Calista IT ALL happened when I was in my first-year college. Sa totoo niyan, friendly naman akong tao. Mabilis akong malapitan and I always see the good in people rather than their bad. Pero siguro, talagang may mga taong magpapatunay sa ‘yo na hindi rin maganda ang maging mabait lang. Nang matanggap si Papa sa kanyang bagong trabaho sa Manila, lumapit kami mula sa Laguna papunta sa Manila. Halos lahat noon sa block mates ko, kinakaibigan ko. Ako kasi iyong tipo ng tao na ayaw nagpag-iiwanan, na akala mo hindi pwedeng mapag-isa. Pero biruin mo iyon, kung sino pa ang mga tinuring mong kaibigan at ang binigyan mo ng tiwala mo ay siya pa palang unang mang-iiwan sa ‘yo. First year when I met Sancho, my ex-boyfriend. He was a sophomore. Sikat sa school dahil mayaman ang pamilya at gwapo. C