Hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa akin, basta na lang ako na estatwa sa kinatatayuan ko ng makita ko ang lalake na naka tayo mismo sa tapat ng pintuan ng bahay namin, naka ngiti pa ito at tila bang inaasahan na niya ang pag uwi namin ng kaibigan ko. Pero ipinag tataka ko, bakit parang ngayon ko lang yata nakita ang lalake na ito. Sa suot niya round neck na white T-shirt at pantalon na kupas ang kulay, animo parang adonis ang dating. Muli ako napa tingin sa mga mukha niya, meron siyang biloy sa mag kabilang pisngi na bumagay sa hulma ng mukha niya.
"Rose!!! ano ba?? mag titigan na lang ba kayo? pumasok na kaya tayo para malaman natin kung sino ang bisita ng mga magulang mo." Hila hila na ako ni Miya papasok ng gate pero hindi pa din nawawala ang pag kakatitig ko sa bisita ng inay at itay. Na nanatili pa din itong naka tayo sa may pintuan at naka ngiti pa din ito. Nakaka magnet ang tingin niya, kung hindi lang siya may itsura iisipin kong hinuhubaran na niya ako sa klase ng tingin at ngiti niya
"buti naman at umuwi ka?" tanong sa akin ng nanay at tatay, pareho pa silang nagulat dahil iisa ang tanong nila.
"bakit ngayon ka lang umuwi Rose?" tanong ulit ng tatay sa akin. "Akala namin ng nanay mo nakalimutan mo na ang address nitong bahay natin eh." dadag pa ng tatay. Hindi pa din ako nag sasalita, bagkus nag palipat lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa.
"Siya nga pala, may ipapakilala kame sayo." anang nanay. "Siya nga pala si Mark." Tiningnan ko lang si Mark at ang mga magulang ko, para akong nawalan ng boses sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dala ng jetlag ko sa byahe o dahil sa pasabog ng mga magulang ko.
"Mark, siya nga pala ang unika ija namin." Pag papakilala naman sa akin ng tatay. Kung ilang minuto akong napipi hindi ko alam. Si Miya ang gumising sa akin sa katotohanan.
"Best!! Kung alam ko lang na ganito ka gwapo itong Mark na ito di sana kinaladkad na kita pa uwi." Para akong pinag kakaisahan ng tadhana sa nangyayare. Wala ako naging sagot ni isa man sa kanila, bagkus dali dali akong umalis at pumasok sa aking silid. Napansin kong sumunod pala sa akin ang inay at itay kasama ng matalik kong kaibigan.
"Rose. Ano bang nangyayare sayo? Kanina ka pa hindi nag sasalita, ni hindi ka sumasagot. Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ng nanay. Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko sa kanila. "Itong tubig, uminom ka muna para naman mahimas masan ka." Iniabot sa akin ng inay ang isang basong tubig.
.
"Ano po ba ang totoong nangyayare dito Nay, Tay?" Ito ang una kong tinanong sa kanila, at kahit hindi ako naka tingin sa kanila, nararamdaman kong nagulat sila sa biglang tanong ko. Naguguluhan ako sa nangyayare, mula ng dumating kame ni Miya, hindi man lang nagwala o nagalit sila inay. Pakiramdam ko, alam nila na uuwi kame ngayon. Pero paano? Hindi naman nila alam kung saan ako nag punta at kung kanino ako tumuloy.
"Hindi namin aakalain na uuwi agad dito si Mark, ang alam namin ng nanay mo matatagalan pa. Pero isang buwan mula nung umalis ka, umuwi din dito si Mark. Ang paliwanag niya sa amin eh, napa aga daw ang bakasyon niya kaya hindi na namin inusisa ng inay mo." Paliwanag ng tatay.
"Sino po ba ang Mark na yan nay, tay? bakit naman ipinag pipilitan niyo akong makasal sa kanya, gayong hindi ko naman siya nakikita at nakilala ni minsan. Mauunawaan ko naman po siguro kung sakaling sinabi niyo sa akin ang totoo. Ano po ba talaga ang plano niyo? Nawalan na po ba ako ng karapatan sa sarili ko? ultimo ang pag aasawa ko kayo na din ang mag dedesisyon?" Napa buntong hininga na lang ako, para akong piniprito ng buhay. Doon ko lang ulit napansin si Miya ng mag salita ito. Parang anak na din ang turing nila nanay at tatay kay Miya, dahil childhood bestfriend kame at ang mga magulang naman namin ay mag kumpare at kumare.
"Best, mag pahinga ka na muna." Niyakap ako ni Miya, at napa pikit ako.
"Iiwan na muna namin kayo, mag pahinga na kayo pareho at alam namin pagod pa kayo mula sa byahe."
Naka labas na ng kwarto ang nanay at tatay pero na natili akong nakapikit. Ano ba ang gagawin ko, matatakasan ko pa kaya ang pag papakasal gayong nasa pamamahay namin mismo si Mark. Bakit ba kasi andito siya, wala ba siyang sariling bahay at dito pa talaga siya umuwi. Saan siya natutulog habang wala ako? Bigla akong napamulat at napa tingin kay Miya, napatingin din sa akin si Miya at wari nag tatanong ang mga mata niya.
