Sinikap kong maging masaya at feeling excited habang patungo kami ng pamilya ko sa Batangas. Doon kami ikakasal ni Ysrael sa San Isidro Labrador Parish kung saan din ikinasal ang mga magulang ko at mga magulang niya.
Tapos sa resort na pag-aari naman ng uncle niya kami mag-che-check in para mag-stay ngayong gabi hanggang sa ikasal na kami ni Ysrael bukas.
Sina Daddy at Mommy ang kasama ko rito sa aming kotse samantalang ang pamilya naman ni Ysrael ay nauna na kahapon pa sa resort para maayos ang suite na tutuluyan namin. Ang ilang mga kamag-anak namin ay nakasunod na sa amin samantalang ang iba ay bukas pa ng madaling-araw pa bibiyahe dahil hindi kami makaka-accommodate lahat ng resort. Kahit gaano pa ito kalawak, hindi kasya ang two hundred guest para magsiksikan sa tatlumpung kwarto lang ng resort.
Binisita na namin ni Ysrael ang resort nang nakaraan kaya naman nakita namin kung gaano karaming guest lang ang pwede na mag-stay sa naturang resort.
Excited na ang lahat sa kasal namin ni Ysrael. Ako lang yata ang hindi excited sa aming kasal.
Kasal?
Walang mangyayaring kasal!
Paano ako magpapakasal kung nahuli ko na naman siya.
Napangiti ako nang mapait nang maisip ko ang patong-patong niyang kasalanan sa akin. Palihim akong nagpunas ng aming mga luha dahil hindi ko akalain na magagawa niya akong lokohin ulit. Akala ko titigil na silang dalawa ni Jinkee sa pagkikita nila at pagtatalik. Pero nahuli ko pa sila sa condo niya ulit nang i-text ako ng number na nag-text sa akin noon na pumunta ako roon.
Tama ako sa aking hinala. Kay Jinkee nga ang numero at alam kong ginagawa niya ito para hindi matuloy ang kasal namin ni Ysrael. Pinakita niya sa akin na hindi siya matatanggihan ni Ysrael kahit ano ang gawin niya. Mahal niya ang fiance ko at alam kong gagawin niya ang lahat huwag lang siyang matali sa akin.
Pwes! Kanyang-kanya na si Ysrael! Hindi matutuloy ang kasal kung ito ang gusto niyang mangyari. I will give her the satisfaction that she wants. Isaksak niya sa katawan niya si Ysrael hanggang gusto niya. Pakasawa siya dahil hindi matutuloy ang kasal na inaasam-asam ni Ysrael para sa aming dalawa. Dahil nagpapadala siya sa pang-aakit ni Jinkee, anihin niya ang aking paghihiganti. Ipapahiya ko sila bukas at sisiguruhin ko na masisira ang pangalan nilang dalawa.
Ako on the other hand, magpapatuloy sa buhay ko kahit na masakit ang mga naranasan ko. I know how hard it is to move on, minahal ko si Ysrael eh. First boyfriend ko siya, first sa lahat ng first pero hindi siya nakuntento sa akin dahil hindi siya nakatiis na tumikim ng iba mapagbigyan lang ang libog niya sa katawan.
I thought he was a perfect boyfriend, a perfect husband. But I guess he is not, sabi nga nila nobody's perfect, nag-ilusyon lang talaga ako dahil sobra siyang mapagmahal at maalaga. Iyon pala ay may ginagawa na siyang kalokohan behind my back.
Naisip ko ngang gumanti sa kanya. Itutuloy ko ang kasal pero ibibigay ko sa iba ang puri ko mamayang gabi. Ibibigay ko sa iba para man lang makaganti ako sa panggagago niya sa akin.
May surpresa sa akin ang mga bridesmaid ko sa bridal shower ko at iyon ay isang macho dancer na sasayaw sa gitna. Pero naisip ko, ayoko sa isang cheap na lalaki. Isa pa, kilala niya ako. Gusto ko kung makikipag-one-night stand man ako ay sa hindi ko kilala. Para pagkatapos na may mangyari sa amin ay walang pakialam na iiwan namin ang isa't isa. Pero hindi ko naman kaya…kahit gaano pa ako sinaktan ni Ysrael, ayaw ko naman gumanti para lang masaktan ko rin siya.
"Stella, nasukat mo na ba ang gown mo?" tanong sa akin ni Mommy na bigla na lang nagsalita mula sa harapan.
"H-hindi po, Mom…" medyo nautal ko pang sagot habang sinisikap kong maging maayos ang tono ko. Buti at nakayuko ako habang tahimik na tumatangis kaya hindi niya makikita ang aking pag-iyak.
"Why? Mamaya hindi kasya sa iyo, eh di i-a-adjust pa nila?" medyo may iritasyon na sabi ni Mommy.
Wala naman ng kwenta ang gown na 'yon kumasya man sa akin o hindi. Hindi ko na masusuot at hanggang display na lang sa katawan ng manikin.
Kung gusto ni Jinkee, siya na ang humalili sa akin tutal mas mukhang pinapahalagahan ni Ysrael ang nararamdaman niya kaysa sa mararamdaman ko kapag natuklasan ko ang tungkol sa kanilang dalawa.
"Nag-adjust naman sila ng konti, Mom. Tsaka sabi po kasi ng modista ay bawal isuot ang damit-pangkasal."
"Why? Because of superstitious beliefs?"
"Yes, Mom. Hindi raw po matutuloy ang kasal kapag isinukat ko."
Hindi na talaga…bahala sila bukas…
"Alright, hija. Just make sure kasya sa iyo para wala ng maging problema bukas. I want everything to be perfect at dapat ikaw ang maging sentro ng atensyon ng lahat bukas."
Napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Mommy. Ako ang magiging sentro ng atensyon bukas dahil sisipot ako na hindi suot ang gown at dala ang isang malaking pasabog na sisira sa okasyon.
Magdasal na si Ysrael at tawagin na niya ang lahat ng santo. Oras na malaman nina Mommy at Daddy ang kalokohan niya alam kong tapos na rin ang pagkakaibigan ng aming mga magulang. Masasaktan ng sobra ang mga magulang ko lalong-lalo na sina Mommy at Tita Ysa dahil sila ni Tita Ysa ang nag-push ng kasunduang ito para magkatuluyan kami. I don't like this to happen pero ayaw ko namang pati sila ay lokohin ni Ysrael.
Nakarating kami ng resort na iyak pa rin ako nang iyak. Good thing dala ko ang aking shades kaya walang makakapansin ng aking kalungkutan at mugtong mga mata.
"Here's your room, Stella," nakangiti sabi ni Tita Ysa habang iginigiya ako papasok sa bridal room na naka-reserve sa akin.
"Thank you, Tita…"
"Ops…Mommy, 'di ba sabi ko?"
"Alright, Mom."
"Very good, hija. Maiwan na kita at pinapaayos ko pa ang ilang room para sa mga bisita."
"Okay po, see you later."
"See you."
Pumasok na ako sa kwarto at dumiretso sa kama. Sina Daddy at Mommy ay naiwan pa sa baba dahil tinitingnan nila ang mga arko ng bulaklak na ginagawa ng mga florist. Ako ay nagtanong sa Mommy ni Ysrael kung saan ang kwarto ko dahil gusto kong makaiwas sa kanila. Nagdahilan lang ako na pagod ako kaya gusto ko munang magpahinga.
Si Ysrael, naispatan ko sila ni Jinkee sa may garden kanina ng resort habang patungo kami rito ni Tita Ysa. Hindi ito napansin ni Tita Ysa dahil magiliw siyang nagkukwento sa akin ng kung ano-ano kaya wala siyang napansin sa paligid. Mukhang nagtatalo sila Ysrael at Jinkee dahil kita ko ang galit sa mukha ng fiance kong taksil habang si Jinkee naman ay umiiyak yata.
Hay naku! Wala na akong pakialam sa kanila ano man ang gawin nila. Puro sila kadramahan. Mas lalo lang akong masasaktan kapag iisipin ko pa sila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay masira ang kasal at saka ako tatakas sandali sa katotohanan. Babalik ako after two days kapag humupa na ang kaguluhan at balik ako sa normal kong buhay at buburahin ang alaala na tinanim ko sa puso ko. Si Jinkee at Ysrael ay magiging parte na lang ng nakaraan ko. Iiwasan ko sila hanggang kaya ko hanggang sa magsawa na rin sila at maisip nila na hindi na namin maibabalik sa dati ang aming samahan.
