Nagpasya na akong lumabas ng university nang matapos na ang huling palabas. Alas-singko 'y medya na ng hapon pero mainit pa rin ang tama sa balat ng sikat ng araw kaya heto at pawis na pawis ako. Buti na lang at dala ko ang paborito kong cologne. Nagwisik ako at kahit papaano ay hindi ako mangangasim sa sobrang pagpapawis. Pupunta muna ako ng bayan bago ako umuwi. Sabi ko kay Grandma kanina nang tumawag ako sa bahay ay magta-taxi na lang ako pauwi. Sinabi ko na may bibilhin lang ako sa bayan at uuwi rin kaagad. Pumayag naman siya sa huli pero inulan muna ako ng paalala sa kanya bago niya binaba ang tawag. May gusto kasi akong daanan doon. May bibilhin akong pagkain na nagpapatakam sa akin ng labis kahapon pa. Gusto kong mag-stay roon ng kahit konting oras lang para makuntento ang craving