Nag-aayos na ako papuntang simbahan para sana humabol sa kasal ng pamangkin ko nang tawagan ako sa cellphone ko ng pinsan ko at sabihing postpone ang kasal. Nagtataka man ay hindi ko na tinangkang magtanong pa kahit nais ko sanang tanungin kung ano ang problema at hindi natuloy ang kasal. Ang sabi ay na-postpone lang ito at itutuloy ito sa ibang araw o buwan. Iiling-iling ako na nagpalit ng aking damit. Ang dami kong schedules na pina-cancel at flight abroad na pupuntahan para lang makadalo sa kasal ng pamangkin ko. Paano na ngayon 'yan? Abala na ako sa mga susunod na araw at buwan. Hindi na ako makakadalo dahil sobrang hectic na naman ng schedules ko. Naisingit ko lang ito dahil plano kong mag-unwind para gamutin ang nasaktan kong puso. Pero hindi na pala dahil iba na ang gusto kong man