Pumikit ako at sinikap na itulog ang pagdadalamhati ng puso ko. Sayang, I had given him a second chance. He just wasted it for the second time. Akala yata niya ay wala pa akong muwang sa katarantaduhan niya. Mabuti at naisip ni Jinkee na siya na mismo ang magbuko sa katarantaduhan ni Ysrael. Alam kong kahit ganoon ang ginawa niya ay iniisip pa rin niya ang aking nararamdaman. Pero kahit na, I won't forgive her. Masakit ang ginawa nila, trinaydor nila akong dalawa.
Sumapit ang gabi. Inayusan na ako para sa magaganap na bridal shower. Excited ang mga bridesmaid ko dahil gwapo raw iyong macho dancer na napili nila. Ako naman ay walang pakialam habang nakikitawa sa kanila. Hindi ako nagkokomento dahil hindi rin naman ako magtatagal sa party. Kapag nalasing na sila ay tatakas ako para magtungo sa aking kwarto at matutulog na lang.
Nang tapos na akong ayusan ng make-up artist ay piniringan nila ang mga mata ko. Sumunod ako sa gusto nila at pinilit na maging masaya. Nakitawa ako at nakisigaw but deep inside of me ay gusto ko ng takasan ang kalokohang ito. Mas lalo lang akong nasasaktan. Mas gusto ko na lang pumunta ng dagat at pumalahaw ng iyak.
"Cheers!" sabay-sabay na sigaw namin nang itaas namin ang kopita namin na may champagne. Inuman na ang kasunod pagkatapos umalis ng macho dancer.
Naka-limang shots na ako nang magpasya akong mag-excuse sa mga kasama ko. Nagkunwari akong magbabanyo ngunit ang totoo talaga ay may nagtutulak sa akin na silipin ang stag party sa kabilang kwarto. Ewan ko pero parang may bubulaga na naman sa akin na magpapasakit sa puso ko.
"Balik ako, guys!" sigaw ko para marinig ng mga babaeng kasama ko ang boses ko. Tinaas lang nila ang mga hawak bilang alak at saka na sila nagpatuloy sa pagsasayaw.
Pasuray na naglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto kung saan doon nagaganap ang stag party ni Ysrael. Sa labas pa lang ay dinig ko na ang hiyawan ng mga kasama niya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko si Jinkee na nagsasayaw sa lap ni Ysrael habang magkahalikan sila.
Mukhang tuwang-tuwa ang mga kasama ni Ysrael at hindi na naisip na mali na ang ginagawa ng mapapangasawa ko. Ako nga ni hawak ay hindi nagpahawak sa macho dancer na nirentahan ng mga bridesmaid ko para maging highlight ng maliit ng kasiyahan na surpresa nila para sa akin. Pero itong mga ito, walang mga pakialam dahil siguro sa espirito na rin ng alak.
I cried hard because of what I saw. Hanggang sa stag party ba naman niya ay kailangang si Jinkee ang naroon?
Ang sakit -sakit, mukhang mahal na rin yata ni Ysrael ang haliparot kong kaibigan dahil hindi niya ito matanggihan.
Nagtatakbo ako paalis sa lugar na 'yon. Wala namang makakakita ng itsura ko na umiiyak dahil lahat halos ng mga bisita ay nagpapahinga na sa kanilang kwarto.
Sa ibang daanan ako dumaan nang makita ko sina Daddy, Mommy, Tito Ellie at Tita Ysa na nasa pagdadausan ng reception at mukhang nagkakatuwaan habang nagkukwentuhan.
Ang saya nila pagmasdan habang ako ay sobra-sobra ng nasasaktan para sa kasalang magaganap.
Sa likod ako dumaan at pagkalabas ko ay dalampasigan na. Umiiyak na nagsisigaw ako sa dalampasigan habang iniisip ko kung paano maiibsan ang sakit na nadarama ko sa aking dibdib.
Wala sa sarili na lumusong ako sa tubig habang iniisip ko kung magpatiwakal na lang kaya ako para hindi na ako makadama ng sakit? Nang sa gayon ay forever na dadalhin nina Ysrael at Jinkee guilt sa kanilang dibdib dahil sa kataksilan nila sa akin. Ngunit paano sina Daddy at Mommy?Ang mga kuya ko? Alam kong malulungkot sila kapag namatay ako.
Lumusong lang ako nang lumusong hanggang sa umabot na sa leeg ko ang tubig. Hindi ko madama ang lamig ng tubig ewan ko pero mukhang naging manhid na yata ang katawan ko.
Umiiyak ako nang lumubog ako sa tubig. Bahala na, kung may makakita man sa akin dito ay swerte kung wala naman ay malas ko. Kakainin lang ng mga pating sa dagat ang aking katawan.
Lumubog na ako sa tubig at halos sampung segundo yata akong nasa ilalim ng tubig nang biglang may humigit sa akin pataas paalis sa tubig.
Sisinghap-singhap na sumagap ako ng hangin ng buhatin ako paalis sa dagat ng isang lalaki. Minura ko pa siya dahil pinigilan niya ang tangka kong pagpapakamatay.
Yes, I want to die. Parang hindi ko yata kayang harapin ang problema ko na ako lang. What if they don't believe me? Ipapahiya ko lang ang aking sarili.
"Gago ka ba?! Bakit mo ako iniligtas! Dapat hinayaan mo na lang ako na mamatay!" galit na sigaw ko sa lalaki habang binabayo ko ng malakas ang kanyang dibdib. Hinayaan naman niya ako sa aking ginagawa habang iyak ako nang iyak.
"Dapat hinayaan mo na lang akong malunod! Wala na rin naman kwenta ang buhay ko dahil niloko lang ako ng mapapangasawa ko! Pare-pareho kayong mga lalaki! Hindi kayo makuntento sa iisang babae!" Sinuntok ko siya sa kanyang dibdib ngunit sinangga na niya ito this time. Maybe nasaktan na siya o baka naman naasar na siya sa akin dahil siya ang pinagbubuntunan ko ng aking galit.
"Tama na, Miss. Hindi solusyon ang pagpapakamatay dahil lang niloko ka ng fiance mo! Ang sarap mabuhay kaya huwag mong sayangin ang buhay dahil lang niloko ka nila!"
Natigil ako sa pag-iyak. Nagising ako sa kahibangan ko. Tama siya, masarap mabuhay at hindi tamang sayangin ko ang buhay ko sa dalawang iyon. May mga magulang at mga kapatid akong mapagmahal at buhay na mala-prinsesa. Sapat na ito para magpatuloy ako sa aking buhay.
"You're right, Mister." Sinisinok na huminto ako sa pag-iyak. Bakit ko nga naman sasayangin ang buhay ko para sa lalaking iyon na walang kwenta! Magsama sila ng bestfriend kong malandi!" galit na sigaw ko habang masakit na ang aking lalamunan sa aking pag-iyak. Malamig ang tubig sa dagat at ngayon ko lang nadama ang matinding panginginig.
Napatingin ako sa lalaki ngunit dahil madilim dito sa dagat ay wala akong maaninaw kundi ang bulto ng kanyang malaki at matipunong katawan. He's tall and looked handsome, tantiya ko lang naman ito dahil mukhang pati boses niya ay maganda. Ewan kung maganda talaga o baka humahalo lang ito sa hangin kaya ako nagagandahan.
Naisip ko iyong mga plano na naiisip ko habang patungo kami rito sa Batangas. Matutupad yata ang gusto kong mangyari at matutulungan ako ng lalaking ito para takasan pansamantala ang tunay kong mundo.
Naisip ko na bakit hindi ko sa kanya ibigay ang pinakaiingatan ko. Mukha naman siyang may kaya at tamang breeding dahil base sa kanyang pagsasalita at galaw. Hindi niya ako kilala at mukhang tagarito naman siya. Tamang-tama, hindi niya ako mahahanap kapag umalis na ako rito pagkatapos ng mangyayari sa amin sa gabing ito.
"A-Are you offering your body for a one-night stand?" Nauutal na bulalas ng lalaki ng sabihin kong sasama ako sa kanya at paliligayahin ko siya. Gulat na gulat siya na ito ang sasabihin ko pagkatapos niya akong alukin na ihatid sa suite ko.
Bakit pa ako babalik doon? Ni makita nga si Ysrael ay ayaw ko. Malamang, bumagsak na sa kama ang dalawang taksil.
"Y-Yes, ayaw mo ba?" Kinakabahan kong sagot dahil hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Padalos-dalos na naman ako. Pero alam kong ito lang ang tanging paraan para makalimot ako. Bahala na, bahala na bukas.
"Kung ayaw mo, sa iba ko na lang i-o-offer ang katawan ko." Pagkatapos ko itong masabi ay tumalikod na ako at pasuray na naglakad. Kung ayaw niya hindi ko siya pipilitin. Maghahanap na lang ako ng iba tutal wala na akong pakialam kung sino ang maaya ko. Kaya swerte ng mapipili ko.
