Earlier… "Stella…hindi na ba natin maibabalik ang dati nating samahan?" Natigil ako sa tangka kong pagsubo nang biglang magsalita si Ysrael sa aking harapan. Muntik pa akong mapatalon sa gulat at mabuti na lang at napigilan ko. Bigla-bigla na lang kasing magsasalita. Huminga ako ng malalim bago ko ibinaba ang hawak kong kutsara.Tumingala ako sa kanya na hindi ko namalayan na narito na pala sa aking tabi. Nakapamulsa siya at malungkot na nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang makita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha. Nakita ko ang paghihirap sa kanyang mga mata at parang gusto ko siyang aluin. Ngunit hindi dapat ako magpadala sa kanya dahil alam kong maiisahan na naman niya ako kapag nakadama ako ng awa sa kanya. Bumuntong-hininga ako at inayos ang aking sarili. N