KABANATA 6

1842 Words
Calista KUMUNOT ang aking noo nang makita ko si Rage. Naglakad siya papalapit sa akin at umatras naman ako. Halos makalimutan ko na nasa dulo ako ng bangin. Mahuna ang parte ng bangin na naapakan ko kaya muntikan na akong mahulog. Mabilis na lumapit si Rage sa akin at hinawakan ang aking pulso bago ako higitin papalapit sa kanya. Nauntog ang aking noo sa kanyang dibdib. “Tell me you’re not planning to kill yourself just now, kitten.” Mabilis akong tumingin sa kanya. Nakasimangot ako dahil sa itinawag niya sa akin. Hindi ako sigurado kung ano bang mas inkaiinis ko sa mga nicknames na ibinibigay niya sa akin: baby sis o kitten. Hinaklit ko ang aking braso pero hindi niya ako binitawan. Doon ko lang din napagtanto na nasa dulo nga pala ako ng bangin. Hinila ako ni Rage papaalis doon bago niya bitawan ang braso. “I wasn’t. Why would I plan to kill myself? Do you think I am suicidal?” Nagkibit-balikat si Rage, like my angry voice didn’t faze him at all. “Who knows.” Hinawakan ni Rage ang baba ko. Para na naman akong kinuryente nang lumapat ang balat niya sa akin. “It’s swollen.” Bago pa ako makapag-react, naramdaman ko ang malamig na bagay sa pisngi ko. Natigilan ako nang mapagtanto ko na cold-compress iyon. “Does it hurt?” Masama kong tiningnan si Rage. Hindi ko masabi kung inaasar niya ba ako sa pagtatanong niya o sadyang curious lang siya kung nasaktan ba ako sa sampal ng mama ko. “Kung ikaw kaya ang samaplin ko tapos tanungin kita kung masakit ba nang masagot mo ang sarili mong tanong?” Inagaw ko kay Rage ang cold-compress at ako na ang naglapat nito sa aking pisngi. Lumayo ako kay Rage at naupo ako sa isang puno na nakayuko. Tinanaw ko ang magandang tanawin sa may bangin bago ko lasapin ang malamig na panghapong hangin. Nagmuni-muni ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sinampal ako ni Mama. Ayokong iwanan dito si Mama dahil siya na lang ang pamilyang mayroon ako. May ibang kamag-anak pa kami pero…may sari-sarili rin silang pamilya at ayokong isiksik ang sarili ko sa kanila. Naramdaman ko ang paggalaw ng punong kinauupuan ko dahil sa pag-upo rin ni Rage sa tabi ko. Nilingon ko siya. “Why are you being nice?” Inisip ko na baka bigla siyang nakonsesya sa mga sinabi niya kaninang umaga, but I guess this man doesn’t have a conscience. “I’m nice,” sabi niya sa isang sarkastikong tono. Inirapan ko si Rage. “No, you’re not.” Nanunuot pa rin sa akin ang pananakit ng pisngi ko, pero mas nararamdaman ko ang bigat ng dibdib ko dahil sa mga nangyayari. I just want me and my mother to have a good life after my father’s death, kahit kaming dalawa na lang. Hindi ko kailanman naisip na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. Naalala ko ang mga sinabi ni Rage. Since naandito na rin naman siya, gusto ko ulit sabihin sa kanya ang stand ko sa relasyon ni Mama at dad niya. “Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na hindi namin habol ang pera ninyo. Kahit kailan ay hindi ako magkakaroon ng interes sa kayamanan ninyo. Kung ako lang, gusto ko nang umalis dito at mawalan na ng involvement sa pamilya mo.” Ibinaba ko ang cold compress at tuminggin kay Rage. “Kung ayaw mo pala sa relasyon ng mga magulang natin, baka kaya hindi mo ako tulungan na paghiwalayin sila?” He looked at me with eyes full of curiosity. “What do you want us to do, then? Siraan sila sa isa’t isa? You think I didn’t try to separate them apart when I first discovered that my father was having a relationship with his employee?” Umawang ang aking bibig dahil sa mga sinabi ni Rage. Una sa lahat, ayokong siraan si Mama para lang makagawa ng way na paghiwalayin sila. Panigurado ako na hindi rin gugustuhin ni Rage na siraan ang kanyang ama. Pangalawa, hindi ko inisip na may ginawa siyang paraan noon para patigilin ang relasyon ng mga magulang namin. Ang akala ko ay wala siyang pakealam at ang ayaw niya lamang ay may makuha kami sa pera nila. Other than that, he doesn’t really care. Pero contradicting ang sinabi niya sa akin ngayon sa mga inisip ko tungkol sa kanya. “I just want to come back home. Kung akala mo ay gusto ko rito at marinig ang iba’t ibang paninira at disrespect laban sa aking ina dahil sa pakikipagrelasyon niya sa dad mo, mali ka. My mother will not be blinded by money, so do I. Hindi kami mga mukhang pera.” Sandali kaming natahimik until I heard him scoffed. Masama kong tiningnan si Rage, iniisip na baka iniinsulto niya na naman kami. “Maraming babae na gusto lang ang dad ko dahil sa pera na mayroon ang pamilya namin. Maraming babae ang lumalapit sa akin dahil, well, other than I am likable, gusto rin nilang mahawakan ang pera ng mga De Laurentis.” Halos masuka ako nang sinabi niya na likable siya. I don’t even like him. Isasampal ko iyan sa mukha niya, pero hindi na muna siguro ngayon. “But I am not an idiot not to notice it so…” Ngumisi ako dahil alam ko kung anong maaari niyang sunod na sasabihin. “So, you choose to be the one manipulating and changing girls like your clothes rather than being the one being played.” Asshole. “Well, I hate defeat and losing. Hindi ako marunong magpatalo,” sabi ni Rage sa akin. “And I heard about that.” Huminga ako nang malalim bago ko i-stretch ang mukha ko para maging mas maayos ang nararamdaman ng pisngi ko. Rage is born to conquer everything in his path. No matter what it is, ipapanalo niya. Hindi na ako magtataka na second name niya ay Niccolò. “How about this…” panimula ko nang may sumagi sa isipan ko. “Tulungan mo akong paghiwalayin ang mga magulang natin—nang hindi sila sinisiraan sa isa’t isa, okay? Kapag nagtagumpay tayo, we’ll be out of your hair.” Bahagyang kumunot ang noo ni Rage. “And how can that benefit me?” I groaned. This man! Kailangan may makukuha muna siya bago niya gawin ang isang bagay. “I don’t know. Maybe babalik na tayo sa kanya-kanya nating buhay at mawawala na kami sa buhay ninyo. Wala ka nang makakahati sa kahit anong bagay na mayroon ang De Laurentis.” Pinagmasdan akong mabuti ni Rage. Pinanliitan niya rin ako ng mga mata na akala mo ay pinag-aaralan niyang mabuti ang sinabi ko. Matapos ang ilang sandali na nakatitig siya sa mukha ko ay bumaba sa katawan ko ang tingin niya. I jolted. Hindi ko alam kung bakit ako napatalon dahil lang tiningnan ni Rage ang katawan ko. Rage clicked his tongue and smirked at my body before looking at my face again. Sinalubong siya nang nakakunot kong noo. “I want something else, Calista. Kung makikipagtulungaan ako sa ‘yo, may iba akong gustong makuha. I want something more from you.” Sa hindi malamang dahilan ay ginapangan ako ng kakaibang kilabot sa aking katawan. Akala mo ay nakukuha ko ang ibig niyang sabihin pero nire-reject ito ng isipan ko at ayaw na tuluyang marehistro. Malisyosa ba ako o sadyang may ibang pinapahiwatig si Rage sa mga sinasabi niya? I mentally shake my head. “Ano?” tanong ko. I am being wary here. Ang mga kagaya ni Rage na subok na sa negotiations ay hindi dapat minamaliit. Alam ko dahil naririnig ko na sa murang edad, pinapahawak na kay Rage ang ilang businesses nila. Kaya nga kahit dalawang taon lang ang tanda niya sa akin ay may iilang sariling businesses na ito na pagdating ng panahon ay mas mapapalaki niya lalo na kapag napunta na sa kamay niya ang inheritance niya. “I am still thinking about it. Saving it once everything goes well. How about it?” Hindi ko gusto na makipagkasundo sa kanya na hindi ko alam ang maaaring kapalit. But maybe, kung para naman maibalik ang buhay namin ni Mama sa rati, it will be worth it, right? I don’t want to give him the answer without fully knowing what I am about to enter or the stipulations. But this is a crucial one. Alam ko na kapag pinaglagpas ko ito, maaaring hindi ko na makausap nang maayos si Rage. Kung gusto kong mailayo si Mama at Romeo sa isa’t isa, walang ibang makakatulong sa akin kung hindi ang lalaking ‘to—even though I hate to admit it. “Hindi ba dapat walang kapalit. Makikinabang ka rin naman sa huli,” sabi ko sa kanya. Ngumisi sa akin si Rage pero may kung ano na namang dilim sa mga mata niya. “I am not like you. I don’t really care kung magpakasal ang mga magulang natin. Tapos na akong sabihin kay Dad kung bakit hindi na siya dapat magpakasal pa sa ibang babae, pero nakinig ba siya? He’s an adult. Ayoko nang pangaralan pa siya. He can do whatever the f**k he wants, while you, my dear Calista, you’re desperate to break them up. Tutulong ako sa ‘yo kung may makukuha akong kapalit. My service isn’t free. And no, I don’t want material things. Give me your word, and I will cooperate.” Bumigat ang aking paghinga. Why do I feel like I am entering a hellhole I shouldn’t enter in the first place by agreeing with him? Ngunit hindi ko pinakinggan ang rasyonal kong pag-iisip. Tama rin naman siya na desperado akong makaalis na kami rito ni Mama at malaman ni Mama na hindi niya na kailangan ng ibang tao sa buhay niya dahil kaya naman naming dalawa. Tiningan ko si Rage. I don’t like his smile. Hindi iyon ang ngiting nakakagaan ng pakiramdam. Nilunok ko ang kahit anong pagdadalawang isip na nararamdaman ko bago huminga nang malalim. “Fine. I agree.” Ngumiti si Rage, na akala mo ay nakuha niya kung anong gusto niya. Sobrang bilis ng kilos niya na hindi ko man lang napansin na nakalapit na ang mukha niya sa gilid ko. Nararamdaman ko na naman ang mainit niyang paghinga. “That’s my good girl. Aren’t you my obedient girl, Calista?” Tinulak ko siya at napalagok ako nang maramdaman ko na naman ang matigas niyang dibdib. “Ayusin mo ‘yang kapalit na ‘yan, Rage! Dahil nakikita mo itong kamao ko? Lilipad sa mukha mo ‘to kapag kalokohan ang hiningi mo sa akin.” Umakto man akong matapang sa harapan niya ay agad akong binalutan ng pagsisisi. Parang dapat ay hindi ako nakipag-deal kay Rage. Kung may isa mang taong hindi ko dapat binibigyan ng salita ko, mga taong kagaya ni Rage iyon. Because at that very moment, we were bound by our fate: my fate to get hurt and his fate to taste his very first defeat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD