Calista “SABI NI MAMA, rito na lang daw ako mag-aral.” Hindi ko gusto ang naging desisyon na iyon ni Mama at hanggang ngayon, my head is being a busybody just to think of a way to change her mind. Marami akong pwedeng sabihin kay Mama pero alam ko na mag-aaway lang kaming dalawa. Sa tuwing iniisip ko ang huling beses na nagtalo kami, parang ayoko nang maulit pa iyon. I know, my mother was deeply hurt when she slapped me. Nakita ko naman kasi agad ang pagsisisi sa mga mata niya matapos niya akong masampal. She never hurt me. That was the first time. “Ibig sabihin, hindi ka na namin magiging schoolmate next sem? Nakakalungkot naman, Cali. Sana pala pinuntahan ka namin sa bahay ninyo bago kayo umalis papunta riyan.” Kausap ko ngayon ang isang kaibigan ko na nakilala ko ngayong nilapatan