7: Scandal

2996 Words
"Miss Stellaris, tinatawag na po kayo ng photographer sa baba. Magpi-picture-taking muna raw kayo ng mga bridesmaids mo at maid of honor bago kayo tumulak papuntang simbahan," wika ng wedding coordinator nang buksan ko ang pintuan. I thought it was Ysrael. Hindi ko sana pagbubuksan ng pintuan dahil ayaw ko siyang makita. I'm glad hindi siya dahil baka rito pa lang ay masupalpal ko na siya. Medyo nagtataka na nga ako kanina pang umaga kung bakit hindi niya ako dinalaw dito sa kwarto ko. Okay naman na magkita na kami dahil ikakasal na kami mamaya. Kaya lang naisip ko baka umiskor pa siya kay Jinkee at sinulit ang nalalabing oras nila para ako ay kanilang pagtaksilan. Baka magre-retire na talaga sa pagiging lover niya si Jinkee kaya naman sinulit pa nila ang orad. Pero hindi, alam kong hindi maiiwasan ni Ysrael si Jinkee kahit kasal na kami. Patunay ang nakita kong paghahalikan nila kagabi sa stag party niya na halos daliin na niya ito sa harap ng mga kaibigan niya. "J-just a moment please…sunod na rin ako," pinasigla ko ang aking tono at ngumiti sa baklang wedding coordinator namin ni Ysrael. Akala ko tapos na ang pagkuha nila sa akin ng larawan. Heto at meron pa pala. Pwedeng time-out muna kaya? Sawa na ako pagngiti sa harap ng camera lalo na at wala naman na itong kwenta. Kanina habang narito ako sa aking kwarto at inaayusan ay todo kuha na sa akin ng video at larawan ang photographer at videographer. Hindi pa pala tapos at mukhang mangangawit na naman ang panga ko sa kakangiti. "Alright, Miss Stellaris. We will wait for you outside." "Okay…just a moment. Magbabanyo lang ako." "It's okay, take your time." "Thank you…" Mabilis kong isinara ang pinto pagkaalis ng bading. Naiiyak na tumitig ako sa kisame at sinubukan na huwag malaglag ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Nakakaiyak, bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Naging mabuti naman akong anak, kapatid, kaibigan, at nobya? Bakit ako pinaparusahan ng Diyos ng ganito? Bakit hinahayaan niya akong saktan ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan ko? Kinurap ko ang mga mata ko at pinilit ko na i-relax ang aking sarili. Nag-isip ako ng mga nakakatuwang pangyayari sa buhay ko para hindi ako umiyak. Naalala ko si Daddy, the unconditional love that he always gave me. At si Mommy na mahal din man ako kahit papaano kahit hindi ako ang paborito niya. Gumaan ang pakiramdam ko nang maalala ko sila pero muli rin akong nalungkot dahil isa sila sa umaasa na matutuloy ang kasal. My Mom and Dad are so excited for the wedding. Maging ang mga magulang ni Ysrael na dumaan sa kwarto ko kanina ay excited na rin sa pag-iisang dibdib namin ng kanilang anak. Pinilit ko lang maging masigla sa harapan nila para wala silang mahalata. But deep inside of me I'm dying…I'm dying because of loneliness and regret. Regret…because of what I did last night. Ang tanga ko…napakatanga mo talaga, Stella! Gusto ko na lang sanang manatili rito sa suite ko at huwag ng mag-picture taking. Wala naman na itong saysay pagkatapos dahil magiging saradong aklat na lang ang sa amin ni Ysrael. It will end later and I know magiging masakit itong katapusan sa aming dalawa. Well, sisihin niya ang sarili niya dahil ako, wala akong ginawa kundi maging mabuting nobya. Pero siya…puro lang siya pasarap. I walked towards the bed. I sit on it and silently curse because of the pain I felt between my thighs. Sobrang sama pa rin kasi ng pakiramdam ko dahil sa pakikipagtalik