2. I know what you did...

1561 Words
"Oh, honey…you're here." I exclaimed. I acted normal in front of Ysrael. Wala akong pinakita na kakaiba sa kanya though I distant myself with him. Nang tangkain ko kasing tunguhin ang ibang direksyon ay nakita kong sinundan niya ako calling out my name. Wala akong nagawa kung hindi ang huminto at harapin siya. "I'm here to see you, honey. I missed you. Ayos lang ba kung mag-absent ka ngayon sa huling subject mo?" maamong hiling ni Ysrael sa akin tapos ay tinangka niya akong yakapin. Umiwas naman agad ako dahil sa pandidiri. He touched another girl at hindi lang iyon, they had s*x. Ayaw kong mahawaan ng kalandian ng babaeng kaniig niya kanina kaya umiwas talaga ako sa hawak niya. Tila hindi naman napansin ni Ysrael ang pag-iwas ko dahil nagkunwari akong may tinitingnan sa bag ko para hindi siya makahalata. "No, my quiz ako ngayon." Kaagad akong umiling ng matigas sa hiling niya. I won't do that, para ano? Para makapaghugas kamay siya sa kasalanan niya sa akin? Nagi-guilty ba siya? Dapat lang, dahil wala akong ibang ginawa sa relasyon namin kundi ang maging faithful sa kanya at mahalin siya. Pero siya hindi siya naging faithful, nagawa niya akong lokohin because of s*x. I know matagal na nila itong ginagawa at baka na-in love na sa kanya ang bwisit kong kaibigan kaya gumawa na siya ng paraan para mabuko ko sila. Ayaw niyang matuloy ang kasal ko kay Ysrael dahil mawawalan na siya ng pag-asa na mabaling sa kanya ang pagmamahal nito. Ayaw din naman siguro niyang maging kabit kaya naisip niyang ibuko na nila ang kabalbalan nilang dalawa. Well sadly, I will give them a dose of their own medicine. I will take revenge. Pasasakayin ko muna silang dalawa sa drama ko. Pagkatapos ay saka ko sila parehong ibubuko with all the evidence that I have. Nang makita ko silang dalawa ni Jinkee kanina na magkaniig sa kama niya ay nagawa ko pang mag-take ng pictures kahit sobra na akong nanginginig sa galit at pag-iyak. I will use it on our wedding day. Sisipot ako sa kasal at ipagkakalat ko sa lahat ang pagtataksil nila sa akin ng matalik kong kaibigan. I know he really loves me. Natukso lang marahil siya sa iba dahil hindi ko siya mapagbigyan. I know he have needs. But if he truly loves me makakapaghintay siya at hindi niya hahanapin sa ibang kandungan ang pagkukulang ko. Pero hindi, katulad lang din pala ng ibang lalaki si Ysrael, malibog at hindi makunteto sa isang babae. Baka kapag naging mag-asawa kami ay magpatuloy pa ang sikreto niyang relasyon kay Jinkee. Hindi maaari ito, hindi ako ipinanganak para maging tanga sa kanya. Hindi ako papayag na gagaguhin nila ako. Hindi sapat na mahal niya ako para magpatuloy sa relasyon na ito. Habang maaga pa ay iisip na ako ng paraan para mas mabuko pa silang dalawa. Kahit mahal na mahal ko siya hindi naman ako iyong klase ng babae na tanga sa pag-ibig at magpapaka-martir kahit alam ko ng niloloko ako. "Hindi mo ba ako na-miss, honey?" malambing na tanong ni Ysrael at lumapit pa sa akin para yakapin ako sa aking baywang. Tiningala ko siya at hinayaan lang siya sa kanyang gusto. Hindi ako umiwas baka makahalata na siya na may mali sa akin. "Yes, I miss you so much…but you hurt me bigtime," gusto ko sanang isagot sa kanya ngunit nagawa ko pang magtimpi. "I know what you did and I hate you for hurting me..." Hindi ito ang lumabas sa aking bibig. Bagkus ay ngumiti ako sa kanya ng matamis bago ako sumagot. Naiiyak na naman ako and at the same I am very mad. Mahal na mahal ko siya bakit nagawa niya akong pagtaksilan? "I miss you but I'm busy right now. Importante iyong quiz ko para manatili ako on top," sabi ko ng walang pag-aalinlangan. Bahala siya kung isipin niyang mas mahalaga ang pag-aaral ko sa kanya. Totoo naman dahil ang katulad niya ay dapat hindi pinapahalagahan. Manloloko siya! Ang sakit-sakit ng puso ko. Gusto ko ng umalis sa harapan niya ngunit hindi ko magawa dahil nanghihina ako sa yakap niya. I love him…I really love him but she broke my heart… masyado bang magaling ang babaeng iyon? "f**k! Wrong timing pala ang pag-day off ko, sana pala bukas na lang, " he said while chuckling. Napakamot pa siya sa kanyang batok na tila nanghihinayang sa araw na nasayang. Nasasayangan pa siya ng lagay na 'yan? Nag-enjoy naman siya ng matindi sa kandungan ni Jinkee. Palihim akong umismid sa sinabi niya. Napakasinungaling! Ito ba ang minahal ko ng halos isang taon? Ilang buwan na nila akong niloloko? Ang sabihin niya nag-day off siya para kay Jinkee. Para makapag-loving-loving sila dahil tinamaan na naman siya ng libog sa pang-aakit ng babaeng iyon. I know Jinkee is a good teaser. Sa dami ng lalaking nali-link sa kanya, Ysrael is not an exception. Bukod sa maganda at sexy si Jinkee madadala ka talaga sa maamo niyang mukha kaya marami ang nahuhumaling kahit pinagsawaan na ito ng marami. Bagay si Ysrael at Jinkee. Dapat sila ang magsama at hindi kami. Nakakaiyak sa totoo lang, iyong perfect relationship na akala ko ay nabuo namin ni Ysrael ay peke pala. Tapos sa bestfriend ko pa talaga siya nahumaling. Ang saklap! Umasa pa naman ako na si Ysrael na ang lalaking para sa akin kahit nagsimula kami sa arrange marriage. But I was wrong, he is not and he will never be. Ang sakit-sakit sa totoo lang. Next month, magkakaroon na kami ng stag party and bridal shower sa isang resort na nirentahan ng Tito ni Ysrael. Pag-aari raw iyon ng isa pa niyang Tito na sobrang yaman daw at nagmamay-ari ng ilang airlines dito sa Pilipinas. Libre raw sana ang renta nila roon ngunit nagpumilit ang Daddy at Mommy niya na bayaran ang lugar dahil ma-pride ang mga itong tao, dahil palibhasa ay mayaman, ayaw na nasasapawan sa utang na loob. Paano ako magsasaya sa bridal shower ko kung alam ko ang kabuktutan ng lalaking ito. Baka nga si Jinkee pa ang maka-s*x niya sa gabing iyon. I don't care! Magpakasawa sila sa isa't isa! As for me, magpapakalayo-layo ako kapag nagawa ko silang ipahiya. "Bakit kasi naisipan mong mag-day off ng hindi nagsasabi muna sa akin. Eh 'di ba tatawag ka muna para tanungin ako if availble ako?" ani ko. Gusto ko siyang hulihin sa sarili niyang bibig. But I guess marunong talagang humabi ng kwento si Ysrael. "P-plano ko na surpresahin ka, honey." He said a little bit of stammering. See? Sosorpresahin daw ako? Tapos na, nasorpresa na ako pero hindi na niya kailangan malaman pa. "Really?" "Yes, honey." Shit siya! Ako kaya ang nasurpresa kanina sa lumantad na kataksilan nila ni Jinkee sa akin. Iyong hinanda pala niyang pagkain ay hindi sa akin. Ang sakit no'n kapag sumasagi sa isipan ko. Na-double kill ako ni Jinkee dahil pinakita niya sa akin na pinagluluto siya ng boyfriend ko na dati ay sa akin niya lang ginagawa. Take note, pareho pa naming paborito ni Jinkee ang mga pagkain kaya sobra talaga akong nasasaktan kapag naiisip ko iyong nakita ko kanina. What if, nagpakita ako sa kanila at sinugod sila kanina? What will happen? Aamin ba si Ysrael o si Jinkee ang sisihin niya at sasabihin niyang nilandi lang siya nito. Same scene and alibi. Iyong mga nangyayari sa book o kaya naman ay sa telebisyon. "Yeah, that's what I'm here for you. But I think it's not good timing, sana pala talaga bukas na lang." Neknek mo! Gusto ko sanang ibato sa kanya ngunit napag-isip-isip ko na dapat maging maingat ako sa mga salita ko. Mabubuko niya ako ng wala sa oras na alam ko na ang kataksilan niya kapag hindi ako nag-ingat. Gusto ko rin naman makaganti sa kanya ng sobra-sobra, higit pa sa sakit na binigay niya sa puso ko. "Late na ako sa klase ko." Tumingin ako sa aking relo kahit hindi pa naman talaga. May twenty minutes pa ako ngunit sobra na akong nasasaktan sa mga pagsisinungaling niya kaya gusto ko sanang mawala na siya sa aking paningin. Masakit na siya sa aking mata at baka mamaya ay hindi ko mamalayan ay nasampal ko na pala siya. "Alright, study hard. See you later, susunduin kita. Gusto kang makasalo nina Daddy at Mommy sa dinner." Tumango na lang ako kahit sa isip ko ay nag-iisip na ako ng paraan para matakasan ang dinner na 'to. His Dad and Mom are always good to me. Masakit din para sa akin na ipahiya ang anak nila sa publiko kaya hanggang maaari ay iiwas akong makasama sila habang malayo pa ang kasal. Ilalayo ko mismo ang loob ko sa kanila para kapag ginawa ko na ang eskandalong iyon ay hindi ko sila masyadong masaktan especially his mother na tinuring ko ng pangalawang ina. Kasalanan ni Ysrael ito! Kaya huwag niya akong sisihin kapag naatake sa puso ang Mommy niya. "Bye, honey. I love you." Hinalikan ako sa pisngi ni Ysrael bago niya ako binitiwan sa aking baywang at saka na umalis. Me, dumiretso na ako sa next class ko kahit hindi pa naman time para pumasok. Nakita ko si Jinkee na kausap ang mga close friends namin na kaklase namin sa subject. Parang walang ginawa ang bruha kung makipagkwentuhan siya sa mga ito. Grr! Ang sarap sabunutan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD