Calista TINANGKA kong tumayo ngunit hindi ako nagtagumpay dahil sa sakit ng ankle ko. Mukhang nabalian pa ako. Nanghaplusin ko iyon, nararamdaman ko ang pamamaga. Mataman kong tiningnan kung saan ako nahulog. Malakas talaga ang aking pakiramdam na may tumulak sa akin. Wala pa lang ako ideya sa kung sino. “Miss, okay ka lang?” Tinulungan akong makatayo ng grupo ng mga lalaki at babae. May nagsabi pa na dalhin ako sa infirmary ng school nila. I keep saying that I am okay kahit hindi ako sigurado kung makakalakad ba ako. Habang hawak-hawak ako ng isang lalaki dahil inaalalayan niya akong mabalanse ang sarili, nakita ko kung paano humawi ang mga tao para makadaan ang isang lalaki. Lumapit siya sa amin at ang kunot niyang noo ang bumati sa akin. Pinagmasdan niya ako bago sa kamay ng lalak