base rin sa ayos niya, halatang mula sa mayamang pamilya. “Sir Chaos,” bati ng dalawang bouncer. Tumingin silang dalawa sa akin bago magbigay ng daan para sa amin ng lalaki. Hanggang pagpasok ay nakaakbay sa akin ang lalaki. Marahan ko siyang itinulak nang makapasok na kami. Lumayo ako sa lalaki at hinarap siya. He’s still wearing this smug looking grin on his face. “Ganyan ba ang isusukli mo sa ‘kin matapos kong tulungan ka?” As much as I want to be nice to him, hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Nagsusumigaw ito ng kayabangan. “Thank you, then. Hindi mo naman ako kailangang akbayan pa.” Paalis na ako sa harapan niya at hahanapin si Rage. That guy! Bigla na lang akong iniwan kanina. Hindi man lang niya naisip na maaaring hindi ako kilala ng mga bouncer at hindi ako papasukin. Asshole. “Chaos!” Hindi man ako ang tinawag ay napatingin din ako dahi sa pamilyar na boses na iyon. And there I saw him, Rage De Laurentis. Mataman ko siyang tiningnan nang lumapit siya sa lalaking tumulong sa akin para makapasok ng bar. Sa kamay niya ay may hawak na siyang isang bote ng mamahaling alak. “Rage! Long time no see!” Nagbatian ang dalawa at nang mapunta sa akin ang atensyon ni Rage, naglaho ang saya sa mukha niya. “What are you doing here?” tanong ni Rage sa akin. “Well, iniisip mo ba na hindi ako makakapasok dahil iniwan mo ako sa labas? Tough s**t, De Laurentis, I have my ways.” I will never back down when it comes to Rage. Kahit gaano niya paulit-ulit na tangkaing patumbahin ako, wala sa bokabularyo ko ang magpatalo. I always win the argument. Kaya nga ang sabi sa akin ng mga kakilala ay mag-abogado rin ako. Parati raw akong may ipinaglalaban. “Hmm, interesting. Magkakilala kayo?” tanong ni Chaos. “She’s Camille’s daughter.” Tila ba alam na agad ni Chaos kung sino ako dahil sa pagbilog ng kanyang labi. Ngumisi siya sa akin. “So, you’re going to be Rage’s sister, then. Nice meeting you. I’m Chaos Van Aalsburg.” Hinawakan niya ang kamay ko at bago niya pa mailapit ang kanyang labi sa likod ng palad ko ay hinawakan na ni Rage ang mukha niya at inilayo iyon sa akin. “Calista,” pagpapakilala ko kay Chaos. Sinenyasan ako ni Chaos na sumama sa kanila kahit na masama akong tinitingnan ni Rage ngayon. I think Chaos is nice. Mayabang man at least marunong siyag makisama. Unlike Rage. Bago ko pa man malagpasan si Rage, hinawakan niya na ang aking braso. Hinila niya ako papalapit sa kanya at ang tagiliran ko ay tumama sa matigas niyang ddibdib. “Ano ba?!” Masama kong tiningnan si Rage. Kailan ko ba siya tiningnan nang hindi masama? “Don’t do anything funny. You’re carrying the De Laurentis’ name.” Hinaklit ko ang aking kamay mula sa kanya. “Hindi ako mahilig gumawa ng gulo. Baka ikaw pa. Dapat sa sarili mo sinasabi iyang mga salita mo para sa akin. And let me remind you, I am not a De Laurentis.” Inirapan ko si Rage at nagpunta kung saan ko nakita si Chaos. Nakita ko siya na binabati ang grupo ng mga lalaki at babae sa isang VIP couch. “f**k you, man. I told you to call me Chaos when I’m in Puerto Rivas,” sabi ni Chaos sa isang lalaki. “I will call you whatever I want, Russell. Hindi ba at iyan naman ang ginagamit mong name sa Manila? Bakit ayaw mong gamitin dito.” Hindi na pinatulan ni Chaos ang sinabing iyon ng isang lalaki. Itinaas niya ang middle finger niya bilang sagot. Agad na naupo si Chaos sa tabi ng isang lalaking kausap niya. Napansin ako ng kaibigan niya at tinanong kung sino ako. “Oh! That’s Calista. Siya iyong magiging stepsister ni Rage.” “Siya ‘yon?” tanong ng lalaking hindi ko kilala. “Kaya pala iba ang timpla ng mood ni Rage.” “Shut up, Dmitry.” Hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala si Rage. Napatingin ako sa kanya at masama pa rin siyang makatingin sa akin. “Dito ka maupo, Calista. Huwag ka riyan sa stepbrother mo. Bad influence ‘yan.” Tinapik ni Chaos ang bakanteng space sa tabi niya. Napalunok ako bago maglakad doon. What? Mas gusto kong doon na lamang maupo kaysa naman sa tabi ni Rage. “Do you drink? Want some?” Nang tumango ako ay sinalingan niya ang isang malinis na baso. Marunong naman akong mag-inom at hindi rin ganoon kababa ang alcohol tolerance ko. “Ipapakilala kita sa mga kaibigan namin ni Rage.” Tumingin ako sa direksyon nila at ipinakilala sa akin ito ni Chaos. “This is Hades and this is Dmitry. Pamilya ni Dmitry ang may-ari ng club na ito.” Tumango lamang ang dalawa sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanila bago sabihin ang pangalan ko. Rage is looking at me like I offended him or something. Iniwasan ko siya ng tingin Madaldal si Chaos. Kahit ang mga bagay na hindi ko gustong alamin ay nasabi niya sa akin. Nagkaroon tuloy ako ng ideya. Kung gusto kong may malaman tungkol kay Rage, malamang ay may alam si Chaos tungkol doon since magkaibigan silang dalawa. Kay Chaos ko nakumpirma na dalawang taon nga talaga ang tanda nila sa akin. I am now 19 years old, si Rage ay 21. Sa kanilang apat na magkakaibigan ay si Hades lamang ang nagte-take ng ibang course. While the three: Rage, Chaos, and Dmitry, are taking up business course, Hades is a pre-law course which is Legal Management. Naalala ko nga na mula si Hades Salvatore sa pamilya ng mga lawyers. “You know what they call us?” Malawak ang ngisi ni Chaos. Hindi maipagkakaila na maging ako ay may tama na pero nasa wisyo pa rin naman. Unlike some people. Napatingin ako sa gawi ni Rage at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko na nakahawak ang kamay niya sa hita ng isang babae. Ang taas na nito at kulang na lamang ay ipasok niya sa loob ng skirt ng babae ang kamay niya. I am no prude, alright? Pero hindi rin kasi ako sanay na lantaran na naglalandian ang dalawang tao. Is that even his girlfriend? “Ano?” Kunwaring may interes pa ako kahit nakatingin ako kina Rage. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin, nakabulagta na si De Laurentis ngayon. “We are the Four Horsemen of Puerto Rivas. Sabi kasi nila, we represent the four apocalypses: conquest, war, death, and famine.” Itinuro ni Chaos si Rage na ngayon ay nakikipagbulungan sa babaeng kasama niya. Naiirita ako sa hindi malamang dahilan. Gusto kong hilahin si Rage papalayo roon. Paglalaruan niya lamang ang mga babaeng kasama niya. “Rage is conquest. Because he loves to conquer everything. Walang laban na hindi napapanalo ‘yan. Gusto niya, siya lagi ang nasa kontrol. He will get and win everything even by force.” Tumingin naman kami kay Dmitry. Kumpara sa mga kaibigan niya, chill lang si Dmitry. Minsan nakikipag-usap pero madalas ay para bang nagmamanman lamang sa paligid niya. “Dmitry represents famine.” Nakuha ni Chaos ang atensyon ko. “Taggutom?” Ngumisi si Chaos dahil sa sinabi ko. “Dmitry is one insatiable beast. Alam mo ang epekto