ko sa hindi ko kilala. Sinapo ko ang aking ulo nang makadama ng sakit dito. Ito pa pala ang isa sa pinoproblema ko mamaya. Paano kung nakita niya pala ang mukha ko kagabi? O baka kilala niya ako, what would happen to me? Pero siguro naman hindi…pareho kaming lasing at siguro hindi na niya ako maaalala dahil mukhang playboy naman ang isang iyon. Kung hindi, tinanggihan na sana niya ako kahit anong alok ko sa katawan ko. Mas lalong sumakit ang ulo ko. Akala ko ang sa amin lang ni Ysrael ang poproblemahin ko ngayon. Ngayon pati iyong nangyari sa amin ng estranghero na nakatalik ko kagabi ay prinoproblema ko na rin ngayon. Napapikit ako nang biglang bumaha sa aking alaala ang mga nangyari kagabi. Parang gusto kong umiyak at saktan ang aking sarili dahil naibigay ko ang aking sarili sa lalaking hindi ko naman kilala. Para na lang akong bida sa pelikula na dahil sa pagiging broken-hearted at lasing ay nakagawa ako ng pagkakamali at ngayon ay labis kong pinagsisihan. What I did last night was very wrong. Ngayon ko na lang ito pinagsisihan dahil maling-mali na ginamit ko ang aking katawan para kalimutan ang kataksilan ni Ysrael. Ngayon ko lang naisip na hindi tamang nagpadalos-dalos ako sa mga kilos ko. Paano kung nakilala ako ng lalaki? Paano kung hindi naman pala siya tulog kagabi? What should I do? I know guest siya rito sa resort at malamang ay kamag-anak pa nina Ysrael dahil Salazar ang apelyido niya. I heard he's a billionaire pilot at isa siya sa may-ari ng twenty-percent share sa school namin. At alam kong hindi na iyon single dahil may edad na kaya naman natatakot ako dahil baka mabuntis niya ako at magkaroon pa siya ng anak sa labas sa akin dahil sa katangahan ko. Naisip ko kasing imposibleng wala siyang asawa dahil hindi mahirap sa kanya na maghanap ng mapapangasawa. Mayaman siya, gwapo at alam kong kilala sa business world at maging sa social world dahil mayaman siya. Shocks! Tapos kamag-anak pa pala nina Ysrael? Ikakahiya ako nina Mommy at Daddy kapag nabuntis ako na walang ama ang anak ko. Hindi ko pwedeng ituro ang lalaki dahil unang-una nagkasundo kami na wala kaming pananagutan sa isa't isa pagkatapos ng gabing iyon. Wala akong habol kaya napakatanga ng ginawa ko talaga. Sana ay nagkulong na lang sana ako sa aking kwarto at itinulog na lang ang sakit na nadarama ko sa aking puso. Kaysa naman ganito na hindi ko alam ang susunod na mangyayari sa akin pagkalipas ng isang buwan. Sana huwag akong mabuntis. Kapag nangyari ito ay katapusan ko na. Baka itakwil ako ng aking mga magulang lalo na kapag nalaman nilang nakipag-one-night stand ako sa isang estranghero. "Ang tanga mo kasi, Stella! Nagpadala ka sa kalasingan at kalungkutan mo! Ayan tuloy! Paano kung makilala ka? Eh di pagtatawanan si Ysrael?" tudyo ng utak ko. "Wala akong pakialam!" galit kong sigaw. Galit na galit ako sa kanya! Hindi naman na matutuloy ang kasal. Pagkatapos ng picture taking ay huhubarin ko ang aking damit pangkasal at pupunta ng simbahan para sa aking mainit na pasabog. Ilang beses ko na itong pinag-isipan kanina at walang makakapigil sa akin para gawin ito. Bahala na. Basta ang mahalaga ngayon ay makaganti ako sa pagiging taksil sa akin nina Ysrael at Jinkee. Mabilis na natapos ang picture taking. Panay ang papuri ng photographer at wedding coordinator dahil puro perfect daw ang kuha namin. Kahit papaano naman ay inaliw ko na lang ang aking sarili sa paggiti sa camera. Kahit dito man lang ay mawala ang bigat na narito sa aking dibdib. "Miss Stella…hihintayin