"Damn! Saan ako magsisimula na maghanap sa kanya?" mainit ang ulong bulalas ko. Halos mapapitlag pa ang lalaking nakatayo sa information desk dahil sa bigla kong pagsigaw. Walang bagong salta rito na umuupa ng bagong kwarto. Lahat ay halos isang taon pataas ang mga nakakuha na ng unit kaya paano ko hahanapin sa kanila ang babaeng matagal ko ng hinahanap? Pwera na lang kung may kakilala siya rito at siyang nagmamay-ari ng unit. Pero sabi naman ng information desk ay wala naman daw bagong panauhin na naninirahan dito at humiram ng unit para siyang pansamantala na tumira rito. So paano nangyari iyong kagabi? Nag-ala ninja move ang babae kaka-stalk sa akin? Tapos ano? s*x and run pagkatapos? Aba't matindi siya kung ganoon? Nanggigil tuloy ako sa inis. Binigyan niya ako ng palaisipan na ka