5. Broken-hearted...

2013 Words
"Kalimutan mo na siya, Er. Ibaling mo na lang sa iba ang atensyon mo dahil alam mong wala ka ring mapapala sa huli," untag ni Justin sa aking pananahimik habang mataman siyang nakatingin sa mukha ko. Napansin yata niya na kanina pa ako nakatulala simula nang dumating kami rito sa bar ng aming kaibigan. Wala naman kasi akong sasabihin sa kanya. Gusto ko lang uminom, mag-relax at aliwin ang aking sarili sa alak. It's a very tiring week for me actually. Ang dami kong trabaho sa airlines na pag-aari ko. Ang daming booking tapos halos iilan lang ang piloto kaya naman dalawang beses akong nag-sub para magpalipad ng eroplano. Tapos siningit ko pa ang pagbisita sa university kamakailan na kung saan ay isa rin ako sa may-ari. Sabi ng Tita ko na siyang pinaka-boss, bisitahin ko rin daw minsan ang school para makita ko kung may gusto ba akong idagdag sa kurso o gusto kong ipa-renovate sa mga building. So far, may nai-suggest naman ako at iyon ay magdagdag ng kurso na BS Aeronautical Science at BS in Air Traffic Management. Ganitong kurso sila kinulang kaya naman nai-suggest ko na magdagdag ng mga ganito. Tapos nang may time ako ay binisita ko rin ang condo na pag-aari ko na pinapadagdagan ko ng pool dahil hindi sapat iyong dalawa sa harapan kapag weekends. Binisita ko rin ang mall na pag-aari ng angkan namin na ewan kung bakit sa akin pa tinoka ng mga kamag-anak ni Daddy kung pwede naman sila ang magpalakad dito. Ang dami kong inaasikaso sa totoo lang pero hindi sapat ito upang makalimutan ko ang problema ko sa puso. Kapag uuwi ako sa aking pamamahay doon ay dinadalaw ako ng matinding kalungkutan dahil hindi pwedeng maging akin ang babaeng aking pinakamamahal. Sabi ni Justin ibaling ko sa iba ang atensyon. Kanino? Sino? Ni wala akong makita na katulad niya. I think…walang hihigit sa kanya. O baka nasasabi ko lang ito dahil hindi ko pa nakikita ang babaeng tinadhana para sa akin. I know it's not her…pag-aari na siya ni Sky sa simula pa lang. "Karibal mo si Sky sa kanya at alam nating na sa inyong dalawa ay mas lamang si Sky," dagdag na pahayag ni Justin habang tutok na tutok pa rin ang tingin niya sa akin. Alam ko naman ito…bakit ba pinapamukha niya sa akin na kahit ano'ng gawin ko ay hindi magiging akin si Jasmine. "Move on, pare. There's a lot of girls out there waiting for your attention. Tumingin-tingin ka lang sa paligid at baka nasa paligid lang ang tadhana mo." Tinawanan ko lang ang sinabi ni Justin but deep inside of me nalulungkot ako ng sobra. Madaling sabihin ang sinabi niya pero ang hirap gawin. I am in love with her. Pero pinapamukha sa akin ng katotohanan na hindi ko siya dapat mahalin. Sky and Jasmine will having a baby soon. Kahit gaano pa kasama ang ginagawa ni Sky kay Jasmine ay alam kong sila ang magkakatuluyan sa huli. Kailangan ni Sky si Jasmine para makapag-move on. Alam kong siya ang susi para magbago ang pananaw ni Sky sa paghihiganti sa pamilya nila. Sino ba naman ako para isiksik ang sarili ko sa love story nilang dalawa. Oo, nagsimula sila sa pangit na umpisa ngunit alam ko naman na gaganda ang takbo ng relasyon nila kapag nabuntis ni Sky si Jasmin. Hindi malabong mangyari ito dahil sabi ni Justin fertile si Jasmine at baka nga nakabuo na sila. Kaya kahit gusto ko man siyang iligtas sa pagmamalupit ni Sky, alam kong hindi niya masasaktan ng sobra ang babae dahil alam ko na may natitira pang kabutihan sa kalooban si Sky lalo na kapag nalaman niyang buntis si Jasmine. "I'm trying…but it's so hard to do. Kung madali lang ang kalimutan siya eh di sana naghanap na ako ng ipapalit sa kanya. But it's so hard to do. I'm so broke, pare…" Tiningnan ko ang hawak kong kopita habang nilalaro ko sa aking daliri ang yelo na nasa loob nito. Ang hirap, buti sana kung mabilis ang lumimot. "Sa una lang 'yan, kita mo 'ko? Naka-move on na…" nakatawang