Calista ILANG ARAW na simula nang mangyari ang aksidente ko. Ilang araw na rin na hindi ko nakikita si Rage. Hindi naman sa hinahanap ko siya, akala ko lang ay bubulabugin niya na naman ang buhay ko. Pagaling na ang pilay ko at nakakalakad na ako nang mas maayos ngayon. Huling kita ko ata kay Rage ay nang ihatid niya ako sa kuwarto ko. Minsan ay nakikita ko na lamang ang aking sarili na nasa tapat ng labas ng kuwarto niya. Magkatabi lang kasi ang silid namin kaya…napapadaan lang ako. Bumuntong-hininga ako at umiling sa sarili. Kailangan kong alisin sa sistema ko si Rage. Kung ano man ang nagpapagulo ng nararamdaman ko nang dahil sa kanya, kailangan kong alisin. Hindi mabait si Rage! Baka kaya niya ako inalagaan nang mapilayan ako ay para hindi siya mapasama sa dad niya. Nakain na kami