ng taggutom sa tao noon? Tahimik pero nakamamatay. Parang si Dmitry. Tahimik lang ‘yan minsan pero kapag naging target ka niya…” Umiling na lang si Chaos. Inilapit niya ang mukha niya sa may tainga ko. “His family is part of the Russian Mafia.” Napasinghap ako sa sinabi ni Chaos. Tiningnan ko siya at kinindatan niya ako. “Chaos!” Napatingin kaming dalawa ni Chaos sa tumawag. Sinalubong kami ng nakakunot na noong si Rage. “Bakit?” painosenteng tanong ni Chaos. “Stop telling the brat about everything. She’s one nasty kitten.” Humalakhak ang babaeng nasa tabi ni Rage at ibinaon nito ang mukha niya sa leeg ni Rage. Napangiwi ako sa nasaksihan ko pero imbis na buksan ang bibig, mas pinili ko na manahimik na lang. Hindi iyon pinansin si Chaos at nagpatuloy lamang sa pagkukwento niya. “Hades is death. Halata naman sa pangalan niyan. If you’re familiar with Greek mythology, you will know who Hades was.” Tumango ako. “God of the underworld.” Malawak akong nginitian ni Chaos dahil sa tamang sagot ko. “Don’t get on his bad radar; he will annihilate you like you didn’t exist. Ganyan si Hades.” Tiningnan ko si Chaos. He still has that smug smile intact on his face. “And you’re war?” Humalakhak si Chaos at ininom ang kanyang baso. “I love the conflict. Sa aming apat, ako ang mahilig makipagbasag-ulo. Sa aming apat, ako lang ang walang pakealam kung madumihan ang kamay ko dahil sa dugo ng kung sino mang kumalaban sa akin.” Tinitigan ko si Chaos. Kanina pa siya nakangiti na akala mo ay siya ang pinaka-friendly sa kanilang apat. Ngunit matapos kong makita ang pagdilim ng ekspresyon niya ngayon, maaaring mali ako. He has his dark side too. “Ang mga De Laurrentis, ano-ano ang mga negosyo nila?” Naisip ko na simulan na ang pagtatanong. Habang hinihintay ko ang sagot ni Chaos, nakita ko si Rage na nakikipaghalikan sa ibang babae. Agad akong nag-iwas. Shit! Maybe I am a prude, pero ngayon lang ako nakakita ng naghahalikan sa public place! “Marami,” sagot ni Chaos pero distracted na ako dahil sa nakita ko kanina. Napatingin ako kay Rage at naabutan niya akong nakatingin sa kanya. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. “Mas focus nga lang sila sa mga hotels and restaurants. But they have a lot of businesses and investments.” Pinilit ko ang aking sarili na alisin sa aking sistema ang pag-iisip sa nangyari kanina. Binalingan ko si Chaos at tumango. “Hindi ba sila nasasangkot sa mga ilegal na gawain? I mean, sobrang yaman nila, hindi ba? Mula lang ba sa legal businesses nila iyon o…” Tiningnan ako ni Chaos. Pinanliitan niya ako ng mga mata at ngumisi. “I know what you’re doing,” saad niya. Napalagok ako bago umiling. “Gusto ko lang malaman kung anong klaseng pamilya ang maaaring kabilangan ko.” Nakatingin pa rin si Chaos sa akin na akala mo ay hindi siya naniniwala sa akin. “Touché.” Sumandal si Chaos at inilapit sa labi niya ang kanyang baso. “But no, malinis ang mga De Laurentis.” Bumagsak ang balikat ko. Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. “Let’s dance! Chaos!” May isang babae ang lumapit kay Chaos at hinigit ito. Naglakad siya papunta ng dancefloor kasama ang mga babae. Tiningnan ko si Rage. Kausap niya pa rin iyong babaeng kahalikan niya. Naiirita talaga ako. The woman is beautiful! She deserves better than settle for Rage na halatang hindi siya seseryosohin. Inubos ko ang laman ng baso ko bago tumayo. Wala na rin naman si Chaos at wala na rin akong makausap kaya mas mabuti pang umalis na lamang doon. Nandidiri lamang akong makitang nakikipaglampungan sa mga babae niya ang magiging kapatid ko. Pumunta ako sa bar counter. I ordered mojito. Tinamaan din ako sa mga pinainom ni Chaos kanina kaya ngayon ay magka-cocktail na lang ako. “Hi, Miss.” Hindi ko tiningnan ang lalaki at kinuha ang mojito ko nang iabot sa akin iyon ng bartender. “Saw you with the four horsemen earlier; how are you related to any of them?” Tiningnan ko ang lalaki. Mukha naman siyang desente. Mukha rin siyang mula sa mayamang pamilya. Still, hindi ako mabilis magtiwala. “Nothing,” tipid kong sagot. “I’m Nelson, by the way. What’s your name?” “Cali.” Kapag may nagtatanong ng pangalan ko, binibigay ko naman ang nickname ko. Nickname lang, not my full name. I still don’t want to be labeled as rude, pero hindi rin ako nagbibigay ng masyadong atensyon para hindi masabihan na interesado. “Nice meeting you. I have known the horsemen since high school. If you need any information about them, you can ask me.” Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Kung magtanong ako sa kanya tungkol kay Rage, masasagot niya kaya? Inalis ko sa isipan ko ang ideya na iyon. Ayokong isipin ng mga tao rito na masyado akong interesado sa mga De Laurentis. “Excuse me, I have to go to the bathroom.” Inubos ko lamang ang laman ng baso ko bago ako umalis at magpunta ng restroom. Bago ako mapunta roon, nakita ko na naman si Rage na may kausap na iba na namang babae. Napairap ako at pumasok sa loob ng restroom. Mabuti na lang at walang pila kaya mabilis akong natapos. Bumalik ako sa bar counter at handa na sanang um-order nang pangalawang glass ng mojito nang may ibigay sa akin si Nelson. “Here you go.” He slides a glass of mojito. Napataas ang isang kilay ko bago tumingin sa lalaki. “I haven’t ordered anything yet—” “It’s on me. A welcome gift for you.” Ngumiti siya sa akin. “Please, it’s a token of friendship. I won’t take no for an answer.” Itinago ko ang pagngiwi ko sa pagngiti. Nagpasalamat na lang ako kahit wala naman akong balak inumin ang binigay niya sa aking mojito. The first rule in drinking and going to bar is don’t take drinks from strangers, lalo na kung hindi mo alam kung paano nila ginawa ang drink mo. Mahirap na. I often see these cases—rape. May mga babaeng nare-rape dahil na-drug sila habang nasa party at nasa bar. Isa sa mga hobby ko ang mag-case digest ng mga kaso kapag wala akong ginagawa. Training na rin bago ako sumalang sa law school. Isa ang ganitong scenario sa mga nakikita ko. “Cheers!” Iniisip ko kung paano ko ba ipapamukha sa kanya na ininom ko ang binigay niyang drink kahit hindi? Seriously, being rude is not in my list. Hindi ko rin naman masasabi kung masama ba siyang tao o he has pure intention. Dahan-dahan kong inilapit ang baso sa aking labi, kahit wala naman akong balak na inumin iyon, nang biglang may humablot sa akin nito. Bago paa mag-sink in sa akin ay bigla na lamang nag-materialize si Rage sa harapan ko, nakita ko na siyang binasag sa mukha ng lalaki ang basong hawak ko kanina. Nanlaki sa gulat ang aking mga mata lalo na nang makakita ng dugo. Sumigaw sa pananakit ng mukha ang lalaki dahil mukhang napuno iyon ng bubog ng basagin ni Rage ang baso sa mukha nito. “You don’t loiter around giving drinks to girls and drugging