Wala akong nagawa kundi sumama kay Ysrael nang sunduin niya ako sa aming tahanan pagkatapos niya akong ipagpaalam kina Daddy at Mommy. Ngani-nganing gusto kong ibuko siya sa harapan ng mga magulang ko dahil sa pagtataksil na nagawa niya sa akin. Ngunit hindi ko magawa dahil alam kong mas masasaktan sila kapag ginawa ko ito. Malaki ang tiwala nila kay Ysrael at ipinagkatiwala nila ako ng buo sa kanya. Sila ang naglapit ng loob niya sa akin at alam kong sila ang una talagang sobrang masasaktan kapag sinabi ko sa kanila ang natuklasan ko.
Kaya naman napag-isip-isip ko na magmamasid lang muna ako. Baka hindi naman totoo ang nasa isip ko na matagal na sila ni Jinkee na may tinatagong relasyon sila sa akin. Baka minsan lang iyon, baka natukso lang talaga si Ysrael dahil hindi na siya nakapagpigil na maikama ako kaya naman pinatulan na niya ang malandi kong bestfriend.
Pero kahit na…sabi ko nga, kung mahal niya ako ay makakapaghintay siya. At kung mahal niya ako, makakapagpigil siya ng kanyang kalibugan. At kung mahal niya ako, hindi siya gagawa ng ikakawala ng tiwala ko.
Confident siya na wala akong alam. Pero binuko na siya ni Jinkee dahil siguro gusto rin ipaalam ni Jinkee na hindi dapat pagkatiwalaan si Ysrael. Kung iyon man ang purpose niya o gusto niya lang talagang agawin sa akin si Ysrael dahil big catch siya rito. Eh di magsama sila!
Kahit mahal na mahal ko si Ysrael ay hindi ko naman kayang magpakatanga sa kagaya niya. Hindi ako magpapakatanga dahil hindi niya deserve na mahalin. Kapareho lang siya ng ibang lalaki…hindi makuntento sa isang butas.
Mukha pa naman siyang maamong tupa kanina habang nakikipagkwentuhan kina Daddy at Mommy kaya hindi ko magawa na ibuko siya. Sinasabi pa niya na excited na siyang makasal kami at hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na iyon.
Naiiyak ako sa galit habang pinakikinggan ang mga pangako niya na ako lang ang mamahalin niya habangbuhay at kailanman ay hindi niya ako pagtataksilan sa harap ng mga magulang ko. Where in fact nagawa na niya at ilang beses na siguro niya akong niloko. Baka hindi lang si Jinkee ang natikman niya. Hindi malabong maulit iyon sa iba kapag kami ay mag-asawa na. Kaya naman nagpapasalamat ako sa Diyos na gumawa siya ng paraan para mabuko ko ang kahayupan ng lalaking ito.
Masayang-masaya pa naman sina Mommy at Daddy na pinapakinggan ang mga pangako ni Ysrael. Masaya sana kung tunay talaga ang sinasabi ng manlolokong ito.
"You're very beautiful tonight, honey…" Ysrael said while looking at my face down to body. Nagsuot ako ng dress na hapit sa aking katawan. Kulay peach ito kaya kitang-kita ang magandang hubog ng aking katawan at kaputian ng aking balat dahil sa kulay ng damit.
Palihim naman na umingos ako sa kanyang sinabi habang sa isip ko ay gusto ko siyang barahin sa kanyang papuri.
Nambobola na naman ang ungas! Akala naman niya mapa-flatter ako.
Matagal na akong maganda. Huwag na niya akong bolahin sa mga sinasabi niya dahil hindi na ako papadala. Kung dati very overwhelming ako sa mga papuri niya ngayon ay parang nandidiri na ako.
"T-thank you," maikling kong sagot nang makita kong nakatanga pa rin siya sa akin at naghihintay ng sagot.
"May sakit ka, hon? Bakit ang tamlay mo?" He asked while his forehead creased. Tinaas pa niya ang kamay niya para salatin ako sa aking noo ngunit kaagad kong tinabig ang kamay niya na siyang ikinalaglag ng panga niya.
