Calista “OH! I GET IT!” panimula ni Penelope. Ngumiti siya at tumingin kay Tito. “Maybe that’s one of his girls, Uncle. One of his playthings, you know.” Inabot ko ang baso ng tubig ko at uminom doon. Naubos ko kaagad ang laman nito sa sobrang kaba ko. Mariing ipinikit ni Rage ang kanyang mga mata. Pansin ko sa kanya na gusto niyang kontrahin ang sinabi ni Penelope pero umiling ako. Hindi niya maaaring sabihin na may girlfriend nga siya. Base sa reaksyon ni Tito, hindi siya masaya nang tanungin ni Penelope si Rage kung may girlfriend na ito. “Habang wala pang official engagement, I will let my future fiancé have all the fun he wants. That’s fine with me, Uncle.” Bumuntong-hininga si Tito Romeo at tumango kahit na may talim ang tingin niya nang mapunta ang atensyon kay Rage. Akala k