them. And you chose my stepsister to be your target. Did you not get the memo that any kinds of f*****g drugs are not allowed inside the Ivanov’s establishments?” Rage snapped his fingers. Agad na may lumitaw na dalawang bouncers sa tabi ng lalaking dumurugo ang mukha. Kasunod ng pagpapakita ng mga bouncer ay nakita ko rin si Dmitry. Kung kanina ay kalmado lamang ang aura niya, ngayon ay may madilim na ereng nakapalibot sa kanya. “Were you trying to drug my guest, Nelson? Who invited you here in the first place, hmm?” Maging ako ay napalagok. Ibang-iba ang ere na mayroon sina Rage at Dmitry. Si Chaos ay may kasamang isang babae habang pareho silang tumatawa. Hades is still sitting on the couch without a care in the world. Tiningnan kami ni Dmitry. Napatalon ako nang mapansin ko ang walang emosyon niyang mga mata. “Rage, I’ll be taking care of the asshole. You should bring your sister home. Please, tell her not to accept a stranger’s drink next time.” Hindi ko na narinig pa si Rage na magsalita. Hinawakan niya ang aking pulso at hinila ako papaalis ng club. The idea of what they may do to the guy is creeping me out, hindi pa man nila sigurado kung may iba ngang laman ang pinapainom niya sa ibang tao. “Rage, bitiwan mo ako!” Tinangka kong haklitin ang kamay ko. Bukod sa kinakaladkad niya ako at mahigpit ang hawak niya sa akin ay nahihirapan na akong maglakad. Hindi nakinig si Rage sa sinasabi ko at patuloy lamang sa paghila sa akin palabas. “Rage—” “Shut your mouth, Calista!” Napatigil ako nang tawagin niya ang buong pangalan ko. “Kung hindi ako dumating kanina, sa tingin mo ay ano na kayang maaaring nangyari sa ‘yo?” Hinarap ako ni Rage. Bahagyang lumuwag ang hawak nito sa akin kaya nagawa kong bawiin ang kamay ko. “First of all, wala akong balak inumin ang alak na binigay niya sa akin. Hindi ako tanga para magtiwala sa ibang tao. In fact, even to you, wala akong tiwala. Who knows what you’ll do to me when I turn my back at you?” Kung akala ko ay ma-offend ko siya sa sinabi ko, roon ako nagkamali. Bumalik ang sarkastikong ngisi ni Rage sa akin. “Who knows?” Naglakad papalapit sa akin si Rage kaya umatras ako. Malas ko lang na kotse na ang nasa likod ko. Marahas niyang ipinatong ang kanyang kamay sa may gilid ko. “That’s right, little kitten. Don’t you dare trust me. Don’t even try to turn your back on me. Because if you do, who knows what I will do to you? There’s an endless possibility.” Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. Kinagat niya ang earlobe ko kaya tila kinuryente ako roon. “Maybe, I will bite you hard until I f*****g shredded you into pieces. I will leave you so f*****g messed up; no one can pick you up again. Do you understand that?” Napalagok ako pero nilabanan ko ang tingin niya nang ilayo niya ang mukha niya sa akin. “Such a stubborn baby sister. I want to f*****g destroy you and scrap that fake bravado you kept showing to me.” “Hah! Try if you can, asshole. Kung sa tingin mo ay hahayaan kita, riyan ka nagkakamali!” Lalong lumawak ang ngisi ni Rage. “Oh, I love to try. Pick your armors up, baby sis. I am going to destroy you, and I will love every single bit of it.” Hinawakan niya ang leeg ko. When I thought he was going to choke me, he caressed the side of my neck, and there was something in his eyes again I couldn’t comprehend. Lust.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD