I'm so excited while I am making my way to my fiance's condo.
Nag-text kasi siya na nagluto siya ng mga paborito kong pagkain at gusto niya na makasalo ako sa tanghalian.
Well, I am here to take his offer. I am hungry right now at tamang-tama na inaya ako ni Ysrael para sa tanghalian. I think he's not busy right now, wala yata siyang trabaho ngayon? Nakapagtataka naman.
Teka…napansin ko, iba ang gamit niyang numero? Did he change his number without informing me? Or did he just forget to tell me because of his workload?
Ah…okay lang. At least, alam ko na ang bago niyang numero.
Nagpunas ako ng aming mukha nang marating ko ang floor ng condo ni Ysrael. Gusto ko mukha pa rin akong fresh sa kanyang paningin. Metikuloso si Ysrael at gusto niya laging maayos at malinis ang mga nakapaligid sa kanya.
Sa university pa ako galing nito at medyo natagalan pa ako sa pagpunta rito dahil traffic at medyo may kalayuan din kasi ito sa school na pinapasukan ko.
Natatakam ako habang tahimik na naglalakad sa pasilyo papunta sa condo unit ng fiance ko.
Ikaw ba naman send-an ng adobong baboy, calamares at sinigang na bangus ay kung hindi ka ba naman maglaway.
Lahat ito ay paborito ko. Talagang sinigurado niya na pupunta ako sa condo niya kahit gaano pa ako ka-busy sa midterm ko.
Well, actually, katatapos lang naman ng exam ko kanina. Next week na ulit iyong iba at sigurado naman ako na papasa ako. Na-review ko na 'yon ng ilang ulit kaya hindi na ako kabado.
I smiled when I reached his unit. Nasa tapat na ako ng unit niya at hindi ko na mapigilang ma-excite. Masayang-masaya talaga ako kapag nag-e-effort sa akin si Ysrael ng ganito. Nakikita ko talaga na mahalaga ako sa kanya at mahal na mahal niya ako.
Pinagkasundo man kaming ipakasal ng mga parents namin ay ayos lang naman sa amin dahil na-develop naman kami kalaunan.
Umabot na nga kami ng isang taon na mag-on simula ng ma-engage kami.
Siguro dahil marami kaming similarities at isa na rito ang mga paborito naming pagkain. Pareho kami ng course na kinuha pero mas ahead siya sa akin ng dalawang taon dahil nagtatrabaho na siya. Ako naman ay may ilang taon pa na bubunuin sa school bago maka-graduate.
Mahilig din kami mag-movie marathon. Same sport din ang gusto namin at syempre higit sa lahat ay parehong ideal man/woman namin ang isa't isa.
Kumbaga nasa isa't isa ang hanap naming ugali at pinapangarap na makasama habangbuhay.
Nilabas ko sa loob ng bag ko ang duplicate card na binigay niya sa akin bilang spare key ko sa pagpasok sa condo niya.
Dali-dali ko itong tinapat sa door lock at kaagad namang bumukas ang pintuan.
Sininghot ko ang bango ng condo niya nang makapasok na ako. I smelled the fragrant of the food na mukhang sinadya niyang kumalat dito sa loob.
Talagang tinatakam ako ng loko!
Well, he succeeded with that. Sobra na ang paglalaway ko lalo na at nangibabaw ang adobo sa lahat ng ulam na niluto niya.
I make my way to the kitchen. I saw that he already had the food on the table. Umuusok pa nga ang mga ito kaya naman talagang kakalat ang aroma sa loob ng condo niya.
Sininghot ko ang masarap na amoy ng mga pagkain. Gusto ko ng kumain ngunit kailangan na magsabay kami na kumain kaya naman hihintayin ko siya.
Sabi niya kasi maliligo lang siya sa saglit. Kapag dumating ako ay dumiretso na lamang muna ako sa kusina o sa sala para hintayin siya.
Naghintay ako ng twenty-minutes. Inisip ko na nag-aayos na siya dahil matagal talaga maligo at mag-ayos si Ysrael. Parang babae kung alagaan ang sarili kaya naman minsan ay na-i-insecure ako sa kanya.
Daig pa kasi niya ako sa dami ng skin care na gamit niya. Iba-iba ang gamit niya ng mga ito mula ulo hanggang paa.
Minsan nga naisip ko na baka closet queen siya. Ngunit ako naman ang nagpapatunay na hindi siya bakla. We kissed a lot and sometimes we're doing make-out. Hanggang doon ko lang naman siya pinagbigyan.
Hindi pa kasi ako ready sa s*x lalo na at kaka-nineteen ko lang naman nang nakaraan. Gusto ko pagkatapos ng kasal namin ay saka ko pa lang ibibigay ang puri ko. Gift ko ito sa kanya sa matiyaga niyang paghihintay. Kahit na pa ilang beses niyang hiniling sa akin na mag-love-making na kami.
Ngunit lumipas na dalawampung minuto na palugit ko sa kanya ay wala pa ring Ysaac na sumusungaw sa kitchen.
"Ba't kaya ang tagal naman niya? Sabi niya saglit lang siya maliligo dahil nakahanda na ang mesa at hinihintay na lang niya akong dumating," bulong ko sa aking sarili.
Naghintay pa ako ng sampung minuto. Nang lumipas na ang sampung minuto at hindi pa siya lumalabas ng kwarto niya ay saka pa lamang ako nagpasyang puntahan siya sa kanyang silid.
Marahan akong naglakad papunta sa kwarto niya. Medyo paliko lang iyon ng konti sa kusina kaya nakarating ako kaagad dito.
Hindi na ako kumatok dahil sanay naman siya na ganito kaming dalawa.
"Honey, I-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa senaryo na bumulaga sa harap ko.
Napatakip ako sa aking bibig habang pinipigilan na bumunghalit ng malakas na iyak.
Kaagad na umatras ako bago pa ako makita ng dalawang taong hindi ko inaasahan na makita silang dalawa sa ganitong anyo.
They were both naked under the sheet while having s****l intercourse.
Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko dahil kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang pagtataksil ng fiance ko!
Kailan pa niya ito ginagawa sa akin?
Kapag ba inuungot niya na may mangyari sa amin at tumatanggi ako?
Of all people, bakit sa babae pang iyon?
Dali-dali akong nagtatakbo palayo sa condo unit ni Ysrael. Panay ang iyak ko habang iniisip ko kung ano ba ang pwede kong gawin?
Kokomprotahin ko ba siya? Makikipaghiwalay ba ako at off ang wedding namin next month? O, kakausapin ko siya ng maayos at pakikinggan ang paliwanag niya?
Baka lang kasi natukso siya at pinagbigyan ang gusto ng babaeng iyon? O baka naman matagal na silang may relasyon?
Damn!
I don't know!
What would I do?
Ayokong masayang ang lahat ng pinagsamahan namin at preparations sa wedding. Lalo na at masayang-masaya ang parents namin na magkasundo kami at nagmamahalan.
Bihira kasi sa arrange marriage ang nagkakasundo ang babae at lalaki kaya naman tuwang-tuwa ang mga magulang namin na nagkagustuhan kami at pumayag na makasal sa isa't isa balang-araw.
Ngunit mukhang hindi na iyon matutupad dahil trinaydor nila ako!
Pinagmukha nila akong tanga!
Pumasok ako sa elevator na sige pa rin sa malakas na pag-atungal. Wala akong pakialam kung ano ang isipin sa akin ng mga kasama kong lumulan ng elevator.
Gusto ko lang ilabas ang hinanakit sa dibdib ko dahil alam kong hindi ako kakalma hanggang 'di ko nalalabas ang sama ng loob ko.
Masamang-masama ang loob ko kay Ysrael! Lalo na sa kaniig niyang babae na hindi ko alam na sasaksakin niya ako patalikod!
"Miss? Are you alright?" Narinig kong tanong ng lalaki sa tabi ko.
Hindi ko siya nilingon.
Nakikita na nga niya na umiiyak ako tapos tatanungin niya kung okay lang ako? Baka siya ang hindi okay?
"Here, punasan mo ang luha mo." Inabot sa akin ng lalaki ang isang blue na panyo.
"S-Salamat," sinisinok na sabi ko. Hindi ko pa rin tiningnan ang lalaki dahil alam ko naman kung ano ang posibleng itsura ko habang umiiyak.
Pinunasan ko ang luha ko at medyo humina na ang pag-iyak ko.
Ang bango naman ng panyo niya. Nakakahiya naman na gamitin ko ito lalo na at mukhang mahal ang fabcon na ginamit dito.
"Tumahan ka na, kung ano man ang iniiyak mo, Miss. Isipin mo na lang na everything will be alright soon. Huwag mo ng sayangin ang luha mo, papangit ka niyan."
I heard him chuckling with his own joke. Ano kayang nakakatawa sa sinabi niya?
Kaagad na tumahimik naman ako sa pag-iyak dahil sa sinabi niya. At pasimpleng pinunasan ang sipon ko na tumutulo sa ilong ko.
Nakakahiya naman, lalo na at dalawa lang pala kami rito sa loob ng elevator.
Mukhang kanina pa yata ako inoobserbahan ng lalaki!
Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang na-realize ang ginawa kong pag-iyak through public.
Narinig kong tumunog ang elevator. Naglakad na palabas ang lalaki. Nakahinga naman ako ng maluwag ngunit bago pa siya makalabas ay muli siyang nagsalita.
"Bye for now, darling. Pakilaba na lang muna ang panyo ko. Ibalik mo na lang sa akin kapag nagkita tayong muli."
Tumayo ang balahibo ko sa batok dahil sa endearment na ginamit niya. Ewan kung bakit tinayuan ako ng balahibo dahil doon! Napakaganda rin kasi ng boses niya at sa hinuha ko ay gwapo ito at macho!
"By the way, I'm Erwin Kian Salazar. See you around."
Lakas-loob akong lumingon sa gawi ng lalaki ngunit ang pintuan ng elevator ang sumalubong sa aking paningin.
Sayang! Hindi ko man lang siya nakita. Curious talaga ako sa mukha niya. Ang bait pa naman dahil nagawa niya akong aluin kahit hindi naman niya ako kilala. Bihira ang ganitong tao lalo na at lalaki pa naman.
Kaya lang naisip ko, pare-pareho lang ang lalaki. Wala silang pinagkaiba sa ugali. Mamahalin ka sa lang una pero kapag nagsawa na ay ang bilis ka lang palitan. Kaya iyong lalaki kanina, naku! Huwag ako! Bait-baitan lang ang isang iyon pero ang totoo, marami na rin iyong pinaiyak.
Bumukas ang elevator sa ground floor. Kaagad kong tinakbo ang parking lot kahit panay pa rin ang iyak ko. Hindi ako maaaring makita ni Ysrael. I have many plans to do. Tumatakbo na ang utak ko at nais kong makaganti sa ginawa nilang dalawa sa akin.
Magbabayad sila ni Jinkee sa akin! Matagal na yata nila akong niloloko pero wala man lang akong kaalam-alam!
Humanda sila! Itutuloy ko ang kasal pero gagawa ako ng eksena na hindi makakalimutan ni Ysrael kahit kailan.
Huminga ako ng malalim nang makalapit sa aking kotse.
Dapat maging kalmado lang ako. Dapat walang bakas na umiyak ako.
Hindi ako kaagad sumusuko sa laban lalo na kapag ako ay niloko. Sasakay ako sa laro nila kahit masakit.
Minahal ko ng tunay si Ysrael pero nagawa niya akong lokohin dahil sa kalandian ng bestfriend ko. Alam kong sobrang kati ng babaeng iyon dahil kahit sino ang kinakalantari. Pero 'di ko naisip na isang araw ay isa ako sa tatraydurin niya para matikman ang aking pinakamamahal.
Napakawalang-hiya nila!
Magsama silang dalawa!
Bumalik ako ng school at kumain na lang sa canteen. Hindi ako makakain ng maayos ngunit pinilit ko ang aking sarili na kumain. Hindi ako dapat magpaapekto. Kung kaya nilang mag-pretend sa harap ko na parang wala silang ginagawang masama. Dapat ganito rin ang gawin ko, magpanggap ako na walang alam at magmamasid ako ng palihim sa kilos nila.
Naubos ko ang pagkain ko ng 'di ko namamalayan. Kaya ko naman pala ubusin kahit masama ang loob ko.
Inayos ko ang aking pinagkainan. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang marinig kong biglang umingay ang paligid.
"Mister Salazar is here!"
"Oh hail the Billionaire Pilot!"
"He is so handsome!"
"Anakan mo ako, please!"
Halos matulig ako sa tilian ng mga babae at bakla rito sa canteen. Sino ba ang tinitilian nila at pinagkakaguluhan?
Mister Salazar? Billionaire pilot? Sino ba iyon?
Bida ba sa wattped? Oh baka naman artista?
Pero Salazar? Wala akong kilalang Salazar!
But the surname sounds familiar! Parang narinig ko na 'to somewhere else! Saan na nga ba iyon?
Dang! Hindi ko matandaan!
Luminga-linga ako sa paligid para tingnan kung sino ang pinagkakaguluhan dito sa school. Pero wala akong makita! Natatakpan ng mga estudyante ang taong pinagkakaguluhan nila.
Baka naman kasi bagong propesor sa Bachelor of Aviation, Science in Aviation Technology o baka sa Bachelor of Science in Aerospace Engineering kaya?
Ay malay ko ba! Business Administration ako kaya wala akong alam kung propesor iyon na bago at gwapo kaya pinagkakaguluhan. Billionaire pilot nga raw, baka mayaman talaga kaya ayon at pinagkakaguluhan.
"s**t! Ang gwapo talaga ni Mister Pilot! Sana mapansin ako!"
Akala ko titigil na sila sa kakatili, may continuation pa pala. Mukhang gwapo nga ang lalaki kaya sikat dito sa school.
Nakisiksik ako sa mga estudyanteng narito sa canteen at tumitili pa rin. Walang pakialam na sumingit ako para makalabas lang ng pinto ng canteen at matahimik ang tainga ko sa ingay nila.
I succeeded. Sa likod ako dumaan para maiwasan ko pa ang mga estudyanteng papasok para masulyapan lang ang taong pinagkakaguluhan nila.
Nang makalabas ako ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Hawak ko ang puso ko habang habol ko ang aking paghinga. Nakaka-suffocate sa loob at mabuti at natitiis nila ang makipagsiksikan makita lang nila ang lalaking iyon.
Nakasimangot na naglakad ako palayo ng canteen. Nakasimangot pa ako habang bubulong ng kung ano-ano nang sa 'di kalayuan ay nakita ko si Ysrael na nakatingin sa akin habang maluwag na nakangiti.
Nagulat ako na makita siya rito. Mukhang nakaamoy ang animal na 'to!
Ang lawak ng ngiti niya.
Ngiting nakaisa?
Hindi ako ngumiti pabalik. Kunwari ay hindi siya ang tinitingnan ko. Dumiretso ako ng lakad at pumunta sa next subject ko. Bahala siya, alam kong hindi rin naman talaga ako ang sadya niya rito. Malamang, hinatid niya si Jinkee dahil tapos na sila sa pagtataksil sa akin. Baka nakahalata ang mga taksil na naroon ako kaya narito na sila kaagad.
Bahala sila, basta ako. Lie low na muna ako sa kanilang dalawa. Pipilitin ko na wala silang mahalata sa akin. Pipilitin ko na maging normal pa rin ang mga kilos ko kahit nasasaktan na ako.
Nasa isip ko, gaganti ako sa kanila. Maghintay lang sila dahil malapit na ang araw na iyon. Ilang buwan na lang, magkakaalaman na ng kabulukan.
Nagpasya akong i-off ang cellphone ko. Hindi pa tumatawag si Ysrael at malamang pakana ni Jinkee ang lahat. Baka hindi si Ysrael ang nag-text sa akin. Baka ang bruhildang iyon para mabuko ko sila.
Siguro nga ganoon nga, kaya ang lawak ng ngiti ni Ysrael sa akin dahil wala pa siyang kaalam-alam!