Calista
HINDI MATANGGAL ang ngiti ko habang naglalakad ako sa bahay. Ang sarap makita na galit ang rich spoiled brat na si Rage De Laurentis. Akala niya siguro ay hindi ko siya gagantihan dahil sa ginawa niya. Ang sakit kaya ng puwet ko dahil sa pagkakaupo ko nang akala ko talaga ay sasagasaan niya ako.
Ngunit nawala rin ang ngiti ko nang maalala ko kung paano niya aako ngisian nang makita niya ako kanina.
No, nope! Hindi dapat ako nagpapasindak sa kanya o sa kahit kanino. Pinalaki ako ni Papa na matapang at hindi magpapatalo lalo na kung nasa tama. Hindi rin ako dapat magpaapak sa ibang tao.
My father was a lawyer. Alam ko na nanganganib parati ang buhay niya. Ganoon man, never niyang binali ang prinsipyo niya para lamang sa pera. Kahit na maraming kilalang tao ang gusto kumuha ng serbisyo niya, hindi ito tinatanggaap ni Papa. Hindi dahil walang sapat na paambayad sa kanya, kung hindi dahil taliwas sa pinaglalaban niya.
Justice. My father always wanted to get justice for the oppressed at sinabi niya sa akin noon, na walang halaga ang makakapagpabayad sa prinsipyong mayroon siya.
Siguro isa sa mga nakalaban niya sa isang case ang nagpapatay sa kanya.
Ngayon, nasa kolehiyo ako at nangangarap din na maging abogado. Matapos ko lamang itong degree ko, didiretso ako sa law school. Syempre, magtatrabaho na rin ako no’n para naman may pang-aral ako. Ayoko na rin kasing umasa kay Mama after college.
Paakyat na ako sa engrandeng hagdanan ng mga De Laurentis. Sa gitnang bahagi nga nito ay may malaking frame kung saan ay naroroon ang De Laurentis family. Dalawang matanda ang nasa gitna na sa tingin ko ay grandparents ni Rage. Sa gilid ay isang babae at sa kabilang gilid ay si Romeo. Paniguradong ang unang asawa niya ang babae roon.
Napatingin din ako sa batang lalaki na nasa kandungan ng matandang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay si Rage ito.
Maliit lang pala ang pamilya nila. Akala ko ay may kapatid pa si Romeo pero mukhang solong anak. Solong anak din si Rage. Hindi na ako magtataka na spoiled ang lalaking iyon.
“Cali!”
Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Mama. Ngumiti siya sa akin at napangiti rin ako sa kanya. Despite my rebellion due to her new relationship, mahal ko ang mama ko at gusto ko siyang maging masaya. Hindi ko lang talaga matanggap na ang bilis niyang mapalitan si Papa.
“Ma…” Lumapit ako sa kanya at hindi na muna itinuloy ang pagpunta sa pangalawang palapag ng bahay. Dumating din naman si Romeo De Laurentis at binati ako. Ngumiti siya sa akin.
He looks friendly, pero hindi iyon sapat para bigyan ko sila ng basbas ko kung ano mang binabalak nila sa relasyon nila.
“Hello, hija. Are you having fun? You can visit the beach if you want. Gusto mo bang pasamahan kita kay Rage? Naandito siya ngayon. Did you meet him?”
Gusto kong iirap ang aking mga mata nang marinig ko ang pangalan ni Rage. Hindi ko na lang ginawa dahil makikita nila.
“Nakilala ko na po siya kanina. Hindi na po. Kung pupunta man po ako, kaya ko naman pong mag-isa, Sir.”
Tumango si Romeo sa akin. “Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka and I will provide so you can enjoy your stay here. Also, please call me Tito.”
Kilalang-kilala ako ni Mama at alam niya kapag mag-a-attitude ako. Pinanlakihan niya agad ako ng mata para pigilan ako sa kung ano mang pagpoprotesta ang binabalak kong gawin.
“Sige po, Tito.” Tila nakahinga nang maluwag ang aking ina nang marinig ang sinabi ko.
Ngumiti rin sa akin si Romeo bago siya tumingin sa may likod ko.
“Rage!”
Nagtaasan agad ang balahibo ko sa batok nang marinig ko ang pangalan na iyon.
“Come here, hijo. I will personally introduce Calista to you. Hindi pa kayo nagkakakilala nang maayos kanina.”
Ngayon ay hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili. Napairap na ako sa hangin at agad akong nilapitan ni Mama. Napansin niya siguro ang ginawa ko.
Tiningnan namin si Rage. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin at nakangisi. Hindi ko mapigilan na irapan siya. Pakealam ko kung mainis siya at sabihing attitude ako. Attitude rin naaman siya kanina, ah? Hindi niya naman kailangang sagasaan ako pero muntikan niya nang gawin.
“Calista, this is my son, Rage De Laurentis. Rage, this is Calista Villareal. Anak siya ng Tita Camille mo.”
Magkatitigan lang kami ni Rage at kahit hindi kami nag-uusap, ramdam na ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa.
Pilit na tumawa si Mama para siguro maputol ang titigan namin ni Rage na puno lamang ng sama ng loob ko.
May lumapit na tauhan ng mga De Laurentis. “Sir Rage, nadala na po namin sa casa ang inyong kotse.”
Tumango lamang si Rage pero hindi binalingan ang lalaki. Nanatili ang titig niya sa akin habang ako ay nangingilabot sa paninitig niya.
“Why? What happened to your car?” tanong ni Romeo sa anak.
Napalagok ako sa tanong niya. Bigla akong kinabahan. Paano kung pagbayarin kami ng nagastos sa pagpapaayos nito? Hindi ko iyon naisip! Malalaman ni Mama ang ginawa ko!
“No biggies, Dad. A kitten scratched my car. That is all.” Lalong lumawak ang ngisi ni Rage nang mapansin niya ang naging reaksyon ko sa sinabi niya.
Kitten? I am a kitten now?!
“Really? I don’t remember having cats in our house.” Napahalukipkip si Romeo at tila ba napapaisip.
“Oh, Dad, we have a kitten. Hindi mo lang alam.” Tumingin sa akin muli si Rage. “Right, micia?”
Hindi ko alam bakit ako napatalon at nag-react ang aking katawan sa itinawag niya sa akin.
Masama kong tiningnan si Rage but he just smirked at me, darkly. May pagkasarkastiko ang lalaking ito!
Nang makawala ako roon ay nagdesisyon akong pumunta sa kuwarto na tutuluyan ko rito.
“Cali…” I groaned when I heard my mother’s voice. Ano naman kayang kailangan niya? Alam niya na kaya ang ginawa ko sa kotse ni Rage?
Lumapit si Mama sa akin at hinawakan ang balikat ko. Nakasimangot pa rin ako.
Bumuntong-hininga si Mama. “Alam ko na hindi mo gusto ang mga nangyayari but please, be nice to Rage, okay? Mas maganda kung magkakasundo kayong dalawa.”
Lalo akong nairita sa sinabi niya. Bakit parang ang labas pa ay ako ang masama ang ugali? Well, medyo, siguro. Pero mas masahol sa akin si Rage!
“Ma, siya ang sabihan mo niyan. Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa sa akin kanina? Muntikan niya na akong bungguin.”
Hiningal ako sa sobrang irita ko sa lalaking iyon. Hindi ata kami magkakasundong dalawa.
“Just try, Calista. After all, kapag natuloy ang plano namin ni Romeo, he’ll become your brother. Hindi ba at gusto mong magkaroon ng big brother noon?”
Laglag ang aking panga sa sinabi ko. Anong plano? Magpapakasal siya?
“Ma—”
“Just try, anak. Wala namang mawawala. Sige na at magpahinga ka na.”
Hindi na ako hinintay pa ni Mama na makaangal. Umalis na siya matapos sabihin sa akin ang mga gusto niyang sabihin.
I stomped my feet on the floor bago humarap sa pinto. Bago ko pa man iyon mabuksan, may narinig na naman akong boses.
“Bakit kaya hindi ka makinig sa mama mo? Be good to me, after all magiging kapatid kita.”
Hinarap ko siya. Kung nakakasaksak lamang ang mga mata, baka dumadanak na ang dugo niya sa talim ng tingin ko sa kanya.
“In your dreams! Hindi magpapakasal si Mama sa dad mo! Hindi kita magiging kapatid. I don’t even want you to be my brother!”
Nakahilig siya kanina sa pader at umaalis siya roon para lumapit sa akin.
“Kahit anong sabihin mo, kapag plinano nilang magpakasal, wala kang magagawa.” He crouched toward me at halos mapaatras ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
I have to admit. Matangkad talaga si Rage. I think he’s around 6 feet.
Hindi ko siya sinagot dahil alam ko na kapag nagdesisyon sina Mama, wala akong magagawa roon.
“Papayag ka na makapasok kami sa pamilya mo?”
Tumaas ang isang kilay niya, halatang hindi inaasahan ang sinabi ko.
“Apparently, no. Pero sa ayaw at sa gusto ko, do I have a choice if my father chooses to marry your mother? They are grown-ups. Alam na siguro nila ang ginagawa nila. The important thing to me is…” Mas inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ramdam na ramdam ko na ang init ng hininga niya sa aking pisngi! “Just don’t get in my way. Para magkaroon tayo nang maayos na buhay pareho rito. Do you understand that, baby sis?”
Parang bumaliktad ang sikmura ko nang tawagin niya akong baby sis. Who the heck gave him permission to give me nicknames?!
Umalis na si Rage matapos sirain ang araw ko. Matalim ko lamang naman siyang tiningnan hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Wala raw kaming magagawa kung maisipan ng mga magulang namin na magpakasal? I am desperate now. Gagawa ako ng way, para ang pagpapakasal ang huling ideya na pumasok sa isipan nila.