ani ni Justin. "Crush lang naman kasi ang nadarama mo kay Jasmine. Ako, na-love at first sight ako sa kanya at alam mo 'yan," malungkot kong sabi. Sa kanya lang ako madalas mag-open up dahil alam kong naiintindihan niya ang nadarama ko. "Mahirap 'yan, pare. Mahal na ni Sky si Jasmine ayaw lang niyang umamin sa nararamdaman niya dahil sa kanyang paghihiganti. Kaya ikaw, mag-move on ka na. Ang daming chicks oh." Itinuro ni Justin ang mga babaeng nagsasayaw sa gitna ng disco. Dinilaan niya ang gilid ng kanyang labi na tila natatakam sa mga ito. Narito kami sa VIP room ng bar ni Blue at kitang-kita sa salaming dingding ang mga babaeng gumigiling habang nagtatawanan sa gitna ng disco. Very tempting actually. Kung hindi lang ako na-hook ng sobra kay Jasmine. I know…katulad ni Justin ay nasa labas na ako at gumigiling kasama ng magagandang babae na nagkakatuwaan sa pagsasayaw. They are very hot and sexy, ang sarap sigurong humila ng makaka-one-night sa mga ito. Pero wala ako sa mood ngayon…broken-hearted ang puso ko. "Come on, pare. Let's rock!" Sumayaw si Justin sa harapan ko at gigil na kinagat ang kanyang ibabang labi habang gumigiling. Inilingan ko ng matindi ang sinabi niya at tumungga sa hawak kong kopita. "Ang se-sexy! Ang sarap paluin ng pwet!" gigil na sabi muli ni Justin habang sinasabayan ng sayae ang tugtog ng disco. Bakit hindi pa kasi siya bumaba roon sa baba at sabayan niya sa pagsasayaw ang mga sinasabi niyang chicks. Gusto ko munang mapag-isa rito para lunurin ang aking sarili sa alak. Ito na lang talaga ang kasama ko kapag nalulungkot ako. Kahit sa pamamagitan man nito ay makalimutan ko siya. "f**k! I feel horny!" Tinamaan na yata ng alak si Justin. Nagiging malaswa na ang kanyang bibig. Sabagay, simpleng manyak rin itong si Justin sa totoo lang. Mukha siyang maamong anghel kung titingnan mo pero mas delikado pa siya sa demonyo. Hindi na rin siguro niya mabilang kung ilan na ang nadala niya sa kama at kadalasan pa ay nurse ang tinatarget niya. As for me, marami naman na akong natikman sa totoo lang. I want to pleasure every girl that I like. Pero ewan ko kung bakit bigla akong nawalan ng gana. Masyado lang siguro akong malungkot kaya wala akong ganang maghanap ng babaeng lalabasan ng init ng aking katawan. Madalas ay hinahanap ko ang katangian niya sa ibang babae. Kaya siguro nawalan ako ng gana na mambabae ng mga nakaraang buwan dahil hindi ko mahanap sa kanila ang nahanap ko sa kanya. "Come on, Er. Let's have some fun, there." Tinuro muli ni Justin ang disco sa akin ngunit umiling lang ako sabay buhos ng alak sa aking kopita. "Ikaw na lang, pare. Dito na muna ako," sabi ko habang tamad na nangalumbaba. "Ang killjoy mo! Broken-hearted ka lang nawalan ka na ng gana sa iba. Kalimutan mo na siya, pare. Halika, tingin tayo ng chikababes sa baba!" excited na sabi Justin. Gumiling pa ang loko na tinawanan ko lang. Napakalandi talaga ng isang ito. Sana makahanap siya ng katapat niya. Iyong maumay na lang siya bigla sa mga babae at mag-stick siya sa isa. "Hayaan mo muna ako, pare. Magsesenti lang muna ako, sa susunod na linggo ayos na ako." Sisikapin ko na siyang kalimutan. Magagawa ko naman siguro iyon ng mabilis lalo na at iiwas na ako sa kanila ni Sky. Hindi na kami kailangan ni Sky, tapos na ang misyon namin ni Justin sa kanya. Naisip ko iyong kasal na dadaluhan ko sa Batangas sa susunod na dalawang araw. Hindi sana ako dadalo ngunit kinukulit ako ng pinsan ko na dumalo dahil request ito ng anak niya. May pinaplano kasi sila sa post nuptial shoot ng mga ito at gagamitin nila ang sasakyan kong si Hammer para maging props sa post nuptial ng mag-asawa. Ayaw ko naman na iba ang magpaandar kay Hammer kaya umoo na lang ako. 