KABANATA 3

2697 Words
Calista  LAHAT NG TAO may madilim na sekreto. Panigurado ako na may madilim na itinatago ang mga De Laurentis. Hindi ako naniniwala na nakuha nila ang yaman nila ng legal. Panigurado may tinatago sila sa likod ng yaman nila. Mabuti na lamang talaga at naisipan ko na dalhin ang laptop ko. Binigay sa akin ang WI-FI password kaya naka-connect na ako ngayon. Nilagay ko sa search engine ang apelyido ng mga De Laurentis. Their family originated in Italy. Si Roman De Laurentis, which is Rage’s ancestor, ang unang De Laurentis na napadpad dito sa Pilipinas. Maliit na isla pa lamang noon ang Puerto Rivas at wala ka pang makikita na kahit anong establishments. Si Roman, kasama ang apat na pamilya: Van Aalsburg, Salvatore, at Ivanov, ang mga nagpaunlad ng Puerto Rivas. Nabasa ko rin na noong una ay magkakalaban ang apat na pamilyang iyon. Pinag-aagawan kasi nila ang Puerto Rivas. Hanggang sa siguro, nakaisip sila ng solusyon kung paanong lahat sila ay makikinabang dito. Hindi na ako magtataka na tila pag-aari nila ang lugar. Sila pala ang dahilan kung bakit maunlad ngayon ang Puerto Rivas. Ang mga De Laurentis ang may-ari ng iba’t ibang naglalakihang five star hotels dito sa Puerto Rivas at maging sa iba’t ibang sulok pa ng mundo. Mayroon din silang mga Michelin-starred restaurants. Ang isa pa nga rito ay natatandaan ko dahil nakita ko ito noon sa Eastwood! Sila pala ang may-ari nito? Ang alam ko ay hindi basta-basta nakakapasok ang kung sino lamang doon. Ang mga Van Aalsburg naman ang may-ari ng airlines at cruise lines. Mukhang doon nakalinya ang kanilang mga negosyo. Ang pangatlong pamilya, ang Salvatore family, pamilya sila ng mga lawyers at doktor! May mga pagmamay-ari silang naglalakihang law firms and hospitals! Nakita ko pa ang pamilyar na pangalan ng isang criminal lawyer na siyang nagpapanalo sa isang kaso ng kilalang personalidad na sinasabing nakapatay raw ngunit napawalang-sala dahil magaling nga iyong lawyer. Salvatore pala. Ang pang-apat na pamilya naman, ang mga Ivanov. They are Russian at casinos, clubs, and bars naman ang kanilang mga negosyo. Nagmamay-ari rin sila ng isang pribadong port dito sa Puerto Rivas. Halos hindi ako makahinga matapos kong basahin ang article tungkol sa kanila. Sobrang yaman talaga ng mga De Laurentis. Gusto kong isipin na legal lahat ng pera nila. Umiling ako sa aking sarili. Malakas ang pakiramdam ko na may itinatago sila. May blood money sila panigurado! Malay ko ba kung may mga ilegal na businesses sila? Sabi ni Papa, may mga ganoong tao talaga kaya akala mo ay unlimited ang kanilang mga pera. “Cali!” May kumatok sa pinto ng kuwarto. Agad kong isinara ang aking laptop at tumayo sa kinauupuan ko. Pinagbuksan ko si Mama ng pinto. Hindi ko namalayan na matagal-tagal din pala akong nagri-research tungkol sa mga De Laurentis. “Nabanggit ko kay Rage na gusto mong pumunta sa beach. Sabi niya, pwede ka raw niyang samahan.” Ngumiti si Mama sa akin. “Mukhang nagkakasundo naman pala kayong dalawa.” Halos mapangiwi ako sa sinabi ni Mama. Gusto kong sabihin na kabaliktaran iyon, actually. Pakiramdam ko ay hindi ko makakasundo ang lalaking iyon. Magkaiba kami ng ugali, and he’s everything I hate. Ewan ko, nararamdaman kong mayabang siya at babaero. Hirap akong magtiwala, lalo na pagdating sa lalaki. May trauma talaga ako. I have an ex-boyfriend. Ayaw sa kanya nina Mama at Papa. Sabi nila ay lolokohin lang ako nito at bata pa ako para sa mga ganoong bagay, hindi nga sila nagkamali. Bukod sa niloko ako ng ex-boyfriend ko, ginawan pa ako ng eskandalo noon sa school. Naging subject ako ng bullying dahil sa ginawa sa akin ng ex-boyfriend ko at ng mga kaibigan niya. Sirang-sira ako noon na kinailangan kong lumipat ng school. Iyon din ang naging eye-opener ko upang huwag magpapatalo sa