"Wait!" Napangisi ako sa kawalan nang pigilan niya ako sa pag-alis. Aarte-arte pa mukhang gusto naman niya. "I'm on it. Kung naghahanap ka ng ka-one-night stand para makalimutan mo ang fiance mo ako na lang. You're safe with me and I promise you will enjoy my company."
Napangiti ako ng palihim. Enjoy? Siguruhin niya lang dahil ito ang first time ko dapat maging memorable ito at masarap.
Hindi ako ang nag-enjoy sa naging pagtatalik namin ng lalaki. Mukhang siya ang nag-enjoy sa akin ng sobra dahil halos nakalimang putok na siya ay hindi pa niya ako tinigilan. Tumigil lang siya nang magreklamo na ako na pagod na ako at matulog na kami.
Hindi naman ako makatulog pagkatapos ng mga nangyari sa amin dahil sa sakit ng aking katawan. Isa pa, hindi ako mapakali dahil nakayakap ang lalaki sa akin habang nakalikod ako sa kanya. Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan at parang gusto kong manatili na lamang ako sa kanyang bisig hanggang sa magising kami kinabukasan. Ngunit hindi pwede, nangako ako sa aking sarili na hindi dapat namin makita ang mukha ng isa't isa. Ayaw kong maging dahilan ito para hanapin niya ako o hanapin ko siya.
Inot-inot na umalis ako sa kanyang tabi. Medyo umungol pa siya nang bahagya dahil inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa akin.
Mabilis akong nagbihis kahit masakit ang buo kong katawan. Hahanapin ako sa kwarto ko at malalagot ako kay Mommy kapag hindi nila ako nakita roon.
Tumayo ako sa harapan ng lalaki at pinagmasdan ang tahimik niyang paghilik. Kahit hindi ko masyadong maaninaw ang kanyang mukha ay mukhang napakagwapo niya talagang nilalang plus sobrang yaman pa dahil may sasakyan siyang ganito.
Natukso akong hawakan siya sa kanyang pisngi at bigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi. Halik ng pamamaalam bago ako umalis at kalimutan ang gabing ito.
Umungol siya at gumanti ng halik na labis kong ikinagulat. Napaatras ako palayo sa kanya dahil baka humirit na naman siya ngunit mukhang naalimpungatan lamang siya dahil muli siyang bumalik sa pagtulog at naghihilik.
Nakahinga ako ng maluwag at nagpasya ng umalis ngunit napatid ako sa paa ng kama at buti na lang at nakahawak ako sa lamesa na nasa malapit kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Ngunit may napindot ako sa lamesa dahilan para lumiwanag ang paligid.
Gulat na gulat ako habang tarantang hinahanap ang switch dahil baka magising ang lalaki at makita niya ang itsura ko. Pero sa awa ng Diyos ay hindi naman nagising ang lalaki dahil wala akong narinig na salita sa kanya. Patuloy lang siyang humihilik at mukhang napakasarap talaga ng kanyang tulog pagkatapos ng aming pagniniig.
I decided to leave bago pa man siya magising. Ngunit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Curious ako na makita ang mukha niya. Hindi naman ako maghahabol kung sakali na mabuntis niya ako. Ito ang naging usapan namin kanina kaya hindi ko pinasindi ang mga ilaw. Gusto ko lang makita kung ano ang itsura niya at pagkatapos ay kakalimutan ko na siya. Alam kong hindi rin niya ako hahanapin dahil ito ang aming kasunduan.
Huminga ako ng malalim. Ano man ang makita ko ay wala namang magbabago.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya habang kagat ko ang ibaba kong labi. Pikit-matang tiningnan ko ang itsura ng lalaki at halos laglag-panga ako nang lumantad sa akin ang kanyang kabuuan.
Shit!
Ang gwapo! Sobrang gwapo!
Pero teka, familiar ang kanyang mukha!
Napahawak ako sa aking bibig nang maalala ko ang isang mukha na nakita ko sa tarpaulin sa school namin nang nakaraan.
Naalala ko ang pilotong bilyonaryo na pinagkakaguluhan madalas sa school namin kapag bumibisita siya roon. Naispatan ko siya ng nakaraan kaya alam kong siya iyong bilyonaryong piloto na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa school namin.
Salazar ang apelyido niya, naalala ko...
May connection ba siya kina Ysrael?
Naisip ko, bakit siya narito sa resort?
Lagot!
Mukhang kamag-anak pa yata siya ni Ysrael!