"Kung dito umuwi si Mark saan siya natutulog?" Napatingin ako sa closet at dali dali kong binuksan, at tumambad sa akin ang mga pan lalakeng damit na naka hanger pa mismo. May mga box din ng mga sapatos na halos lahat yata ay bago pa, sa tabi naman ang isang black luggage bag.
"Ooh noh!!! This can't be! Ibig sabihin dito siya sa kwarto ko na tutulog?!" nilapitan naman ako ni Miya at tiningnan niya din ang laman ng closet ko.
"Best, mamaya na natin problemahin yan siguro naman may sagot sila aunty sa mga tanong mo. Mag pahinga muna tayo, masakit na din ulo ko eh." Tumango na lang ako pero alam ko din naman na hindi rin ako makaka idlip. Humiga na lang ako baka sakaling dalawin ako ng antok pero masyadong mailap ang antok sa katawan ko. Na aamoy ko ang men's cologne sa unan ko at biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Mark.
Lumabas ako ng silid at hinanap ko ang inay, sakto naman nasa kusina siya. Nagulat pa siya nang makita ako, "oh? bakit andito ka hindi ka ba maka tulog?"
"Hindi po nay. Ang tatay po na saan? si Mark po?" tumingin ako kay nanay at nagtataka ako kung bakit siya naka ngiti.
"Nay naman eh! alam ko na yan kamo. Masama bang mag tanong?"
"Hindi naman anak. Baka nasa labas lang ang mga yon." Sige po nay, tingnan ko na lang po, paalam ko kay nanay.
Hindi pa man ako tuluyang naka labas ng bahay may narinig na akong nag giguitara. "Nay! Kailan pa si tatay natutong mag guitara?" baka si Mark yun anak sagot ni nanay habang nag hihiwa ng kamatis. "Mabuti pa puntahan mo na lang sila, diba mahilig ka din naman mag guitara?"
Mahilig nga ako sa guitara pero hindi naman talaga ako natugtog hanggang strum lang ako. Pinakinggan ko ang tinutugtog ni Mark at pamilyar sa akin ang kinakanta niya. Ang ganda naman ng boses niya parang bagong gising, may accent din. Nasa lilim sila ng puno ng mangga, si tatay naka higa sa duyan habang si Mark naka upo sa kawayang upuan. "Abah! mukhang mag kasundo pa nga yata ang dalawang to."
"Tay!" biglang napalingon si Mark. Bakit ba ang kisig niyang tingnan, uuyyy.. ma i inlove ka pa yata ahh, nako! hindi pwede, pag tatanggol ko mismo sa sarili ko.
"Rose anjan ka pala, halika ma upo ka" tawag sa akin ng tatay. Lumapit ako at umupo sa katapat ng upuan ni Mark. "Hi" bati niya sa akin. Tiningnan ko muna si tatay at huling huli ko siyang naka ngiti. Ano ba ang problema ng mga magulang ko mukhang nasaniban yata ng masamang hangin. Nag tataka na talaga ako sa mga kinikilos nila. Tumayo si tatay mula sa pag kakahiga sa duyan, "papasok muna ako sa loob, iwan ko muna kayo para maka pag usap naman kayong dalawa." wala naman kameng pag uusapan tay sagot ko. Iniwan nga kame ni tatay sabay sabing "marami anak."
Pareho kameng tahimik ni Mark. Hindi ko malaman kung bakit ako kinakabahan, parang tambol ang dibdib ko. Ano bang meron sa lalake na to at nagiging ganito ako. Natamaan ka na yata. Naka yuko pa din ako, ini isip ko kung anong itatanong ko sa kanya pero siya na mismo ang bumasag sa pananahimik ko.
"Sorry. Alam kong marami ka din itatanong sa akin at ganon din ako." Ano naman ang itatanong niya sa akin, siya nga itong estranghero eh, usal ko sa isip ko. Umangat ako ng tingin at nag tama ang mga mata namin, ang dami kong nakikitang emosyon sa mga mata niya. Biglang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya, ini isip mo ba kung ano sa pakiramdam ang malikan ng mga labi niya? natutop ko ang aking noo, bakit ba ganito ako mag isip ngayon. Ano bang meron sa Mark na ito.
"Kantahan kita?" nagulat ako sa tanong niya. Ohh noh!
"is that a yes?" Ano ba naman ang ginagawa sa akin ng lalake na ito, nawawala ako sa sarili kong katinuan. Tiningnan ko lang siya habang kinakapa niya ang kwerdas at nag simula na siyang kumanta.
?It's amazing how you can't speak right to my heart without saying a word you can light up the dark, try as it may I could never explain, what I hear when you don't say a thing, the smile on you face let me know that you need me theres a truth in your eyes saying you never leave me, the touch of you hands says you catch me whenever I fall, you say it best when you say nothing at all?
Lulubog yata ako sa kina uupuan ko, hindi niya ina alis ang tingin niya sa akin habang nakanta. Pakiramdam ko para akong nalulunod sa mga titig niya.