"You looked tired, Storm. Pinahirapan ka ba masyado ng batang iyon? O ikaw ang nagpahirap sa kanya?" tudyo ko kay Storm habang naglalakbay ang aking paningin sa kabuuan niya. Pabalik na sana ako sa driver's seat subalit nakasalubong ko naman siya na palabas naman ng eroplano. Alam kong may ginawang kabalbalan itong si Storm sa kasama nitong bata dahil kita ko iyong pawis na matindi sa kanyang noo at kalmot sa kanyang pisngi at leeg. Ang babae ang dahilan kung bakit narito kami sa Cebu. Alam kong hindi ko siya dapat biruin ng ganito ngunit hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para sabihin ito sa kanya. Naaawa ako sa batang babae dahil alam kong ginawan siya ng karahasan ng lalaking ito. I heard she is a p*****t for a debt. Pero hindi magandang itrato niya ito ng ganito lalo na a