na lang po kayo ng driver sa baba ng hotel. Mauuna na kami ng mga bridesmaids mo at maid of honor sa simbahan, tutal ikaw naman ang mahuhuli na maglalakad patungo sa altar." "Sige, ingat ko sa biyahe." "Ikaw din, Miss Stella. Best wishes and give your best smile later. Remember, huwag kang iiyak para hindi masira ang make-up mo." Tumango lang ako at tipid na ngumiti sa sinabi ng bading. At pagkatapos ay nagpaalam na siya at iniwan ako sa aking kwarto. Ako naman ay mabilis na nagpupunas ng aking mukha gamit ang wipes. Binura ko ang aking make-up at kinalas ang pagkakaayos ng aking buhok. Pagkatapos ay hinubad ko ang suot kong gown at nagpalit ng damit. Itim na loose t-shirt at tight-fitting jeans ang isinuot ko. Tinernuhan ko ito ng puting sneakers at saka na ako lumabas ng kwarto at nagpasyang magtungo na ng simbahan. Hindi ako dumaan sa harap. Sa likod ako dumaan para walang makakilala sa akin. May ten minutes ako para makarating ng simbahan at iyon ay kung makakakita ako ng pwede kong sakyan. Napatingin ako sa kabilang banda ng resort. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para tumingin doon. Halos mapanganga ako nang tumambad sa aking harapan ang isang napakagandang helicopter na nadidisenyuhan ng bulaklak at ribbon. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang pagmamay-aring helicopter ng lalaking nakatalik ko kagabi. Ito iyon dahil wala namang ibang helicopter dito kundi ito lang. "Hammer…" basa ko sa pangalang nakaukit sa labas ng helicopter. Naalala ko na ito ang pangalan ng helicopter na nirentahan ni Ysrael na gagamitin sa post nuptial namin pagkatapos ng kasal. Shit! Walang duda! Magkamag-anak nga si Ysrael at ang lalaking iyon! "Mahuhuli ako sa pagdalo sa kasal nila, Kuya. My head is aching badly. Yeah, dito na lang ako sa resort maghihintay…" Nataranta ako nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Napatingin ako sa likod ko at halos matumba ako sa aking kinatatayuan nang makita ang lalaking nakatalik ko kagabi! Oh my gosh! Hindi ako nagkamali sa aking hinala. Kamag-anak nga ni Ysrael ang lalaki! Nagpasya akong umalis na bago pa ako makilala ng lalaki. Pero hindi siguro niya ako makikilala sa ayos ko dahil bukod sa nakapaloob sa sumbrero ang buhok ko. Nakasuot din ako ng itim na shades. Pumara ako ng tricycle na siyang nakita ko sa kalsada nang makalabas ako ng resort. Kaagad na nagpahatid ako sa simbahan at hinanda ang aking sarili para sa isang palabas na aking gagawin. Nang makarating ako sa simbahan ay kaagad akong nagtungo sa loob. Walang nakapansin sa akin dahil busy ang lahat sa paghihintay sa bride. Pumunta ako sa sulok at tiningnan ang cellphone ko na puno ng text. Nag-reply ako sa mensahe ni Mommy na on the way na ako at magsimula na sila. Naisip kong i-text ang driver at kinausap ko siyang sumakay sa plano ko. Inalok ko siya ng malaking halaga kapalit ng pagtulong niya sa akin. Sa una, ayaw niya. Pero nang sabihin kong tutulungan kong makatapos ang bunso niyang anak sa pag-aaral ay pumayag na rin ang matanda. Alam kong hindi maganda itong ginagawa ko pero it's the only way para hindi sila maghinala. Di bale, hindi ko ipapahamak ang driver namin dahil ipinangako kong wala siyang magiging kinalaman sa gagawin ko. "Mag-ready na po ang lahat. Parating na ang bride at tayo ay magsisimula na." Narinig kong anunsiyo sa mikropono ng bading na wedding coordinator namin ni Ysrael. Nagsiayos naman na ang lahat sa kanilang pwesto at nagsimula na sila sa paglakad sa gitna papunta