Napatingin ako sa pinto ng kwarto na kinaroroonan ko nang bigla itong bumukas pagkatapos ng tatlong mararahan na katok. Hindi ako sumagot kaya naman naglakas-loob ng pumasok sa loob ang taong ayaw na ayaw kong makita ni anino niya. Si Ysrael…ang fiance kong taksil at siyang rason kung bakit ako napunta sa ganito kalaking suliranin. Pero hindi ko dapat ibato sa kanya ang lahat ng sisi dahil unang-una, gusto kong gumanti sa kanya dahil sa pagtataksil niya sa akin. Pangalawa gusto ko lang makalimot sa lahat ng mga nalaman ko, at pangatlo ginusto ko naman iyon kaya hindi ko dapat isisi sa kanya ang lahat. "Stella…honey…" atubiling tawag ni Ysrael sa akin. Hindi ko siya pinag-aksayahan ng oras na lingunin kahit na nagsimula na siyang humakbang patungo sa akin. Wala kaming dapat pang pag-usa