Rage MATAPOS ANG breakfast kanina, sinabi ni Dad na mag-uusap kaming dalawa. I kind of expected kung anong magiging pag-uusap namin. Hindi pa nakatulong that Penelope is here. Pumasok kaming dalawa sa home office niya. Isinara ko ang pinto habang siya ay humarap sa malaking bintana “What do you want to talk about? I have things to do, Dad—” “Be honest with me, Rage. Are you dating someone?” Hindi na ako nabigla na ito ang itinanong niya sa akin. Matapos ang nangyari kanina at ang mga sinabi ni Penelope, alam ko na pag-uusapan namin ito ni Dad. “And what about it?” Susunod pa rin ako sa usapan namin ni Calista. Hindi ko sasabihin na siya ang girlfriend ko, pero hindi ko rin itatago na may girlfriend ako. Humarap sa akin si Dad. Halata sa kanyang mga mata na hindi niya nagustuhan ang