sa altar. Ako naman ay lumabas at inabangan sa labas ang bridal car. Nang makita ko ito ay kaagad ko itong pinara at pumasok sa loob. "Ano ba ang nangyayari Ma'am Stella? Bakit hindi ka nakasuot ng pangkasal?" tanong ng matanda nang makapasok na ako sa loob. "Mahaba pong kwento, Mang Tomas…" "Kung ano man iyan, Ma'am sana pinag-usapan na lang ninyo ng maayos. Gulo kasi ang nakikita kong mangyayari sa loob." "Tama po kayo…pero dapat lang po iyon…" naiiyak kong sabi. "Pasensiya ka na…wala ako sa lugar para magsalita. Basta ang masasabi ko lang kaya mo 'yan." "Sana nga po kayanin ko…" Isinara ang pinto ng simbahan. Hudyat ito para lumabas ako sa kotse. Malungkot na tumingin ako sa driver at saka ako nagpasyang lumabas para matapos na ang lahat. "M-Miss Stellaris…what happened? Why?" "Tabi…" tangi kong nasabi sa bading at saka na ako tumapat sa pinto at hinintay ang kanta na hudyat para pumasok na ang bride sa loob. Ang photographer at video ay nakatanga lang sa aking ginagawa. Para silang naestatwa at hindi malaman kung ano ang kanilang gagawin. Heart beats fast… Colors and promises… How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall? Bumukas ang pinto at sumungaw sa lahat ang itsura ko na hindi nakasuot ng wedding gown. Na-shock ang lahat ng tao especially my parents and of course ang walanghiya kong fiance! Naglakad ako palapit sa altar not minding those people na pinag-uusapan ako habang nakatingin sila sa akin. Sina Daddy at Mommy ay patakbong pumunta sa akin habang tinatanong ako kung bakit ganito ang itsura ko. Tumigil ang tugtog sa speaker at doon lang natahimik ang simbahan. "What are you doing, Stellaris? What's the meaning of this?" galit na sabi ni Mommy sa akin. Si Daddy ay nakatingin lang sa akin habang pinagmamasdan ang pagluha ko. "Hindi na po matutuloy ang kasal, Mommy," umiiyak kong sabi. Halos dinig sa buong simbahan ang sinabi ko at halos pare-pareho ang reaksyon ng mga tao sa sinabi ko. Pagkagulat, pagkamangha at kalungkutan. Marami ang excited sa kasal namin ni Ysrael dahil perfect couple raw kami. Pero ang hindi nila alam ay may kababalaghan na ginagawa ang fiance ko behind my back. Sina Tita Ysa at ang asawa niya ay tarantang lumapit sa akin nang marinig ang aking sinabi. Umiiyak na si Tita Ysa habang tinatawag na lumapit si Ysrael sa akin. "K-kung ano man ang problema, Stella baka pwede naman ninyong pag-usapan ng anak ko," naiiyak na sabi ni Tita Ysa. Hinawakan niya ako sa aking mga kamay at tila nagmamakaawa na huwag kong ituloy kung ano man ang pinaplano ko. "T-Tita…I'm sorry… I can't marry your son…" "Why? Ano'ng ginawa niya sa iyo para maisip mong umurong sa kasal ninyo?" "Marami po, Tita. Marami pong kasalanan si Ysrael sa akin na hindi ninyo alam…" "Wala akong alam na kasalanan sa iyo, honey. Please, don't do this to me. Ituloy natin ang kasal," singit ni Ysrael na nakalapit na sa akin at tangka akong yakapin. "Don't touch me!" asik ko sa kanya at saka malakas siyang sinampal sa kanyang mukha. "Don't you dare touch me with your filthy hands, Ysrael! Nakakadiri ka! Akala mo hindi ko alam, ha? Matagal mo na akong niloloko!" "H-hindi ko alam ang sinasabi mo, Stella! Kung ito ang way mo para umurong sa kasal huwag naman ganito. I love you so much at hindi ko magagawa ang bintang mo," namumula ang mga matang sabi ni Ysrael. Tinangka muli niya akong hawakan ngunit isang malakas na sampal na naman ang pinatikim ko sa kanyang mukha. Alam kong hindi mapapawi ng sampal ang sakit na nadarama ko sa aking