ibang tao. Dahil sa totoo lang, kahit sobrang bait mo, may mga tao pa rin na sisirain ka nang walang dahilan. What happened to me back then, traumatized me. Na sa tuwing naalala ko iyon, minsan ay gusto kong magkulong at magtago sa mga tao dahil pakiramdam ko ay iinsultuhin lang nila ako, kahit na walang katotohanan ang eskandalong iyon. Sinampahan ng kaso ni Papa ang mga nagpakalat ng eskandalo subalit mula sila sa malalaki at maimpluwensyang pamilya kaya sa huli, sinabi ko kay Papa na hayaan na lang. Kaya wala akong ganoong tiwala sa mga lalaki. Lalo na ang mga kagaya ni Rage? Ang mga ganyang lalaki, pinaglalaruan ang mga babae. “Huwag na, Ma. Rito na lang ako. Hindi ko rin naman gustong umalis.” Huminga nang malalim si Mama at hinimas ang aking braso. “Anak, mas maganda nang magkasundo kayo ni Rage—” “Dahil balak mong magpakasal, ganoon ba iyon, Mama?” Natigilan siya sa sinabi ko. “Gusto mo na mapalapit ako sa pamilya nila dahil may plano kang pakasalan si Romeo, iyon ba ‘yon? Mama naman. Hindi ka pa ba kontento sa buhay na tayo lang dalawa? Masaya naman tayo, hindi ba?” Paano na lang kapag nagpakasal nga si Mama kay Romeo De Laurentis? Paano ako? Panigurado na mas mapagtutuunan ni Mama ang bago niyang pamilya, habang ako…I would feel like an outsider. Wala na nga sa akin ang papa ko, kapag nagpakasal si Mama sa ibang lalaki, baka pati siya ay mawala sa akin. Just thinking about my mother being happy with his new family, it makes my heart sink. Saan na ako lulugar pagkatapos? Hindi nga ako sigurado kung talaga tatanggapin ba ako ni Romeo De Laurentis, dahil sino ba ako sa kanya? Hindi niya ako kaano-ano. “Cali, masaya akong kasama kita, syempre. Gusto ko lang na…mabuo ang pamilya natin. Nang mamatay ang papa mo, sobrang lungkot ko. Bata ka pa at alam ko na kailangan mo rin ng ama. Romeo is willing to be your father. I am doing this for us.” Umiling ako. “No, Ma. You’re doing this for yourself. Dahil kung ako lang ang tatanungin, masaya na ako na tayong dalawa lang kaysa maging parte ng ibang pamilya.” Tinalikuran ko na siya at naglakad ako papunta sa kama. “Magpapahinga na ako. Please, close the door when you leave the room, Ma.” Hindi ko na tiningnan pa si Mama ulit at hindi na rin naman siya nagsalita pa. Bumuntong-hininga ako at ibinagsak ang sarili sa kama. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto kaya alam ko na umalis na si Mama. Ibinaon ko ang aking mukha sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Involuntarily, my tears fell. I miss you, Papa. Sana naandito ka. Sana nayayakap mo ako at ibulong sa akin ang parati mong sinasabi kapag may problema ako. That everything will be okay, and this is just a phase. Sana naandito ka para hindi ko maramdaman na mag-isa ako. Hindi ko namalayan na habang inaalala ko ang masasayang pangyayari sa buhay ko kasama ang papa ko, nakatulog na ako. “Si Mama po?” Nang magising ako at naging maayos ang aking nararamdaman, nagsisi ako sa mga sinabi ko kay Mama. Alam ko na maling sinabi ko iyon pero hindi ko lang din mapigilan. Dahil alam ko na maaari naman talagang mabalewala ako sa pamilyang ito lalo na at outsider ako. “Umalis sila, hija. Kasama ni Sir Romeo ang mama mo. May kailangan ka ba?” tanong sa akin ng isang matandang kasambahay. Umiling ako. Gusto ko lang naman makausap si Mama pero mukhang wala siya rito ngayon. “Uuwi po ba sila ngayon?” “Hindi sila makakauwi ngayon.” Napatigil ako nang marinig ko siya mula sa likod ko. Nagtindigan din ang balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang lalaking boses na iyon. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaki at hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Rage. Kung hindi ako nagkakamali, si Rage ay mas matanda lang sa akin ng dalawang taon. I’m 19 right now, kaya siguro ay nasa 21 ang edad niya. Not sure if he already graduated college or not. “Nasa isang event sina Dad at ang mama mo. Maaaring hindi na sila umuwi ngayon at sa hotel na magpalipas ng gabi.” Masama kong tiningnan si Rage. Hindi ko naman kasi siya kinakausap ay sabat siya nang sabat. Nginisian niya ako nang mapansin na matalim ko siyang tinitingnan. “Nana, I’m going out. Kasama ko lang sina Chaos. Baka mamayang gabi na ako bumalik.” Hindi na niya hinintay pang magsalita ang kasambahay at umalis na. Bago siya tuluyang umalis ay pinasadahan niya pa ulit ako ng tingin. Humalukipkip ako bago ko maalala ang mga plano ko. Tiningnan ko si Rage na palabas na ng front door. Mabilis ko siyang hinabol. Kung gusto kong mag-imbestiga tungkol sa pamilya niya, kanino pa ba ako makakakuha ng impormasyon? E ‘di kay Rage rin mismo. I believe in the saying that, keep your friends close, but your enemies closer. It’s effective. Nang sumakay si Rage sa kotse niya, mabilis kong binuksan ang shotgun seat. Two-seater lamang ang capacity ng sports car ni Rage at iba ito kumpara sa ginasgasan kong kotse niya. Hindi na ako magtataka dahil mayaman naman talaga siya. Ang pagpapalit ng kotse ay para lang din sigurong pagpapalit ng damit sa kanya. Tiningnan ako ni Rage nang mapansin niya ang pagsakay ko sa kotse niya. “What do you think you’re doing?” Tinaasan ako ng isang kilay ni Rage. Ngumiti ako sa kanya, malambing man iyon pero peke lamang ang ngiti kong iyon. “Sasama ako sa ‘yo. Sabi ni Mama, mas maganda raw kung mapalapit tayo sa isa’t isa. After all, aren’t you going to be my brother? Ikaw na rin ang nagsabi na dapat ay maging malapit tayo sa isa’t isa, hindi ba?” Naging malamig ang ekspresyon ng mga mata niya. My lips twitched and I almost let my smirk shown up. Mabuti na lang at napigilan ko. “You’re not allowed to come with me. Get out,” sabi niya sa akin. “No, rito lang ako. Sasama ako sa ‘yo. Come on! Tour me. Kailangan kong malaman ang pasikot-sikot sa Puerto Rivas. Malay mo ay rito na kami tumira kapag nagpakasal ang mama ko at si Tito Romeo.” Kung kanina ay siya ang nang-aasar sa akin, ngayon ay ibinabalik ko sa kanya kung paano niya ako tratuhin kanina. Ipapakita ko kung gaano ako kasakit sa ulo nang sa ganoon ay siya na mismo ang pumigil sa kanyang ama na magpakasal kay Mama. “You’re going to f*****g regret this.” Akala ko ay pahihirapan niya pa ako bago siya pumayag na isama ako kaya hindi ko inaasahan na hahayaan niya ako nang ganito kabilis. Bago ko pa maayos ang seatbelt ko, pinaharurot na ng gago ang kanyang kotse. Kapit na kapit ako sa kinauupuan ko dahil akala ko ay papunta kami ng buwan sa sobrang bilis niyang magmaneho. Nang mapadaan kami sa traffic light, bigla siyang tumigil kaya’t tumilapon ako sa harapan ng sasakyan. Mabuti na lamang at naituon ko kaagad ang aking kamay, kung hindi ay hahalikan ko talaga ang windshield ng sasakyan. Masama kong tiningnan si Rage na ngayon ay may ngiti sa labi niya. Masaya ata siya na muntikan na akong tumilapon palabas ng sasakyan dahil sa lakas ng impact ng biglaan niyang pagtigil. Mabilis kong inayos ang seatbelt ko bago harapin ang heir sa trono ni Satanas. “Ganito ka ba talaga magmaneho? Hindi na ako magtataka kung ayaw sa ‘yo ng mga babae.” Humalukipkip ako at sumandal sa kinauupuan ko. Naiinis na naman ako pero mas mabuti nang hindi ipahalata sa kanya. “Oh, if only you know.” Tiningnan ko si Rage and he has this proud smile plastered on his lips. “Girls and women love me.” Kinagat ko ang labi ko. Magugulat pa ba ako? Syempre hindi! Halata naman na habulin siya ng babae. Hindi ko na rin ikagugulat kung marami na’ng babae ang dumaan sa kanya. Umawang ang labi ko at tinangkang magsalita pero mas pinili ko na manahimik. Buong byahe papunta sa kung saan man kami papunta ay tumahimik na ako. Mabilis magpatakbo si Rage ng kotse niya. Akala mo nga’y siya ang hari ng kalsada. Minsan pa ay naggi-give way mismo ang ibang sasakyan para lang makadaan si Rage. Ano ba siya? Presidente? Daig niya pa ata ang Mayor ng bayan na ito. Nakarating kami sa isang malaking club. Exterior pa lamang ng club ay alam mong high-end na. Lumabas ako at ang una kong tiningnan ay ang plaka ng sasakyan ni Rage. Halos lumuwa ang mata ko nang mapansin na personalized ang plate number ni Rage. Ang three letters ay initials niya at ang dalawang kasunod na numbers ay hindi ko alam. Tila alam ng ibang tao ang plate number na ito kaya naggi-give way sila ng daan kay Rage kanina. Mataman kong tiningnan si Rage. Nakikipag-usap na siya sa dalawang babae na lumapit sa kanya. He took of his shades, na siyang naging dahilan lamang para lalong tumulala ang dalawang babae. He has a god-like facial features, I will give him that. Magandang lalaki si Rage, hindi ko naman maaaring ikaila iyon kahit naiinis ako sa kanya. “Who’s that?” Ngumuso sa direksyon ko ang isang babae. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na akala mo ay hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Tiningnan ko rin naman ang aking sarili. Maayos naman ang suot ko, ang problema lamang ay hindi ito angkop sa lugar. Nasa club kami at nakasimpleng t-shirt at shorts lang ako. Hindi kagaya ng ibang kababaihan na naririto. Tiningnan din ako ni Rage. “Anak ni Tita Camille.” Humagikgik ang dalawang babae bago muling tumingin sa akin. “Ah, iyong magiging stepsister mo?” Hindi ko talaga gusto sa tuwing iniisip nila na pinal nang magpapakasal ang aking ina sa tatay ni Rage. Nagkibit-balikat na lang si Rage at hindi na nagsalita. “Akala ko bago mong yaya.” Sinamaan ko sila ng tingin. Nagtawanan muli ag dalawang babae. “You, girls, go in first. Susunod ako.” Tumango ang dalawang babae sa sinabi ni Rage at hinalikan nila ang lalaki sa magkabilang pisngi nito. Napangiwi ako. Habang abala akong bigyan ng masamang titig ang dalawang babae ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Rage. “What?” tanong ko sa kanya, hindi na pinansin kung pangit ang tono ng pananalita ko. “Sasabihin mo rin sa akin na mukha nga akong yaya mo? Excuse me, Mr. De Laurentis, I can wear whatever I want and even with a shirt and shorts, I can pull any guy I want. Huwag mo akong mamaliitin.” Inilapit niya ang mukha niya sa akin at napasinghap ako. I tried to step back, ngunit napasama ang apak ko kaya muntikan na akong matumba. Keyword: muntikan. Mabilis akong hinawakan ni Rage sa aking kamay at ipinulupot niya ang kanyang braso sa likod ko nang sa ganoon ay hindi ako matumba. Ang problema lang, he’s too close! Naamoy ko ang bango ni Rage at nararamdaman ko ang init ng paghinga niya. His blazing eyes are staring down at me. Nakatitig siya sa mga mata ko bago iyon bumaba sa bahagyang nakaawang kong labi. I unconsciously bite my bottom lip, na nagbigay ng pagngisi kay Rage. “You should be careful what words will come out with that pretty smart mouth, Calista.” Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at napasinghap ako nang maramdam ko ang mainit na pagbuga niya ng hininga rito. “Because if not? One day, that mouth of yours will get you in to trouble, baby…sis.” Itinulak ko siya dahil hindi ko gusto na sobrang lapit niya sa akin. Idagdag pa na hawak-hawak niya ako. I heard his deep and husky chuckle bago niya ako bitawan. Bahagya akong nawalan ng balance nang bitawan ako ni Rage pero nagawa ko namang tumayo nang maayos. Masama ko siyang tiningnan subalit napalunok ako nang mapansin na may kakaiba sa mga titig niya sa akin. Sure, the mockery is still evident in his eyes, but there’s something more than just mere mocking. It’s more…dark—impure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD