Isang halik sa labi ang gumising sa natutulog kong diwa. Tulirong dumilat ako habang kinakapa ang babaeng katabi ko sa kama. Ngunit kadiliman ang sumalubong sa akin at isang bulto ng katawan ng babae ang nakita ko sa dilim na mabilis na tumatalilis. "Darling, where are you going?" tarantang tanong ko sabay balikwas ng bangon upang habulin ko siya. Subalit nasapo ko ang aking ulo dahil sa pagsirit ng matinding sakit mula rito. "Ouch! f**k that f*****g liquor," nagawa ko pang ibulalas habang sapo ang aking ulo. "P-paalam…" ang tangi kong narinig na sagot ng babae bago nito binuksan ang pintuan at patalilis na umalis. "Nooooooo!" sigaw ko sabay tayo paalis sa kama. Mabilis akong humakbang para mahabol niya. Subalit napatid ako sa suot kong pantalon na nakababa hanggang sa aking tuhod. "f