dibdib ngunit kahit man lang dito ay matauhan siya sa mga kasalanan niya sa akin. "Stella, pag-usapan ninyo ni Ysrael kung ano man ang problema ninyong dalawa. Pwede naman nating i-post pone ang kasal at ituloy na lang natin ito bukas." "No, Tita. Wala na pong mangyayaring kasal dahil umuurong po ako at makikipaghiwalay na sa anak ninyo. Ilang beses na niya akong niloko at ayokong kapag naging mag-asawa kami ay lokohin na naman niya ako!" Tumingin si Tita Ysa sa anak niya at hinahanap ang katotohanan ng sinabi ko sa mukha ni Ysrael. Habang si Ysrael naman ay nag-iwas ng tingin habang umiiyak na rin. Iiyak-iyak siya ngayon? Nagpakasarap naman siya ng walang katapusan sa kandungan ni Jinkee. Kitang-kita ang guiltiness sa mukha niya. Alam na niya kung ano ang tinutukoy ko. Ano ako tanga? Sina Mommy at Daddy naman ay lumapit sa akin at hinila ako paalis sa harap nina Tita Ysa at Ysrael. Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy habang si Mommy naman ay lumapit sa mag-ina at matapang na nagsalita. "Magsalita ka Ysrael, totoo ba ang sinabi ng anak ko?" "No, Tita. Hindi po totoo!" "Liar!" I said screaming. Kumalas ako sa yakap ni Daddy at tinakbo ang kinaroroonan ni Jinkee na tahimik lang na nanonood sa pangyayari. Gulat na tiningnan niya ako habang hindi niya alam kung paano titingin sa mukha ko. Walang sabi-sabing hinila ko siya sa kanyang buhok at kinaladkad siya palapit kina Ysrael at Tita Ysa. Halos malagas na ang buhok niya habang nagsisigaw na bitiwan ko ang pagsabunot sa kanya. "Hayaan, Ysrael! Hayan ang malanding haliparot na bestfriend ko na kabit mo! Sabihin mo sa akin na wala katotohanan ang relasyon ninyo at naglalaro lang kayo sa kama mo!" Gulat na napahawak sa kanyang bibig sina Tita Ysa at Mommy. Habang ang Daddy ko naman at Daddy ni Ysrael ay napailing-iling. Ang mga taong nanonood ay gulat pa rin at mukhang naghihintay sa susunod kong mga pasabog. "T-Totoo ba ito, son?" Tanong ni Tita Ysa na mangiyak-ngiyak na. "Answer me! Did you cheat behind Stella 's back?" "Mom…no…" Napaiyak ako. Magsisinungaling pa rin siya kahit huling-huli na siya? "Stella, honey…let's talk about this. Don't do this to me…" pagmamakaawa ni Ysrael sa akin. Pinilit niya akong nilapitan ngunit pumagitna si Jinkee at pinigilan siya. "Ysrael…iwan mo na siya. Tayo na lang ang magpakasal. Ako na lang…please…mahal na mahal kita," iyak nito habang nakayakap sa baywang ng lalaking dapat ay pakakasalan ko. Gusto ko muling sabunutan si Jinkee ngunit nanghina ako dahil kitang-kita ko kung paano siya magmaakaawa kay Ysrael mahalin lang niya ito. "No…si Stella ang mahal ko. Bitiw!" Inalis ni Ysrael sa katawan niya si Jinkee at kaagad na lumapit sa akin. Subalit isang sampal ang pinatikim ko sa kanya habang ang mga magulang namin ay umiiyak lang sa nasasaksihan nila. Awang-awa ako kay Mommy at Tita Ysa pero ano'ng magagawa ko kung hindi ko masikmura na pakasalan ang lalaking nagtaksil sa akin. Malinaw na siguro sa kanila ang lahat. Narinig nila mismo sa bibig ng dalawa ang relasyon na tinatago nila. Hindi ko na kailangang ipakita ang video. Buburahin ko na lang ito at kakalimutan ang lahat ng nangyaring ito. Umalis ako sa simbahan at iniwan ang kaguluhan na ginawa ko. Narinig ko pa ang paghabol sa akin ni Ysrael at pagmamakaawa ni Tita Ysa sa akin ngunit buo na ang desisyon ko. Buburahin ko sa buhay ko ang kaugnayan ko sa kanila. Bahala na sina Mommy at Daddy basta ako, gusto ko munang takasan ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD