Ysrael called me this afternoon saying that he couldn't fetch me from school because he has important matters to do. It is okay to me since maaga naman ang dismissal ng last class ko for this afternoon. Natuwa siya nang malaman ito dahil akala niya ay magtatampo ako kung bakit hindi niya ako masusundo at ihahatid sa bahay namin pagkatapos. Sa totoo lang disappointed ako dahil plano ko pa naman magpasama sa kanya sa mall para bumili ng mga skin care ko. Paubos na kasi ang stock ko at wala na akong gagamitin sa susunod na araw. Inintindi ko na lang siya dahil baka may importante siyang meeting or what, that's why he couldn't fetch me.
"Bye, Stella…see you tomorrow," kaway sa akin ni Jinkee na nagmamadali sa paglabas ng classroom at malawak ang kanyang ngiti.
"Bye…ingat ka," sagot ko naman. Kumaway pa ako pabalik while asking myself kung bakit sobrang saya yata niya ngayon.
She is blooming too na halatang nagpaganda pa siya at nagpa-sexy ng kanyang damit. May date yata siya at baka may bago na naman siyang biktima.
Sa mga nagdaang araw ay pansin ko na matamlay siya. Maybe nagluluksa ang puso niya dahil hindi siya nagtagumpay na mapaghiwalay kami ni Ysrael. Maybe she gave up now and she found another lover.
Hindi pa rin niya ako kinakausap kagaya ng dati ngunit nagpapansinan at nag-uusap naman kami. Walang nagbanggit isa man sa amin ng nakita ko sa condo ni Ysrael. I am waiting for her to tell it to me and ask for forgiveness to me pero hindi niya ginawa. Naghintay ako na buksan niya ito hanggang sa makalimutan ko na lang at nawala na sa isip ko.
Mas mabuti na nga siguro ang ganito dahil sa totoo lang kinalimutan ko na ang nakita kong nangyari sa kanila ni Ysrael. Maybe it's just a mistake. Maybe naakit lang sa kanya ang fiance ko at pinagbigyan ang libog ng kanyang katawan.
Gusto ko man i-clarify ang nakita ko pero siguro huwag na lang tutal nakikita ko naman ang pagbabago ni Ysrael. Ayaw niyang mawala ako sa buhay niya at alam kong ramdam niya noon na muntik na akong mawala sa kanya.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang nakita kong kakaibang kasiyahan sa mukha ni Jinkee. Sana nga nakahanap na siya ng iba para naman maging masaya na rin ang relasyon namin ni Ysrael. Ramdam ko na mahal na mahal ako ng fiance ko at isang pagkakamali lang na nakipag-s*x siya kay Jinkee. Sana nga ganito dahil sobrang masasaktan na naman ako kapag nahuli ko silang magkasama ulit.
Tinapos ko ang mga assignment ko para bukas. Para mamaya ay magtetelebabad na lang kami ni Ysrael. Ganito ang gawain namin sa gabi kaya naman tinatapos ko na ang lahat ng aking takdang-aralin para wala na akong isipin pagpasok ko kinabukasan.
Nag-send pa muna ako ng text sa kanya na pauwi na ako bago ako nagpasyang pumunta na ng parking lot dahil naroon na ang aming family driver. Wala akong natanggap na reply sa kanya kaya pumasok na ako sa kotse at nagpasyang umalis na ng school.
"Diretso na ba tayo sa bahay, Ma'am? O may pupuntahan ka pa bago tayo umuwi?" tanong sa akin ni Mang Edgar habang tinitingnan ako sa rearview mirror pagkapasok ko sa likod ng kotse.
"Daan muna tayo sa mall, Mang Edgar. May bibilhin lang po ako saglit at saka na po tayo diretso pauwi," sagot ko nang maalala ang mga skin care na bibilhin ko.
"Sige Ma'am, tamang-tama may pinapabili si Aling Rosa na sahog para sa sinigang kaya roon na rin ako bibili para minsanan."
"Mabuti pa nga po dahil baka wala na rin pong fresh na gulay sa wet market kapag ganitong oras."
"Iyan nga rin ang naisip ko, Ma'am."
"Tara na kung ganoon para hindi tayo gabihin…"
Medyo traffic sa kalsada nang makalabas na kami ng school. Inabot pa kami ng siyam-siyam sa kalsada bago kami nakarating ng mall.
"Salazar Mall…" basa ko sa mga letrang nasa bungad ng mall. Palaging dito ako pumupunta para mamili. Mas malapit ito sa school at malawak din naman gaya ng mall sa kabilang bayan. Salazar? Teka, Salazar din ang gitnang apelyido ni Ysrael, kamag-anak kaya nila ang may-ari? Mayaman ang angkan nila Ysrael at siguro nga ay isa sa mga kamag-anak nila ang may-ari ng naturang mall.
"Mang Edgar sa may second floor lang po ako. Kapag nauna po kayong bumalik dito ay pakihintay na lang po ako," bilinko sa driver na kaagad na pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse.
"Sige, Ma'am."
Nauna na akong humakbang papasok ng entrance ng mall. Medyo maraming tao ngayon dito at kadalasan ay puro pa mga estudyante ang nakikita. Labasan na sa school kaya malamang dito na muna tatambay ang ilan para magpalamig at saka sila uuwi sa kani-kanilang bahay kapag mga bandang alas-sais. Hindi ko 'to gawain ngunit nakikita ko ang ilan na ganito ang ginagawa kapag sumasaglit ako sa mall para bumili ng kung ano-ano. May nakita pa akong ilang kilala na kumaway sa akin na kinawayan ko naman pabalik. Bihira ang hindi nakakakilala sa akin dito sa lugar namin. Modelo kasi ang dalawa kong kuya na sikat sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Sabi nila susunod ako sa mga yapak nila lalo na at dating modelo rin si Mommy.
Hindi ko naman ito naiisip dahil bukod sa hindi ko 'to linya ay malapit na rin akong ikasal. Wala rin siguro akong chance makapasok sa modelling world dahil mahiyain ako at mas gusto ko na nakakulong lang sa bahay. Kaya nga pinagkasundo na ako ni Mommy sa kaibigan ng anak niya para siguro mapabuti ang aking kinabukasan lalo na at wala naman akong pangarap sa buhay. Wala pa sa ngayon dahil ang gusto ko lang naman ay makatapos ng Tourism. Makapag-travel sa iba't ibang lugar at i-enjoy ang buhay. Pero paano ko pa ma-e-enjoy ang lahat ng ito kung nakatali na ako kay Ysrael? Sana lang tama ang aking desisyon na ituloy ang kasal dahil hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko kapag nahuli ko pa siyang may kakalataring iba bukod kay Jinkee.
Sumakay ako ng elevator patungo sa second floor. Medyo siksikan pa nga kaya napili kong sa may sulok ako pumwesto sa likod para iwas tsansing. Halos lalaki pa naman ang mga kasabayan ko at tatlo lang kaming mga babae.
"Miss, dito ka na…maluwag dito," narinig kong sabi ng isang baritonong boses. Pamilyar ang boses na 'to sa akin ngunit hindi ko ako nag-abala na nilingon ang may-ari ng boses. Isnabera ako sa totoo lang at hindi pinag-aaksayahan ng pansin ang mga taong hindi ko kilala. Nakayuko kong sinundan kung saan galing ang boses niya at nakita ko nga na maluwag sa banda niya.
"Thank you," nakayuko pa rin ang ulong pagpapasalamat ko sa lalaki na nakita kong nakasuot ng three-piece suit at makintab na itim na sapatos sa kanyang pang-ibaba. Parang katulad sa suot niya ang lalaking pinagkakaguluhan noong nakaraang buwan sa school. Pero siguro nagkataon lang na pareho sila ng suot. Marami namang mga damit na magkakapareho lalo na kung sa mall ka bumili.
Napansin ko na sobrang tangkad ng lalaki. Hanggang dibdib lang ang nakita ko dahil sobrang tangkad niya. Hindi na ako nag-abala pang umakyat ang tingin ko sa mukha niya dahil baka sitahin niya ako na pinag-aaralan ko ang itsura niya. Pansin ko na matipuno siya at maganda ang tindig. Parang iyong mga nababasa ko sa pocketbook na minsan ay nai-imagine ko pa kung ano ang itsura. Mga CEO na sobrang hot at mga Mr. President na sobrang simpatiko. Inisip ko na lang na gwapo ang lalaki na ganoon ang katangian niya sa mga ini-imagine ko.
"You're welcome. I hope you had fun shopping here at our mall…"
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Kanya kaya itong mall kung makasabi siya ng ganito sa akin?
Sasagot na sana ako sa sinabi niya nang biglang bumukas ang elevator sa floor na pinindot ko. Kaagad akong nag-excuse at lumabas na para magtungo sa aking pakay.
Mabilis naman akong nakabili. Walang pila dahil anong oras na rin at pasara na rin ang shop dahil mag-a-ala sais na ng gabi.
Patungo na ako sa elevator nang may makita akong pamilyar na bulto. Kaagad akong nagtago sa isang parte na hindi ako makikita at siniguro ko na tama nga ako sa aking nakikita. Shocked na nakatingin ako sa dalawang nilalang na magkasama at hindi ako makapaniwalang niloko na naman ako ni Ysrael sa pangalawang pagkakataon. Sabi niya busy siya, busy siya talaga dahil mukhang naka-score na naman siya kay Jinkee.
Napahawak ako sa aking bibig at tahimik na umiyak habang nakatingin ako sa dalawang tao na magkayakap habang inaalo ni Ysrael si Jinkee na iyak nang iyak.
"Mahal na mahal kita, Ysrael…ako na lang ang pakasalan mo, iwan mo na si Stella. Pangako magiging maligaya ka sa piling ko…" pakiusap ni Jinkee kay Ysrael habang mahigpit siyang nakayakap dito. Mukhang nakikipaghiwalay na si Ysrael kay Jinkee at itong si Jinkee naman ay ayaw pakawalan ang fiance ko.
"No…hindi pwede, Jinkee. Mahal ko si Stella at alam mo kung hanggang saan ang relasyon na mayroon tayo." He said in a calm tone habang sige ang haplos niya sa likod ni Jinkee.
Ang sakit naman makita ang fiance mo na may kayakap na iba…pero mas masakit iyong nakita ko noon. Magka-s*x sila at sobrang sarap na sarap sa kanilang ginagawa!
"Alam ko, pero paano ako? Mahal naman kita…ramdam ko naman na minahal mo rin ako. Hindi tayo tatagal ng limang buwan kung hindi ako mahalaga sa iyo…"
Natahimik si Ysrael sa sinabi ni Jinkee. Ako naman ay mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata.
Ang sakit…ang tagal na pala nila akong niloloko!
Limang buwan?
Tapos kami halos kakaisang taon lang namin. Ang saklap! Nag-two timer siya sa mga panahon na hindi ko maibigay ang gusto niya. Naalala ko na noong six monthsary namin ay hiniling niya na mag-s*x kami. Ito rin kaya ang mga panahon na humanap siya ng kalinga sa iba at iyon nga natagpuan niya si Jinkee na in-offer ang sarili sa kanya dahil mabilis lang naman itong makuha.
"Alam mong hindi pagmamahal ang nadarama ko sa iyo, Jinkee. It's just lust. Hindi kita pinilit, kusa mong ibinigay ang sarili mo sa akin."
Mas napaiyak si Jinkee sa sinabi ni Ysrael. Ako naman ay nakadama ng munting awa sa kanya. Mas mahirap ang sitwasyon niya dahil umasa siya na mahahalin siya ng hudas na lalaking ito. Alam naman niyang p**e lang ang habol sa kanya ay umasa pa rin siya.
"Hindi totoo 'yan, Ysrael! Ramdam ko na mahal mo rin ako…hindi mo naman mahal talaga si Stella 'di ba? Dahil kung mahal mo siya, hindi mo siya magagawang lokohin ng nito katagal…"
She is right…kung mahal talaga ako ni Ysrael ay hindi niya ako magagawang lokohin.
Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Ysrael. Kaagad akong lumulan ng elevator at doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko.
Manloloko sila! Magsama sila! Hindi na talaga matutuloy ang kasal! Humanda sila na araw na iyon! Pareho ko silang ipapahiya sa panlolokong ginawa nila sa akin!
"Miss…are you, okay? Here…wipe your tears…papangit ka niyan, sige ka…"
Inabot ko ang panyo na inaabot ng lalaki. Ngunit parang nag-slow motion bigla ang paligid na hindi ko maintindihan.
Parang naulit na ito…hindi ko lang matandaan kung saan…
Deja vu?
Kaagad na pinunasan ko ang aking mukha at umiyak nang umiyak. Hinigit naman ako ng lalaki at dinala sa kanyang dibdib.
"You know…I hate seeing you girls crying," he said while caressing my back. Nakadama ako ng kapanatagan sa ginagawa niya ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing nagkukrus ang landas natin ay nakikita kitang lagi ka na lang umiiyak…" aniya sa maamong tono.
Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. Gulat na gulat ako sa kanyang pahayag. Naalala ko na siya! Natigil ako sa pag-iyak dahil mukhang naalala niya rin ako. Siya rin kaya iyong lalaki na nakasakayan ko sa elevator noon sa condo ni Ysrael?
Familiar nga ang amoy niya.
Teka…napansin ko ang suot niya…siya rin iyong nag-offer kanina sa akin ng space sa elevator?
Nagpasya akong tingalain siya dahil curious ako sa mukha niya ngunit biglang bumukas ang elevator at pumasok ang maraming tao. Nataranta ako at kaagad na kumalas sa kanya at nagpasya ng lumabas dahil nasa tamang floor naman na ako.
Ngunit bago pa ako makalabas ay narinig kong sumigaw ang lalaki.
"Miss, dalawa na ang panyo ko na nasa iyo. Pakibalik na lang kapag muling nagkrus ang mga landas natin."