'Di bale, timing din siguro na naimbitahan ako para makapagbakasyon naman ako kahit ilang araw lang. Tamang-tama makakapag-unwind ako sa susunod na araw. May pa-stag party rin kasi ang aking pamangkin sa private resort kong iyon sa Batangas. Gusto ko sanang tumanggi na maki-party sa kanila dahil baka kaedad lang niya ang dadalo ngunit makulit ang pamangkin ko. Single naman daw ako kaya maki-party na ako sa stag party niya. Pumayag na lang ako. Buti pa ang batang iyon ay ikakasal na. Samantalang ako na uncle niya ay wala man lang love life. Makahanap na nga lang ng mapapangasawa. Sana may maka-one-night stand ako minsan na papasa sa standard ko at mabuntis ko agad. Lalagay na ako sa tahimik kapag nangyari ito. Pero malabo ito…ano ako nasa isang pelikula? Hay…sana ibigay na ng langit ang babaeng para sa akin. Para naman hindi na ako nalulungkot at naiinggit kay Sky. Mabuti pa si Justin, ang bilis nakapag-move on. Ako kaya, kailan? Hindi rin ako nagtagal sa bar. Naka-limang shots lang ay nagpasya na akong umuwi para makapagpahinga. Sa condo na muna ako uuwi mas malapit ito sa bar ni Blue at tinatamad akong mag-drive pauwi sa mansion lalo na at wala akong dala kahit isa sa mga bodyguard ko. Mabilis na lumulan ako sa elevator nang pindutin ko ito para bumukas. Napamaang ako nang may makita akong babae na umiiyak sa loob at halos maubusan na siya ng hininga sa kakasinok. The girl looked familiar. Her creamy white skin, long curly hair, petite yet sexy body. Ahhh... Saan ko na nga ba siya nakita? Nag-isip ako saglit habang humahakbang papasok ng elevator. Tumabi ako malapit sa kanya at pinagmamasdan ang kanyang pagtangis. Then a memory flashed in my mind. Naalala ko na siya! Siya iyong babae na nakadalawang panyo na sa akin. Siya iyong babae na niyakap ko at inalo ko na iyak nang iyak noong naroon ako sa mall. Bakit ba lagi siyang umiiyak kapag nakikita ko siya? Una dito sa condo unit, pangalawa sa mall at ngayon dito ulit sa condo. Broken-hearted din ba siya kagaya ko? Gusto ko sana siyang tanungin pero wala naman akong karapatan na magtanong. Baka sabihin pa niya na napakapakialamero kong tao. Ano kayang itsura niya? Gusto ko pa naman makita ang mukha niya ngunit mukhang tinatago niya. Lagi na lang kasi siyang nakayuko kaya hindi ko mabistahan ang kanyang itsura. Tapos gulo-gulo pa ang kanyang buhok na talagang sinadya na itago ang kanyang mukha. "Miss…you know, hindi ko alam kung nakatadhana ba akong lagi kang pahiramin ng panyo ko sa tuwing magkikita tayo, pangatlo na 'to ah," nakatawa kong sabi sa babae na biglang tumahan sa pag-iyak. Lagi na lang siyang walang dalang panyo kapag umiiyak siya, mabuti at lagi akong may panyo sa bulsa. Hindi naman nakakahiya sa kanya na ipahiram lalo na at mabango naman ang panyo ko. Mukhang ngayon lang yata niya napansin na may kasama na siya sa elevator. Tila gulat na gulat siya at hindi alam ang kanyang gagawin. "Here…hiramin mo muna ulit…and please…sa susunod na magkita tayo. Sana naman hindi ka na umiiyak." Inabot ko sa kanya ang panyo na kaagad naman niyang tinanggap. "S-salamat po. Hayaan niyo po, ibabalik ko rin ang mga panyo niyo," aniya sa mahinang tinig. Ako naman ang nagulat sa bigla niyang pagsasalita. Akala ko kagaya noon ay aabutin lang niya ang panyo na hindi iimik. Napahawak ako sa puso ko nang marinig ko ang boses niya sa unang pagkakataon. Ang ganda, napakalumanay. Siguro, maganda rin ang babaeng ito. Na-curious akong makita ang mukha niya. Baka siya na ang tadhana ko. Lagi na lang kaming nagkukrus ang landas! Magsasalita na sana ako para makipagkilala sa kanya pero bumukas ang elevator at kaagad na lumabas ang babae. Ako naman ay naiwang tulala habang hawak ang puso ko. Shit! Bakit hinayaan ko siyang lumabas na hindi kami nagkakakilala! Dapat makilala ko siya! Feeling ko, siya ang tadhana ko! Fuck! Nagmadali ako sa pagpindot ng elevator. Hahabulin ko siya, I need to know her name! Pero sa malas...wala akong naabutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD