Umalis agad ako nang matapos siyang ipakilala. Hindi ko man nakita ang kanyang mukha ay alam kong siya iyon. Siya lang naman ang nagmamay-ari ng ganoong helicopter na nakita ko at siya lang naman ang binansagang Billionaire Pilot" na kilala ko. Hindi na ako nag-abala pang manood ng demo niya dahil baka hindi ako makapagtimpi ay may magawa ako na baka pagsisihan ko sa bandang huli. Hindi ako nakakasiguro na single siya kaya hangga't maaari ay iiwas ako dahil ayaw kong makasira ng relasyon kung sakali. Umiiwas nga ako para huwag akong mahulog nang tuluyan sa kanya subalit pagkakataon naman ang naglalapit sa akin sa kanya para kami ay magtagpo ng mga landas. Erwin Kian Salazar… Ang gandang pangalan naman. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan. Paano kaya kung sa kanya ko isunod