Rage “ANONG nangyari kay Calista? Did she sprain her ankle?” Nakaupo si Dad sa kanyang silya habang tinitingnan ang mga papeles na nakakalat sa harapan niya. Hindi man lang siya tumingin sa akin kahit noong pumasok na ako sa opisina niya. My father is kind to other people but not really to his family. Wala siyang pakealam sa akin basta at hindi ko madudungisan ang kanyang pangalan. If ever I did something that can taint our name, we all have the money to clean my mess. Noong una ay sinasadya ko minsan na gumawa ng gulo, so my father can put some attention to me. But later on, I realized that no matter what I do, he doesn’t care. Anak niya ako and he thinks that as long as he can provide my needs and wants, sapat na iyon bilang ama ko. Hindi niya alam, isa sa mga kailangan ko bilang anak