"Ouch!" mahina kong daing habang sapo ko ang aking noo. Kumikirot ito at hindi ko alam kung magagawa ko ba ng maayos ang usapan namin nina Sky at Justin. "Damn that f*****g liquor," hiyaw ko pa habang dinadama ang kirot sa aking ulo. Dumadagdag pa sa sakit ng ulo ko ang traffic. Kailangan kong makarating agad sa lugar na napag-usapan namin ni Justin. Hindi ako pwedeng mahuli dahil papalpak ang plano kapag hindi kaagad ako nakarating doon. Pumikit ako ng sumirit ang sakit sa aking sentido. Ang sakit talaga, need ko na yata uminom ng painkillers mamaya dahil after this ay may meeting pa ako ng alas-dos. Anong oras na rin kasi akong nakatulog dahil late na rin nang matapos kaming mag-inuman ni Sky. Sinabi ko ng huwag na kaming uminom ng marami pero sa malas napasobra kami ng inom. Alam nama