"What the—"
"S-sorry…I didn't mean to do that. Nagulat lang ako," sabi ko na nagulat din sa ginawa ko. Hindi ako bayolenteng tao at alam ito ni Ysrael. Kahit naiinis na ako sa mga pang-aasar niya sa akin ay kalmado lang ako at iirapan ko lang siya. First time akong maging bayolente sa kanya. Siguro dahil na rin hindi ko napigilan ang bugso ng aking damdamin. Paano, pati sa harapan ng mga magulang ko ay napaka-plastic niya. Pati sila ay niloloko niya at pati sila ay pinapaasa niya na mabuti siyang tao at magiging mabuti siyang asawa sa akin.
"May problema ba tayo, Stellaris? Bakit pakiramdam ko you're distancing yourself to me? Bakit pakiramdam ko may lihim kang galit sa akin?" kunot-noong tanong sa akin ni Ysrael.
Nakahalata ang loko. Buti naman! Akala ko manhid na siya!
"You're just imagining things, honey. Ano'ng dahilan para magalit ako sa iyo?" biglang bawi ko. Pinalambing ko ang aking boses at umakto ng normal kahit ngani-ngani ko na siyang bulyawan sa kagaguhan niya. Bakit hindi niya tanungin ang sarili niya? Baka mahanap niya ang sagot sa tanong niya.
"I am not, honey. Halata naman na parang nilalayo mo ang sarili mo sa akin. Tell me, may problema ba tayo? Wala naman tayong problema, right?" tanong niya na hindi mapakali. Kita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala. Pag-alala na baka galit ako sa kanya at may nagawa siyang mali.
Hindi pa kami nag-away ni Ysrael ng matindi. Puro lang kami tampuhan na hindi pa umaabot ng isang araw ay ayos na. Kaya naman sobra niyang iniingatan na huwag kaming magkagalit dahil hindi pa niya nakikita kung paano ako magalit. Baka magulat siya kapag nakita niya akong magalit.
Mapapatay ko silang dalawa ni Jinkee oras na makita ko silang magkaniig muli. Pero sa isip ko lang naman ito. Kahit galit na galit ako ay hindi ko naman magagawang manakit ng tao. Bahala silang magpakasarap dahil oras na dumating ang araw ng kasal ay saka sila magbabayad sa pagtataksil nila sa akin. Sisikapin kong magiging headlight ang mangyayaring kaguluhan sa araw na iyon. Sa araw man lang na ito ay makaganti ako sa kanilang dalawa ni Jinkee.
"Yes, honey…wala naman. Ikaw lang naman ang nag-iisip kasi na meron," sagot ko na nakangiti. But deep inside of meron talaga at alam kong alam niya iyon!
"I'm sorry…masyado ko yatang binigyan ng kahulugan ang naging kilos mo. Hindi kasi ako sanay na makita kang ganyan. Wala ka lang siguro sa mood kaya ka matamlay."
Tinanguan ko lang si Ysrael sa sinabi niya. Mas mabuti ng ganito ang isipin niya kaysa mas may mahalata pa siyang mas malalim na dahilan kung bakit ako ganito sa kanya.
"Tara na…baka hinihintay na tayo nina Tito at Tita," pag-iiba ko ng usapan. Gumagabi na at mas mabuting lumarga na kami para makauwi rin agad ako rito sa amin. May gagawin pa akong assignment at magkakabisa pa ako ng mga aralin para sa pagsusulit namin sa isang asignatura bukas.
"Aright, honey…let's go."
Naging normal ang naging pag-uusap namin ni Ysrael habang nasa daan kami. Mabilis niyang nakalimutan ang argumento namin kanina. Balik sa dati ang sweetness namin sa isa't isa. Genuine ang pinapakita niya sa akin samantalang ako ay sinisikap ko na maging sweet sa kanya kahit na nagagalit ako dahil sumisingit sa isip ko ang kataksilan niya sa akin.
Habang nagsasalita siya at sinasabi niya sa akin ang mga pangarap niya sa aming pamilya na kanyang bubuin ay hindi ko mapigilan ang malungkot.
Masayang-masaya siguro kami na nangangarap ng ganito kung hindi ko natuklasan iyong sa kanila ni Jinkee. Kung bakit naman kasi nagpatalo siya sa tukso?
Tinatanong ko tuloy ang sarili ko kung bakit hindi pa ako sapat sa kanya. Hindi pa ba sapat ang halik at yakap na pinagsasaluhan namin? Hindi pa ba sapat iyon para maghanap siya ng ligaya sa ibang kandungan.
Siguro malaki rin ang pagkukulang ko. Kapag inuungot niya ako na lumampas kami sa boundary na ginawa ko ay nadidismaya siya at nagagalit. Ikakasal na raw kami pero ayaw ko pang iparanas sa kanya na makapiling ako sa kama.
I guess, tama ako sa naging desisyon ko. Paano kung pinagbigyan ko pala siya tapos titikim pa rin siya ng iba dahil hindi siya satisfied sa akin?
Paano naman kung mali ako at kuntento na pala siya na tikman ako?
Ang daming tanong sa isip ko. Iniisip ko na nasa akin ang mali ngunit mas nananaig ang pagkakamali niya. Kahit may pagkukulang ako dapat hindi siya naghanap ng ligaya sa piling ng iba. Kung pinapahalagahan niya ang nararamdaman ko ay hindi niya magagawang saktan ako.
What if dumating ang araw na malaman ko ang lahat ng ito? Hindi ba niya naiisip ang magiging epekto nito sa akin? Sa aming pamilya?
Alam niya kung gaano ka-close ang pamilya namin sa isa't isa. Tinuring ng kapatid ng Mommy ko ang Mommy niya. Ang Daddy ko at Daddy niya ay higit pa sa tunay na pamilya ang turingan tapos ganito lang ang gagawin ni Ysrael? Dahil sa kakulangan ko, maghahanap siya ng iba just to have s*x with other girls?
Mas naging sweet at maasikaso si Ysrael the following days. Ewan kung parte pa rin ito ng paghuhugas kamay niya kaya sobra siyang sweet at maasikaso. Sinusundo niya ako sa school sa hapon at madalas ay ayain niya ako sa kanila para mag-dinner o kaya naman ay mag-shopping sa mall.
Lagi kaming magkasama at nagogoyo na naman niya ang utak ko dahil sa ginagawa niyang ito. Nagiging marupok ako at iniisip ko na kalimutan na lang iyong nagawa niya. Pero sabi ng isip ko huwag, baka masaktan na naman ako at umasang hindi niya sinasadya ang nagawa niyang kasalanan.
Si Jinkee ay medyo naging distant sa akin. Ayos na ito kaysa makipagplastikan pa ako sa kanya.
Alam niya na nakita ko silang dalawa ni Ysrael sa condo ng boyfriend ko at nagtataka siya marahil kung bakit hanggang ngayon ay buo pa rin kami.
Gusto kong bigyan ng chance si Ysrael. Kaya naman tutok ako sa pagiging sweet niya at maasikaso sa akin. Tinitingnan ko kung totoo ang mga effort niya at kinalimutan na niya ang maling nagawa niya.
"Honey, for you." Isang pumpon ng peach na rosas ang binigay sa akin ni Ysrael. Gulat na gulat ako dahil hindi ko inaasahan na nasa labas siya ng classroom namin at inaabangan ang paglabas ko.
Narinig ko pa ang tudyo ng mga kaeskwela ko na tinawanan ko lang.
"Thank you, hon. Sana hindi ka na nag-abala pa," tuwang-tuwa sabi ko habang inaamoy ang bulaklak.
Nang dahil sa mga bulaklak ay nawala na naman ang agam-agam ko sa kanya. He knows my weakness at ewan ko kung hanggang kailan ako kakapit sa natuklasan kong kasalanan niya sa akin.
Kita ko ang mga effort niya at mukhang ramdam niya na may alam na ako sa kasalanan niya sa akin.
"Let's go to my place. Nagluto ako ng mga paborito mo," aya niya. Hinawakan niya ako sa aking baywang at giniya na paalis doon. Ngunit nahinto ako sa aking paghakbang nang makita ko si Jinkee na nakatingin sa amin habang kagat ang kanyang labi.
Dahil nakita ko siya ay muling bumalik sa alaala ko iyong nakita ko sa condo ni Ysrael.
Naalala rin kaya niya? Pinagluto rin siya ng fiance ko at pagkatapos ano? They had s*x!
"Honey? What's wrong?" tanong ni Ysrael sa akin sa nag-aalalang tono. Kaagad niyang nilingon ang tinitingnan ko ngunit mabilis ng kumaripas ng takbo si Jinkee bago pa makita ni Ysrael na siya ang tinitingnan ko.
"W-wala…" naiiyak na sabi ko.
"Okay let's go!"
Nagpatianod ako sa hawak ni Ysrael habang ako ay palihim na umiiyak. Ang sakit…ang hirap pala kalimutan…