Mugto na ang mga mata ko kakaiyak hanggang sa makabalik ako ng La Union. Kagabi pa ako iyak nang iyak at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako. Buong biyahe ay ito lang ginawa ko at buti na lang hindi umiimik ang driver namin at hinayaan ako sa aking pag-iyak. Ayaw ko rin naman ng kausap dahil gusto ko ay tahimik kong mailabas ang sama ng aking loob. Wala naman siyang maitutulong dahil hindi kayang pawiin ng anomang salita ang nararamdaman ko ngayon. Pagkarating namin sa aming bahay ay diretso na agad ako ng aking kwarto. Kinukumusta ako ni Yaya Pilar nang makasalubong ko siya ngunit hindi ko siya pinansin dahil ayaw ko muna ng makakausap. Nagmukmok ako sa aking kwarto at iniiyak ko na naman ang kasawian ko sa pag-ibig ko kay Ysrael at ang pagkawala ng virginity ko sa lalaking iyon na hi